Lumabas siya na bagong ligo. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa kumuha siya ng damit niya sa closet ko.

"Logan?" Napakagat labi ako nang hindi siya sumagot. "Galit ka ba?" He didn't looked at me. Lumabas siya ng kwarto pagkabihis kaya sinundan ko siya.

"Logan--"

"Fuck!" Nagulat ako ng marahas siyang lumingon sa'kin. Kitang kita ko kung paano mag-apoy ang mata niya sa galit. Lalapitan ko sana siya nang magsalita siya.

"Don't."

Takhang tumitig ako sa kaniya. "B-bakit?"

Mag-isang linya ang labi niya at hindi na sumagot. Tumalikod siya at nagtuloy-tuloy sa paglabas ng condo ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sakit.

May nagawa ba ako?

__

Ilang araw na ba ang lumipas simula noong huli kaming magkita ni Logan? Isang lingo na yata ang nakalipas. Simula noong umalis siya ay hindi na siya bumalik. Naghintay ako kinabukasan at sa sumunod pa hanggang sa dumaan ang ilang araw hindi na siya nagpakita pa. I tried calling him pero nakapatay ang phone niya.

What did I do wrong?

"Boss?"

Nagulat ako sa pagsulpot ni Yvan sa harapan ko. Napahawak ako sa dibdib ko at sinamaan siya ng tingin.

"Hindi ba sinabi ko na sa'yong huwag mo akong gugulatin?!" Inirapan ko siya at nagtype sa laptop ng mga datos at ilang report.

"Kanina pa kita tinatawag mukhang malalim ang iniisip mo, boss."

Huminga ako ng malalim. "Can I.. can I take a leave? M-masama kasi ang pakiramdam ko."

Wait, bakit ba sa kaniya ako nagpapaalam kung ako naman ang boss dito?

"May sakit ka? Malala na ba?" Napairap ako sa kunwaring concern look niya. Sa tagal ko na dito, napagpalagayan ko na ng loob si Yvan. He is more like a friend to me. Iyon nga lang nakakabwisit 'pag nagsasalita siya. Walang araw na hindi niya ako bwinisit.

"I'll be on leave for three days but don't worry, hindi kita pahihirapan sa trabahong maiiwan ko." sabi ko nang makita kong napapaisip siya. "You can contact me or email me kung may tanong ka but don't send me some paperworks."

"Why not?" tanong niya na kunot ang noo.

Inirapan ko siya. "On leave nga ako 'di ba?" Bwisit talaga 'tong lalaking ito. Obvious naman na, itatanong pa!

"Ang sungit mo ngayon meron ka ba, boss?" tanong pa nito. Bago ko pa siya mahagisan ng kung anong nadampot ko, tumakbo na siya palabas ng opisina ko. Napailing na lang ako at napahilot sa sentido.

Pinarada ko ang kotse ko sa hindi kalayuan at tinignan ang malaking bahay. May dalawang guards ang nagbabantay sa gate. Sumandal ako sa upuan at sinuot ang shades ko. I wore my red lipstick. Lumabas na ako ng kotse at nagtungo palapit sa guard.

"Hi. Excuse me?" I keep my eyes roaming around the second floor. Lumapit naman ang dalawang guard sa gawi ko.

"Naliligaw kasi ako. May hinahanap akong bahay. Bahay ni uhh.. bahay ng kaibigan ko." I said putting an accent in every words.

"Ano po bang address, Ma'am?" nangingiting tanong ng isang guard. Sinagot ko ng address ni Logan. Nagulat ang dalawa at nagkatinginan.

"Ano po bang pangalan ng kaibigan mo, Miss beautiful?"

The Side Chick Woman✓Where stories live. Discover now