Sinubukan ko na rin tawagan ang number niya pero nakapatay ito. Hanggang sa lumipas na naman ang isang araw na wala akong kontak sa kaniya.

"Ang lalim ng iniisip na'tin, ah?" Bumungad sa paningin ko ang nakangising mukha ni Celestino. Magkambal nga sila ni Celeste dahil walang araw na hindi nila ako iniinis.

"Ano na naman, Celestino?" naiinis na tanong ko at sinamaan siya ng tingin. Tinaas nito ang magkabilang kamay sa ere at pagkatapos ay ngumisi.

"Chill, ang init ng ulo mo. Wanna have fun tonight? Let's go to my place."

"Hindi ako pick up girl, gago." Blangkong wika ko at akmang lalabas na sa tent nang hawakan niya ang braso ko.

"Acting so hard to get ka pa rin, Eliza. Gwapo naman ako kahit walang pera." Natawa siya sa huling sinabi niya. "Bakit hindi mo ako magustuhan? I can give you the world and everything you want."

I made face. "Don't you remember what I told you before? It's just for fun. I don't even like you kaya tigilan mo ako." I rolled my eyes at him pero tumawa lang ang gago.

"You have no boyfriend nor flings, right? Why don't you use me? Just like before." Makahulugan niyang wika.

"Celestino." I warn him. Natawa ang lalaki at binitawan ako. Lumayo ako ng kaunti sa kaniya.

"I guess, hindi na talaga kita mapipilit pa. But, can we make out like what we used to do--"

Bago pa ako makapagmura, may pumasok na sa tent ko. Nagulat pa ako nang makita si Logan na masama ang tingin sa'kin. Mas lalong dumilim ang mukha niya pagkakita kay Celestino.

"Hey, boss!" Ngumisi ng malawak si Celestino bago tumingin sa'kin. "I guess it's a yes, then?"

I crease my forehead. Wala naman akong sinasabi--

"Kita na lang tayo sa place ko mamaya, Eliza. You know, it's been two years.." Tumayo si Celestino habang hindi inaalis ang tingin kay Logan. Nahigit ko ang hininga ko at biglang kinabahan. Kitang kita ko kung paano bumilog ang kamao ni Logan.

Huminto si Celestino sa tapat ni Logan at nginisihan ang lalaki. Bago pa makalabas ng tent si Celestino, dumapo na agad ang kamao ni Logan sa mukha niya. Nanatili ako.

"Asshole!" Kiniwelyuhan ni Logan so Celestino at pinagsusuntok.

"Logan! Oh my God!" Napasigaw ako at nataranta. Hindi ko alam kung paano sila aawatin gayong nagsusuntukan na silang dalawa.

"What's happening-- Oh God!" May ilan na pumasok sa tent ko at nagulantang sa nasaksihan.

"Stop them! Stop them!" sigaw ko. Ilang saglit pa may pumasok na dalawang men in black at pilit na pinaglayo ang dalawang lalaki.

Kagat labi kong pinigil ang mga paang gustong lapitan si Logan dahil sa nakita kong putok nitong labi. Akmang susugod pa si Celestino nang awatin na siya ng kakambal niya.

"What happen?" tanong ng isang staff ni Logan. Napaiwas ako ng tingin nang dumapo ang mata nilang lahat sa'kin.

"I don't know. Bigla na lang akong dinambahan ng suntok ng boss na'tin. Nagwapuhan yata sa'kin." mayabang na sagot ni Celestino. Napailing na lang ako. Si Logan, ayun nagwalk-out.

Natapos ang photoshoot at bukambibig pa rin ng iba ang nangyari sa loob ng tent ko. Maraming nagtatanong kung anong dahilan ng pag-aaway nila Logan at Celestino pero wala akong sinagot ni isa. Hindi ko na rin nakita pang muli si Logan after he walked out. Ano kayang sadya niya kanina sa tent ko?

Papasok na ako ng bahay nang may mapansin ako sa garden. There he is, puffing a cigarette. Naglakad ako papunta sa kinauupuan niya. Bahagya niya lang akong tinignan at tinapon na lang basta ang hawak na sigarilyo.

"Your lips are wounded." Nag-alala ako bigla at hinawakan ang pisngi niya. "Let's get inside. Gagamutin ko ang sugat mo."

Umiwas siya. "I can treat my wound myself. Go, pumasok ka na, it's late already."

Tumango ako. "Kumain ka na ba?" tanong ko dito. Tumiim ang bagang niya.

"I'm not hungry. Get inside, Elizabeth, I know you're tired." Tila may pang-uuyam ang huling sinabi niya at alam ko kung saan siya nanggagaling.

"If you're thinking if I went to Celestino's place, I didn't. Pumunta ako sa condo mo pero wala ka. Nanggaling din ako sa condo ko kaya ngayon lang ako nakauwi."

"You don't need to explain your whereabouts. I don't care at all, anyway." His cold voice gives shivers out of me.

May gumuhit na sakit sa dibdib ko. Huminga ako ng malalim para pigilan na hindi mapaiyak. Why is he always hurting me?

"Pumasok ka na din sa loob, i-it's cold here." Sabi ko at humakbang na. Hindi pa ako nakakalayo nang magsalita siya.

"I'm going home.. to my wife."

Ilang beses ko na bang narinig sa kaniya ang mga katagang 'yan? Pero damn, ang sakit pa rin. Hindi ko na napigilan pa ang luha ko. Mabuti na lang at nakatalikod ako sa kaniya.

Huminga ako ng malalim. "O-okay. Ingat k-ka."

Nagkulong na ako sa kwarto pagkatapos kong sabihin 'yon. Ilang saglit pa narinig ko ang makina ng kotse niya. Sumilip ako sa bintana at pinagmamasdan ang kotseng papalayo na ngayon. Ilang minuto akong nag-stay sa bintana habang tahimik na umiiyak. Ganito na lang ba ako palagi sa tuwing magiging cold siya nang hindi ko alam ang dahilan?

I cried my heart out. Tinakpan ko ng mga palad ko ang bibig ko nang mas lalong lumakas ang hagulgol ko.

Hanggang kailan mo ako sasaktan ng ganito, Logan?

Hanggang kailan?

The Side Chick Woman✓Where stories live. Discover now