Tumingin ako sa direksyon ng mga Varsity player kasama si Craig. —nakahinga na lang ako ng maluwag ng lumiko sila at pumwesto sa gilid na bahagi ng canteen..

Pew! Muntik na ako don ah! Takte.. hindi pa ako handa para magkita kami ulit.. Malaki ang kasalanan ko kay Craig kaya wala akong lakas ng loob na harapin siya ngayon. Pero alam kaya niyang dito din ako nag-aaral?

Parang binagsakan ng mundo ang hitsura ng mga kasama ko dahil hindi naman sila pinansin ng mga kinahuhumalingan nilang mga impaktong player. Kaya nagmadali na din silang kainin ang pagkain nila at doon na lang nila binuhos ang pagkayamot nila sa nangyari..

Tapos na kami at nagkayayaan ng umalis kaya isa-isa na kaming tumayo sa mga upuan namin. Sumilip muna ako sa mga impaktong player at kay Craig bago tumayo at ng makita ko silang busy sa pagk-kwentuhan at tawanan ay mabilis akong tumayo at maglakad palabas.

Pero malas lang siguro talaga ako kapag nasa isang lugar lang kami ng mga impaktong iyon dahil hindi talaga nila mapigilan na hindi ako asarin..

"Uno!" tang-ina! Kung sino man ang nag-umpisa nun..

"Dos!" Buwesit kayo!

"Tres!! Haha!" Sarap niyang gamitan ng numerong 3 na pako!

"Hi First!" bati nung impaktong di ko na inalam ang pangalan.

Bwesit! Nagkandaloko na talaga. Makikita pa ata ako ni Craig..

"First?!" rinig kong patanong na tawag ni Craig.. kahit maingay ang buong canteen ay alam na alam ko ang tono ng boses niya.

Lagot na!

"Tawag ka First." nangingiting sambit ni Ash na inirapan ko lang at mabilis akong naglakad paalis ng canteen. Palayo sa mga impaktong lalakeng iyon..

Ayoko siyang tignan. Ayokong magkalapit na naman kami. Iniwan ko na siya at ayoko nang balikan dahil mas makakabuti iyon sa amin..
—sa kanila..

"Kilala mo ba yun First?" tanong ni Butter sa akin.

Tulala lang akong nakatingin sa field.. Andito kami sa ilalim ng punong kahoy na malilim kaya ginawa naming tambayan kapag wala pa kaming klase..

Napatingin ako sa kanya. Gusto ko mang sagutin ang sagot niya pero hindi ko alam kung anong isasagot ko. Wala pa silang alam kung anong naging buhay ko noon bago ako napunta sa St. Lucas..

Si Craig? Siya ang unang naging kaibigan ko bago ko pa makilala si Miracle na naging bestfriend ko.. Masaya naman kami noon. Matalik ang naging pagkakaibigan naming tatlo pero nagbago lang ng makilala ni Miracle ang tunay niyang ina na sa kamalas-malasan pa ay ang impakta kong madrasta.

Nagbago ang pakikitungo sa akin ni Miracle noon simula ng makasama niya ang ina niya. Naging kaugali niya na din ito na gustong kuhanin sa akin ang lahat. Ayaw nilang nakikita akong masaya at humantong pa sa sandaling muntik na akong mapahamak ng dahil sa kanya— sa kanila ng ina niya.. Kaya kahit anong gawin ni Daddy hindi ko magagawang respitohin ang babaeng iyon.. Hinding-hindi ko sila mapapatawad, lalong-lalo na si Miracle..

Takot na takot ako nung nangyari ang bagay na iyon na kahit hanggang ngayon ay binabangungot pa rin ako. Umalis ako at lumayo sa kanila dahil inaamin kong natakot ako. Mag-isa lang ako at hindi ko pa alam ang gagawin. Pinili ko ding lisanin ang bahay na siyang natirang ala-ala ni Mama at nakituloy sa mga kamag-anak ko, pero dahil ayaw ni Daddy na mapirwesyo pa sila sa akin dahil sabi nga niya ay matigas ang ulo ko. Kinuhaan niya ako ng unit kaya mag-isa na lang din ulit ako.

Gusto kong tanungin si Daddy kung bakit ginusto niyang mag-isa akong mamuhay pero sa sama ng loob ko sa kanya ay hindi ko na natanong pa. Obvious naman na ayaw niya talaga sa akin kaya pinapahirapan niya din ako ng ganito.. Gusto ko na nga ding isipin na hindi niya ako tunay na anak kung hindi lang talaga kami magkamukhang dalawa.

Me and the ViP (BOOKMARK) -Completed-Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora