"But for sure, girls will wear dresses and gowns. Ako lang ata ang may ibang gusto.." I snorted. "Ako ang naiiba."

Bumuntong-hininga ako. I really want to be a sandwich! Pero ayoko namang pagtawanan nila ako dahil hindi gaya ng kanila ang suot ko.

"I'll be a hotdog, then.."

Lumingon ako sa kaniya at tumawa nang malakas. He gently pushed my arm to stop me. I just can't stop! A hotdog costume is funny!

"Why would you want to be a hotdog?" Natatawa kong tanong.

He stared and me and smiled. Umangat ang kilay ko saka hinintay ang sagot niya.

"So you don't have to worry about being different alone.." he said. "Sasamahan kita. Let's be different together.."

I think my heart melted with what he said. That somewhat made me at ease. I don't have to worry about being different because we'll be different together. I am not alone because I have him.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya saka tumawa. Tumawa rin siya sa akin at tumingin sa langit. We hurriedly ran to our classroom when the bell rang.

Of course, mommy didn't want me to go to the party wearing a hotdog costume. Kinailangan ko pang umiyak para payagan niya ako. Joanna was laughing at me being a sandwich. Siya naman ay nakasuot ng dilaw na dress.

"Nanay, cute naman po ako sa suot ko, 'di ba?"

Natatakpan ang halos buong katawan ko sa costume at mukha lang ang kita. Kita rin naman ang binti ko at braso ko.

Tumango si nanay at ngumiti sa akin. I hugged her and rested on her chest. Nang makarating kami sa school ay halos nga lahat ng babae ay nakagown at dress. Lots of them were fairies, princesses, witches, and queens wearing a crown.

They stared at me when I entered our classroom. Si Joanna ay humahagikgik pa rin sa tabi ko. I shyly sat by the corner. They were whispering words to each other.

"Why is she wearing a costume like that?"

"Oo nga, Danica. Hindi ba kaibigan mo 'yan noon?" Tawa ng isa.

Danica rolled her eyes. "Shut up. She's just my classmate since kindergarten."

Kumirot ang puso ko nang marinig ko iyon ngunit hindi ko na lang pinansin. I saw my mortal enemy entered the room and she's wearing an angel costume. Nang dumapo ang tingin siya sa akin ay halos matawa siya.

I rolled my eyes at her and made sure she saw it. Angel ang suot, pero demonyita naman!

"Fake angel Amethyst." Bulong ko.

My eyes widened when I saw a boy entered our classroom. He's wearing a hotdog sandwich costume. Mayroon pa iyong design na mustard. Agad akong tumawa sa hitsura niya saka nagmamadaling lumapit. He laughed at me and I laughed at him. Tinawanan namin ang hitsura ng isa't isa.

"I can't even see you on that!" He exclaimed.

Ngumuso ako. "Kita ang mukha ko, 'no!"

Ang buong party ay napuno ng tawanan at mga laro. Mayroon ding kainan pero hindi naman iyon ang ikinatuwa namin nang husto. There are games that I didn't join because of my costume. Ilan sa mga iyon ang trip to Jerusalem dahil paniguradong mauuna sila sa amin. Sasali dapat kami ni Ayden sa paper dance ngunit siguradong una kaming matatanggal.

I won the stop dance game, though. Itinodo ko talaga ang pagsayaw habang si Ayden ay tumatawa lang. Sa laki ng costume ko ay hindi na halatang gumagalaw ang katawan ko. Kaya nanalo ako!

The party is not yet over but we decided to go out of the classroom. Malamig ang hangin sa labas dahil nagdidilim na. Si Nanay Josephine naman ay nadoon lang para hintayin kami. We sat down the stairs of the building.

It Had to be You (Valdemar Series #2)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن