38; Meets the Stepmother

Start from the beginning
                                    

Ilang minuto pa ay umalis na din ako sa condo. Magpapa-laundry kasi ako sa dyan lang sa malapit. Tambak na kasi ang mga damit ko at sobrang hectic ng sched ko to the point na wala na akong mapili na susuotin.

Nagpatulong ako sa guard ng laundry shop na ibaba ang laman ng compartment ko. Sinabi ko na babalikan ko na lang pati ang kotse ko dahil maglalakad lakad lang ako saglit. Buti na lang at may dala akong cap at nakahoodie na din ako para walang makakilala sa'kin.

Dinala ako ng paa ko sa park. Wala si Manong na nagtitinda ng Ice Cream. Oo nga pala, tumawag siya at pumayag na sa inaalok ko kaya malamang ay papunta na 'yon sa bahay ko. Binilinan ko naman si Manang Silvia na siya na ang bahala sa mag-ama. Dadalaw na lang ako sa bahay before this weekend.

"Marie?"

Napatingala ako sa tumawag at takang tinignan si Luigi. Confused of how did he knew me? Hello, naka-disguise kaya ako. Sa porma ng lalaki mukhang galing ito sa pagtakbo dahil tumutulo pa ang pawis niya sa kaniyang noo. Nakajogger pants at black sando lang siya.

"How did you recognize that it's me?" Umupo siya sa tabi ko at nagpunas ng pawis.

"Nakita na kita kanina sa laundry shop."

Napatango ako. Kaya pala..

"How are you?" tanong niya.

"Eto naman, parang hindi tayo nagkita noong isang araw lang." Inirapan ko siya na ikinatawa lang niya.

Napailing siya. "You're funny."

"Hindi ako clown." Sumimangot ako. Ang ganda ko namang clown kung ganun?

Tumawa siya. Nag-usap lang kami saglit at pagkatapos bumalik na ako sa laundry shop. Doon na lang ako tumambay sa tapat at nakipagchikahan sa guard. Hindi pa rin ako iniiwan ni Luigi kesyo wala naman daw siyang gagawin ngayong araw. Kaya ang resulta, nakichika na rin siya sa guard. Chismoso din pala itong lalaking ito.

"See you tomorrow?" He asked as he bid a goodbye to me.

"See you." I smile at him. May usapan kami na manonood ng sine bukas. Pumayag na rin ako dahil mas mainam na 'yon kesa mabulok ako sa condo ko.

Dumating ang alas-sinko ng hapon, doon ko lang naalala na may lakad nga pala akong dapat puntahan. Naligo muna ako at nagsuot ng jeans and crop top. Kinuha ko ang cap ko bago lumabas ng condo. Sinalubong ako nang mga bodyguards na kararating lang. Pinagdayoff ko kasi sila kahit sabi ng isa sa kanila hindi naman kailangan 'yon.

"Saan po ang punta niyo, Señorita?" tanong ni Diosdado. Sinabi ko naman ang address na sinabi ng secreteray ni Herman. 7:17 na nang makarating ako doon. Sinabi ko na lang sa mga bodyguards ko na may katatagpuin lang akong kaibigan sa loob at pumayag naman silang sa labas na lang nila ako hihintayin.

Pumasok na ako at sinabi ang pangalan ko. Iginiya ako ng waiter sa isang table na puno ng mga chinese food. Napangiwi ako. Parang may fiesta yata?

"Good evening, young lady." Napaangat ang ulo ko nang pormal na binati ako ni Herman. Hindi ko siya sinagot at umupo na lang basta sa tapat niya.

"Let's eat first." Ngumiti ito ngunit isang tipid na ngiti lang.

Umiling ako. "I already ate my dinner." Seryosong sagot ko kahit hindi naman totoo. Ayoko lang siya talagang makasama.

I crossed my arms. "At hindi din ako magtatagal dahil may pupuntahan pa ako. So, tell me your answer."

"What's in the rush, young lady? Makakapaghintay naman ang dapat na'ting pag-usapan mamaya. Sa ngayon ay kumain muna tayo--"

"Gusto mo pa bang ulitin ko pa 'yung sinabi ko? Kumain na nga ako kanina."

"Stubborn lady. Manang mana ka sa Mommy mo--"

"Don't drag my Mom in this conversation. Diretsuhin mo na lang ako." Inip na sabi ko.

Huminga siya ng malalim at tinitigan muna ako ng ilang segundo.

"Why do you want my company?"

Napairap ako sa hangin. "No following question. Yes or no lang ang isasagot mo. Ibibigay mo ba o hindi?"

"I.." He heave a deep sigh and close his eyes. "Just make sure na hindi mo pababayaan ang kumpanyang itinayo ko many years ago."

Tumaas ang kilay ko, then I smiled. So it means..

"I'm giving you my company and I am counting on you about this matter, Elizabeth. Maybe it's time for you to manage your will."

May ilan pa siyang hinabilin na lumabas lang sa kabilang tenga ko. Nagpaalam na akong aalis na kaya palabas na ako ng restaurant ngayon. Hindi maalis-alis ang ngisi sa labi ko.

"So.. you are Maria Elizabeth's daughter, huh?"

Napahinto ako sa paglalakad patungo sa kotse ko. Nilingon ko ang nagsalita. Tumaas ang kilay ko nang makilala ang matapobreng Ginang na nakatayo sa likod ko.

"Can I have a words to you, hija?"

I didn't answer her.

"Kamukhang kamukha mo ang mahina at walangkwentang si Maria." Tumawa siya nang mapanggutya. Umakyat bigla lahat ng dugo ko sa ulo dahil sa sinabi niya. Pinigilan ko ang sarili na huwag siyang saktan.

How dare she?!

"Just a lil' warning, little Maria, huwag mong subukan na kalabanin ako dahil baka matulad ka lang sa ina mong nakabaon na sa hukay ngayon."

Kumuyom ang kamao ko while giving her a dagger look. Tumindig ng tayo ang babae sa harap ko at umismid sa akin. Lumapit siya sa'kin at nandidiring hinawakan ang buhok ko. Tinabig ko ang kamay niya.

"You're threatening me but I'm sorry, I'm not threaten, stepmother." sarcastic na sagot ko at ngumisi nang makabawi. Nanginginig ang kamay ko sa galit. Gusto kong ingudngod ang pulang labi niya sa kinatatayuan ko ngayon hanggang sa magdugo ito.

"Matapang ka, ha.." Tila na-amuse pa siya sa sinabi ko. "Well, tignan na'tin kung hanggang saan ang tapang mo."

Umismid siya bago niya ako talikuran.

The Side Chick Woman✓Where stories live. Discover now