34; The Evil Sister

Start from the beginning
                                    

"It turns out that Mauricio Sebastian are Samuel's family lawyer."

Kumunot ang noo ko at inisip kung tama ba ang narinig ko.

Pagkatapos ng pag-uusap namin hindi mawala sa isip ko kung bakit at anong dahilan ng pagkikita nila ni Daddy. Hindi aalis ng mag-isa si Daddy noong time na 'yun kung walang nangyari sa kung ano mang pinag-usapan nila.

There's only one way to find out..

Kinabig ko ang manubela ng sasakyan ko. Tumingin muna ako sa side mirror at nakitang may nakaconvoy pa rin na itim na sasakyan sa'kin. Napairap ako. Tinapakan ko ang gas at mas binilisan pa ang pagpapatakbo.

Maingat akong nag U-turn at kinabig pakaliwa ang steering wheel. Nag U-turn din sila at muntik pang makabunggo ng isang kotse kung hindi lang sila huminto. Binilisan ko ang pagpapatakbo hanggang sa hindi ko na makita pa ang sasakyan na lulan ng mga tauhan ni Daddy.

Natakasan ko din..

Sinearch ko ang isang address na hindi ko inaasahan na pupuntahan ko ngayon. Ilang minuto lang ay nakarating din ako.

"Magandang tanghali, Ma'am, ano pong sadya nila?" tanong ng lalaki sa information desk.

"Can you make a call to your CEO? Tell him it's me, Elizabeth Lim."

Nagtataka man ay sinunod pa rin nito ang utos ko. Nang matapos ang tawag sinabi nitong maghintay daw ako sa lobby. Tumango na lang ako at nagtungo sa lobby.

Tumayo ako nang makita ko siyang palapit sa gawi ko. Nakangiti ito sa'kin pero blangko lang ang ekspresyon ng mukha ko.

"We need to talk." seryosong sabi ko.

"It's a pleasure, young lady." Iginiya niya ako sa Office niya.

Naupo siya sa couch, ganun din ang ginawa ko. Tahimik lang siyang nakamasid sa'kin.

"I'm not here to talk to you just like a father and daughter do. I'm here to ask you some questions," Panimula ko at tumitig sa mata niya.

"You heard about my father's accident a week ago, right?" Tumango siya sa sinabi ko. "And I heard before the accident happen, nakipagkita siya sa matagal na niyang kaibigan sa isang restaurant near in Malabon. I just wanna ask, ikaw ba.."

"Ikaw ba ang taong kinita ng ama ko?" I hold my breath, waiting for his answers.

"Oo, ako nga."

Kumuyom ang kamao ko. "Is it all about me?" tanong ko. "Ako ba ang dahilan kung bakit nakipagkita sa'yo si Daddy?" Hindi ko pinansin ang sari-saring emosyon na ipinakita niya.

"Answer me." Sabi ko. Nagtitimpi na hindi sumabog sa harapan niya.

"Yes." Worried and sadness is all written in his face. Hindi ko na kailangan pang magtanong kung bakit dahil nasabi na sa'kin noon ni Daddy sa sementeryo ang dahilan.

"Ikaw ang dahilan kung bakit naaksidente ang Daddy ko."

"Elizabeth--"

"Alam ko ang dahilan mo! At hinding hindi ako papayag sa gusto mo." mariing sabi ko. Nakipagtitigan ako sa kaniya. Naputol lamang iyon nang bumukas ang pinto at pumasok ang hindi ko inaasahang makikita dito.

"Daddy?"

Nagulat ang babae nang makita ako. Sumugod ito bigla kaya napatayo ako. Hindi pa man nakakalapit ang babae sa gawi ko nahawakan na siya sa braso ng magaling niyang ama.

"What is that bitch doing here?" Nanlisik ang mata niya.

"Princess.."

Binalaan ko ang lalaki sa kung ano mang sasabihin nito gamit ang mga mata ko. Ngunit parang hindi ako nito naintindihan.

"Princess, I want you to meet your sister." kalmadong wika ng lalaki.

"Dad? What are you--"

"Did you remember what I told you last month?"

"That.. I have a sister?"

Muntik na akong mapairap habang pinagmamasdan silang mag-ama na nag-uusap tila wala ako sa harapan nila.

"Yes, sweety."

Dahan-dahang lumingon ang babae sa gawi ko.  There's no use of hiding it. Tumayo ako ng maayos,

"Hello, my dear sister." Napangisi ako habang nakatingin sa kaniyang gulat na gulat na mukha.

"You are fucking kidding me, Dad! Did you know who she is?!"

"Sweety,"

"She's a slut! A whore!" Isang malakas na sampal ang natamo niya sa kaharap. Kahit ako ay nagulat pero napangisi din kapagkuwan. Yan tuloy nasampal siya.

"She's your sister, Hailey! Don't call her names!" sigaw ng biological father ko.

"Dad.."

"Enough, Hailey. Respect your sister, mas nakatatanda siya sa'yo."

I'm loving the scene..

Lumingon sa gawi ko si Hailey at sinamaan ako ng tingin.

I faked a smile. "Be nice to me, Hailey. C'mon, hug me, I'm your ate." I dramatically said and spread my arms.

"Fuck no!"

I almost laugh at her reaction but I stop myself, instead, I just smirked.

Yeah, fuck no.

The Side Chick Woman✓Where stories live. Discover now