34; The Evil Sister

Start from the beginning
                                    

"Pinsan? Sinong pinsan ni Logan?" curious kong tanong. Ako na ang walang alam.

"Si Dwayne McFord. Alam mo kung hindi ko lang alam ang totoo, iisipin kong si Dwayne nga iyong lalaki sa video kasi kamukhang kamukha ni boss 'yung pinsan niya."

"Talaga?" Kunot noong napatitig ako sa baso. Kung ganun, malinis na ulit ang pangalan ni Logan? Paano naman ako? Ramdam ko pa rin na nasa akin pa rin ang mata ng mga media. Kaya gustuhin ko mang puntahan si Logan, hindi pwede.

I sigh. Letseng buhay naman, oh..

Balik na ulit sa normal ang trabaho ko. Walang media na pilit hinihingi ang interview ko. All in all masasabi kong magaling ang palusot na ginawa ni Logan.

Pagkatapos ng shoot pumunta ako sa condo ni Luigi. Hindi ko pa rin kasi nakakausap ang lalaki tungkol doon sa nalaman niya. Ni hindi ko na din siya makontak.

I pressed the doorbell. I tap my foot on the floor while waiting for him to come out. Bumukas ang pinto at bumungad siyang walang damit pang-itaas.

"Luigi," Nag-iwas ako ng tingin nang tumagal ang titig niya sa'kin.

"Can we talk?" Saglit ko siyang nilingon at napaiwas ulit ng tingin. It's uncomfortable na nakatayo't nakaharap siya sa'kin only wearing his boxer shorts.

"Uhm, can you.. can you change muna so we can properly talk?" Napakagat ako ng labi.

"Shit! Sorry." Sumara ang pinto pero ilang segundo lang nagbukas ulit 'yon.

"Come in."

Ngumiti ako at tinignan ang dalawang bodyguard na kasama ko.

"Dito na lang kayo maghintay. Saglit lang ako." Tumango naman ang dalawang lalaki kahit naguguluhan.

"And oh, he's my friend." Inirapan ko sila bago pumasok sa condo ni Luigi. Tinaasan ko ng kilay si Luigi nang tignan niya ako ng nakakunot ang noo.

"What?" I spat him.

"Sino mga 'yun?" tanong niya. I know what he is talking about.

"Bodyguards ng Daddy ko." sagot ko at umupo sa sofa niya.

"So.." Napakamot siya ng ulo.

Umayos ako ng upo. "Let's talk about the issue." seryosong sabi ko habang nakatingin sa kaniya.

__

"Good afternoon." Tumango lang ako sa lalaking umupo sa harapan ko. Ibinaba ko ang suot kong shades bago siya balingan. He's Ramon Esteban, my private investigator. 

"News?" tanong ko dito. May ibinigay siyang brown envelope sa'kin kaya binuksan ko 'yon.

"Mauricio Sebastian. He's a well-known lawyer and a friend. An old friend."

A lawyer?

"Hindi ko maintindihan, Ram. Why would he see a lawyer? Kung sasabihin mong dahil lang sa old friend sila at matagal silang hindi nagkita, hindi ako maniniwala."

Sabi ni Tita Corazon hindi sila masyadong close ng Mauricio na 'yun. Nalaman ko 'yon noong nagtanong ako kung bakit nakipagkita si Daddy sa lalaking 'yon before the accident happen. Iyon lang ang sinabi niya sa'kin at pakiramdam ko may tinatago siya. May hindi siya sinasabi sa'kin kaya ako na ang kumilos upang alamin ang tinatago nila ni Daddy.

"Well.. may iba pa akong nalaman tungkol sa Mauricio Sebastian na 'yan."

Tumaas ang kilay ko, naghihintay sa susunod na sasabihin niya.

The Side Chick Woman✓Where stories live. Discover now