47; Her last ace

Magsimula sa umpisa
                                    

"Malaki ang k-kasalanan ni Mommy kay Auntie Hendria. Nakipagkasundo si Auntie kay Mommy na papatawarin lang siya nito kung papayag siyang gamitin ako."

"Gamitin ka? Anong ibig mong sabihin?"

"It's all planned, Marie. Nakaplano na ang lahat kay Auntie Hendria kahit 'yung unang pagkikita na'tin."

Naguguluhan ko siyang tinignan. Wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Kahit anong gawin ko ay pumapasok lang sa tenga ko at lumalabas lang sa kabila ang sinasabi niya.

"Inutusan niya akong makipaglapit sa'yo, kunin ang loob mo at saktan ka sa bandang huli. Sa ganoong paraan, unti-unting mababayaran ng mommy ko ang kasalanan niya kay Auntie."

Unti-unting naging malinaw ang sinasabi niya. Napatanga na lang ako.

"Matagal na kitang kilala, Marie, bago pa tayo unang magkita nila Maia at Kim. Matagal ko na ring alam na.. na anak ka ni Herman Samuel."

Hindi ko alam ang irereact ko. Nablangko ang utak ko at namanhid ang buong katawan ko.

"Alam ni Hendria noon na anak ako ni Herman?" Kumuyom ang kamao ko nang tumango siya. Bumalik ang galit sa loob ko.

"Patawarin mo ako, Marie, naipit lang ako sa sitwasyon. P-please, Marie, patawarin m-mo ako.."

Umusbong ang kaninang galit ko sa kaniya. Iwinaksi ko ang awa na nararamdaman ko nang marinig ko ang kinwento niya. Hindi iyon sapat. Niloko niya pa rin ako.

"M-Marie.. to-totoo lahat ng p-pinakita k-ko sa'yo, sa inyo--"

Umiling ako at tumawa ng pagak. "Hindi lang pala ako ang marunong umarte dito. Mas tinalbugan mo pa ang pang-Oscar award kong pag-arte noong nalunod ako sa pool."

I can't believe. Kung sino pa iyong kaibigan mo siya pang sasaksak sa'yo patalikod. Ang galing. Napaniwala niya ako. Napaniwala niya kaming lahat! 

"Marie--"

"Ayoko ng makita ka pa simula ngayon."

"M-Marie.." Napahagulgol siya sa iyak at niyakap ako. Tinanggal ko ang braso niya.

"On the second thought, pwede kitang gamitin din tulad ng paggamit sa'yo ni Hendria." Napangisi ako at pinunasan ang luha niya. "Ang tanong ay kung magpapagamit ka ba?"

Matagal siyang hindi nakasagot. Nang tanungin ko ulit siya, boluntaryo na siyang tumango.

"Now tell me, what is Hendria's weakness?"

Natigilan siya sa tanong ko at napaiwas ng tingin. "I c-can't.. I can't tell you." Hinawakan ko ang magkabilang braso niya. Mas diniinan ko ang pagbaon ng kuko ko sa balat niya para ramdam niya ang galit ko sa kaniya. This way, mapipilitan siyang magsalita or else hindi niya makukuha ang kapatawaran ko.

"You.tell.me."

"F-fine. Just.. just let go o-of me." Nakita ko ang pagngiwi niya. Binitawan ko siya at lumayo ng ilang hakbang. Sinabi ko sa kaniyang sa condo na lang kami mag-usap. Tumango naman siya sa sinabi ko. Sumakay na kami ng kotse niya at nagdrive na pauwi.

"Huwag mo akong lolokohin, Misty, kung gusto mo pang patawarin pa kita." wika ko bago lumabas ng kotse niya. Nauna akong naglakad at mabilis pa sa isang minuto na nakapasok sa loob ng building. Bago pa may makapansin sa'kin, pumasok na ako agad sa elevator. Sumunod si Misty sa loob kaya pinindot ko na ang floor ko. Napangisi ako. Mukhang magkakaroon pa ako ng huling alas makabawi lang sa mga ginawa nila.

_

"What are you doing here?!"

Tumaas ang kilay ko nang iyon ang bumungad sa'kin. Tignan mo nga naman. Hindi ko inaasahan na siya ang bubungad sa akin pagkapasok ko pa lang ng opisina.

Huminto ako sa tapat ng table at tinignan ang pangalan na nakasulat sa glass name plate. Tumaas ang sulok ng labi ko at binalingan siya.

"Hindi naman ako nagbitiw sa pwesto ko, bakit pangalan mo na agad ang nakasulat sa salamin na 'yan?" tanong ko at ibinaba ang hawak na bag.

"Obviously, hindi ka na parte ng kumpanyang ito."

Tumaas ang kilay ko. "Who said that? Ako pa rin ang may-ari ng Samuel Corporation."

"Not anymore," Ngumisi siya. "Sa kahihiyan na nangyari sa'yo may gana ka pang magpakita pa dito? Ang kapal talaga ng matres mo."

Ako naman ang ngumisi sa kaniya. "Singkapal ng mukha mo." Dahil sa sinabi ko, nagbago ang reaksyon niya. Galit agad? Totoo naman ang sinasabi ko.

"Yvan! Yvan!"

Pumasok ang nagmamadaling si Yvan at gulat na napatingin sa akin. "Ma'am-- Boss--"

"Take her away. Simula ngayon 'wag na kayong magpapapasok na ahas sa teritoryo ko!"

Nanliit ang mata ko. "Teritoryo mo? Sa pagkakaalam ko kasi Hailey, pagmamay-ari ko ang sinasabi mong teritoryo mo." Naisip ko ang sinabi ko. Double meaning, eh? Hindi lang ang kumpanya ang inangkin niya pati na rin si Logan. Sa aming dalawa, siya ang ahas.

"Why don't you asked Dad? He told me na sa akin na niya ibibigay ang Samuel Corporation."

"Really?" Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya at kapagkuwan ay tumawa.

"What are you laughing at? Do you think I'm joking here?!" sigaw niya. Nanlilisik na ang mata niya.

"Hindi lang kasi ako naniniwala. You know how much your Dad loves me." Ngumisi ako at kinuha ang nameplate na nakapangalan sa kaniya. Itinapon ko 'yon sa sahig sanhi ng pagkabasag nito. "That sucks." Pinagpag ko ang kamay ko.

"How dare you!" Sumugod siya sa'kin at akmang sasaktan ako nang marinig ko ang sigaw ni Herman.

"You two, stop!"

Lumayo ako at tumayo ng maayos. Binalingan ko si Herman na dismayadong nakatingin sa'kin.

"What are you doing here?" Umiling siya. "No. Why are you still here?"

Nagulat ako pero agad din nakarecover. Tumaas ang kilay ko at nagcrossed arm.

"What's that supposed to mean?" tanong ko.

"You are no longer the CEO of this company. You betrayed me."

Nakaawang ang labing tumingin ako sa kanilang dalawa. Natawa ako kapagkuwan.

"You can't do that. I already bought your whole company." wika ko. Kumunot ang noo niya habang ngumisi naman si Hailey sa tabi niya. "Mukhang hindi kayo kumbinsido? Call your lawyer, then. Let's see kung sino ang uuwi ng luhaan." Ngumisi ako.

Kunot ang noong nilagpasan ako ni Herman at lumabas ng opisina. Naiwan kaming muli ni Hailey sa loob. Hindi nawala ang ngisi sa labi ko habang nakikipagtitigan sa kaniya. Ilang minuto pa humahangos na pumasok si Herman at galit na galit na nilapitan ako.

"Y-You--" Bago pa ito mawalan ng malay ay nasalo na ito ni Yvan. Tarantang tumakbo si Hailey sa ama niya.

"What-- Dad! Wake up, Dad! Oh my God."

Deja vu. Parang nangyari na rin 'to dati? Oo nga pala, nawalan din ng malay si Herman noong nalaman niyang binenta ko ang shares ko kay Mr. Retri. Kung sinuswerte ka nga naman.. talagang kaparehas pa ng tagpo ang nangyari ngayon. Ang pinagkaiba lang, si Hailey naman ngayon ang nakasaksi kung paano mawalan ng malay ang kaniyang ama.

Ngumisi lang ako at lumabas ng opisina. May nasalubong pa akong medic na nagmamadaling pumasok sa loob. Sa lobby naman ay nakasalubong ko si Hendria na nagmamadaling pumasok sa exclusive elevator.

The Side Chick Woman✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon