Ngumiti ako ng mapang-akit sa kanila. "Logan is the name. He's my classmate in college. Nabalitaan ko kasing kinasal na siya and oh, pinsan ako ni Hailey." Muntik na akong ngumiwi sa sinabing palusot. Sana lang hindi nila mahalata na nagsisinungaling ako.

"Ah, pinsan po pala kayo ni Ma'am--" Hindi na natapos ang sasabihin ng isang guard nang bumusina ang sasakyan sa loob. Agad na kumilos ang dalawa at binuksan ang gate. Napatakbo ako sa isang puno at doon nagtago. Lumabas ang isang pamilyar na pick up. Bumaba ang bintana ng driver seat nang katukin ito ng isang guard. Nakita ko si Logan na kumunot ang noo at tinignan ang itinuro ng guard kung saan ako nakatayo kanina. Ilang segundo pa ay umandar na ang sasakyan at umalis.

Naglakad ako palapit ulit sa dalawang guard na takhang nakatingin sakin.

"Sorry, I left my gift on my car." Itinuro ko ang kotse ko sa di kalayuan. "So is he there? I mean, si Hailey pala? My cousin." Natawa ako at pinigilan na hindi ngumiwi.

"Naku, Ma'am, kakaalis lang po nila ni Sir Logan."

"Mag.. magkasama sila?"

"Opo, Ma'am, papunta po sila sa paborito nilang restaurant para kumain ng lunch."

Tinanong ko kung saang restaurant iyon and guess what, doon pa talaga sa paborito din naming pinupuntahan ni Logan. I drove out my car and follow them. Hindi naman ako nabigo dahil agad ko silang nakita na kakaupo lang sa isang table. Malapit sila sa glass wall kaya kitang kita ko kung paano ipaghila ni Logan si Hailey ng upuan.

Kinuha ko ang cap ko sa likod ng kotse at sinuot iyon. Pumasok ako sa loob ng restaurant at umupo sa malayo, 'yung hindi nila mapapansin. Kitang kita ko ang saya sa mukha ni Hailey habang pangiti-ngiti naman si Logan. Nag-usap ang dalawa at nagtawanan.

Tangina. Ang sakit nila sa mata!

Kailanman ay hindi naging ganun si Logan noong kasama niya ako. May lumapit na waiter sa akin kaya kahit hindi ako gutom um-order pa rin ako.

Nakita ko ang pagtayo ni Logan at ang pagtango ni Hailey. Tumayo ako at pasimpleng sinundan siya. Inayos ko ang cap ko at hoodie na suot saka pumasok sa cr ng mga lalaki. Mukha naman akong lalaki sa get up ko kaya walang nakapansin. Pumasok ako sa isang cubicle at hinintay umalis ang dalawang natirang lalaki. Umalis naman ang dalawang lalaki at susunod na sana si Logan nang harangan ko ang pinto at isara iyon.

"What the fuck, man?" galit na wika nito. Tinanggal ko ang hoodie ko at cap bago iangat ang mukha. As expected, nagulat siya nang makita ako.

"Lo--" He cut me off by grabbing my arms.

"What are you doing here, Elizabeth?!" He roared gripping my arms tight.

"Iniiwasan mo ba ako, Logan?" Iyon ang mga tanong na gustong gusto kong sabihin.

"May.. may nagawa ba akong mali?" Nanggilid ang luha sa mata ko. "Tell me, Logan--"

"Damn it, Elizabeth! My wife is here--"

"Sagutin mo ang tanong ko!" sigaw ko. Sa sobrang frustrated ko hindi ko na napigilan pa ang sarili na sumabog.

"Go home, Elizabe--"

"Logan," Niyakap ko siya. "Wag mo naman akong iwasan. K-kung.. kung may nagawa man a-akong mali, sorry. Sorry, Logan--"

"Elizabeth,"

"P-please, Logan, sumama ka sa'kin. Ipagluluto kita ng lunch mo." Sinubukan kong ngumiti ngunit ayaw tumigil ng luha ko sa pagpatak.

"Can't you see we're already eating--"

"Iwan mo siya. Iwan mo na si Hailey at sumama sa'kin--"

"Why would I do that?"

Natigilan ako at hindi nakapagsalita. Tinanggal niya ang yakap ko at lumayo.

"Go home. Ayokong makita ka ni Hailey dito." Akmang pipihitin niya ang doorknob ng yakapin ko siya sa likod.

"Sumama ka na lang kasi sa'kin, Logan. Boring kasama si Hailey, boring din siya sa kama kaya bakit nagtitiis ka pa sa kan--"

"Back off, Elizabeth!" Nagulat ako nang sumigaw siya. Tinanggal niya ang kamay ko. "I don't wanna see you here. You're ruining our date."

Nakatulala lang ako hanggang sa makalabas siya ng pinto. Sunod-sunod na nagtuluan ang luha ko at bago pa may makapansin sa akin, tumakbo na ako palabas. Kinuha ko ang pouch ko sa table. Tinanong pa ako ng waiter ns nilalapag ang in-order ko sa mesa pero hindi na lang ako sumagot at nagtatakbo palabas ng restaurant.

Ang restaurant na paborito namin. Ang restaurant na paborito din nila. Ang restaurant kung saan nagpropose si Logan kay Hailey.

Damn it!

Umiiyak na tumawid ako ng kalsada not knowing na may paparating palang sasakyan. Before it hit me, lumingon ako sa kinaroroonan nila. Nakita ko ang matamis na ngiti ni Logan bago ko ipinikit ang mata ko at hinintay ang pagbangga ng sasakyan sa katawan ko.

The Side Chick Woman✓Where stories live. Discover now