"Kinikilig ka nanaman tigilan mo yan ha... Naiinlab ka nanaman sakin." Pangangasar ni Vice at kinindatan si Karylle na nag-blush.

"Gosh, no. Vice, sige na bumaba ka na, nagluto na ako, nakakahiya naman kasi kung hindi pa ako magluluto. Ikaw kasi pinatulog mo pa ako dito." Sabi ni Karylle habang inaayos ang hinigan nila ni Vice. Yup, magkatabi sila.

"Haha, ano ba K, kung hindi kita pina-sleepover dito, hindi mo makaka-bonding yung anak mo noh." Wika ni Vice na naisuot na ang damit na fit na fit sa kanya kaya mas namachuhan si Karylle.

"Oo nga, pero si Ana lang naman.." K sighed. "Gusto ko ring mapalapit kay Luke. But I don't even know how. Gusto kong bumawi sa kanya. Gusto kong maramdaman uli niya na nandito na ko para sa kanya." Malungkot na wika ni Karylle at patuloy parin sa pag-aayos ng kama.

"Okay lang 'yan K. Maayos din 'yan. Konti nalang.. Pero tara na, wag munang masyadong isipin 'yan. Be happy nalang at nagkasama uli tayo." Sabi ni Vice matapos umakbay kay Karylle. Medyo nailang ito at umatras ng konti.

"A-ah.. M-mukhang masikip sayo yung damit mo. Gusto mo kukuha nalang ulit ako ng bag--"

"Nakonakonako! Kunwari pa 'to si Karel. Feel na feel naman ang pagtingin sa abs ko. Huy ikaw ha, gusto mo nanaman ako... Karel! Move on." Sabi ni Vice na kumindat uli kaya napa buntong hininga nalang si Karylle dahil pansin niyang naka-move on na nga si bakla at hindi na naiilang sa twing kasama siya.

"Vice. Bumaba nalang nga tayo." Sambit ni Karylle kaya sumunod nalang si Vice.

'Under mo parin talaga ako, Kurba.' Usal ni Vice sa sarili habang umiiling na may kasamang ngisi.

-----sementele....

*knock knock*

"K-kuya?" Sabi ni Ariana habang kumakatok sa kwarto ng kanyang kakambal. "D-do you wanna build a snowman?" Pabirong tanong nito dahil baka sakaling pagbuksan siyanng kapatid.

"Go away, Ana!" Sigaw mula sa loob kaya medyo napa-hagikgik ang dalaga dahil familiar sa kanya ang line na iyon.

"But Elsa! You don't have to keep your distance anymore.. 'Cause for the first time and fore---"

"What the f Ana! Shut up please?! I'm still sleepy!" Sigaw nito galing sa loob. Alam ni Ariana na mamaya pa magigising o babangon ang kanyang kapatid pero sinusubukan niya lang gisingin ito para makapag-sorry sa away nila kahapon dahil hindi niya kayang nakikitang hindi sila okay ng kapatid.

"Kuya, don't you wanna play with Olaf again?....... Urgh, fine. Can you just open the door for me? Please naman, Luke. I know tinatamad ka lang pero dali na kasi!!" Pangungulit nito habang katok ng katok at sakto namang nakita niya si Vice at K na kalalabas lang ng kwarto habang nagtatanggal pa ng muta si Vice.

"Huy huy! Aga aga nambubulabog." Biro ni Vice at kirat parin ang mata dahil sa baba nalang raw siya amghihilamos.

"Ah... Dad, yung susi nga po peram please." Pakiusap nito sa ama habang nakapulupot ang braso sa isang braso ni Vice.

"Bubukabugin mo nanaman yang kapatid mo? Nako sinasabi ko sayo Ariana, guluhin mo na yan kung lasing wag lang pag bagong gising. Mamaya mo na kulitin yang si Luke kapag gising na. Nagtatampo pa man din yan. Hintayin mo nalang." Sabi nito habang nakatingin lang si Karylle sa kanilang dalawa.

"Eeh, sige na Dad. Ngayon lang naman, saka, gising na si Kuya. Tinatamad lang 'yan. Just give me the keys." Pangungulit nito at naglalambiting sa braso ni Vice.

My Beki DadWhere stories live. Discover now