"Dela Paz, Coleen?" tanong ni sir sa Gitna. Iilan na lang ang hindi pa tinatawag, sa kabilang section kasi mapupunta ang mga hindi matatawag ni Sir Lorenzo ngayon.
"Present po!" lumingon ako sa pinanggalingan ng boses. Maganda rin, mukha nga lang pandak yung si Coleen ba yun? Pero teka, SIYA YUNG RANK 2 SA FIRST EXAM! Ibig sabihin, kung tama ang hinala ko, NAKA ARRANGE YUNG LIST FROM BOTTOM TO TOP!
"Caluya, Matthew Axl?" pagtatanong ulit ni sir. Lalaki nga! Pero hindi naman ako? Sigurado ako na higit na sa 40 ang tinatawag!! At 50 lang ang meron sa science section!!!
"Present po!" Ewan ko ba kung bakit halos lahat ng tawagin ay tinitingnan ko. Wala pa man ding kasiguraduhan na dito ako sa section namin. Gwapo yung lalaki! Pang heart throb ng klase ang datingan! Kung bakit ba kasi ang gwapo ko na ipinanganak!
"Valdez, Bree Anna?" tanong muli ni sir sa harap. AASA PA BA AKO O AASA?
"Present sir!" sabi nung babaeng pandak rin na maganda rin. Malapit na ata matapos si sir Lorenzo, gusto ko na mag volunteer na mag walk out pero hihintayin ko na lang yung si sir mismo magpapa-alis sa aming mga taga kabilang section. Haaixt.
"'Di sa pagmamalaki ng paaralang pinasukan niyo, ngunit alam ko naman na alam niyong maganda ang naaabot ng mga nakapagtapos ng High School dito," Mahabang paliwanag ng magiging adviser nila. HUHUHU, iiyak na ako, babay na po sir Lorenzo.
"Yes sir!" Masayang bati naming lahat, ngunit halata sa aking ayaw ko ang ginagawang pa-suspense ni Sir, although alam ko naman nang isa na ako sa mga aalis. Aaminin ko namang hindi mahirap ang second exam. Alam ko rin sa sarili ko na pinaghandaan ko 'yun! Oo, kinakabahan ako, at dala ng kaba ay may mga hindi ako nasagutan! I did my best sa interview? Ganon na ba ginalingan nung ibang pumasa sa second exam?
"Hmm, ilan pa ba ang hindi pa natatawag? Kindly raise your hand please?" pagdadaldal ni sir sa harap.
Siyempre, nagtaas ako, kainis! Nilingon ko ang mga hindi pa natatawag. HALLA, pakiramdam ko nasa 15 pa ang nagbabakasakaling mapunta sa science section! At isa na ako doon!!!
"12, 13, 14, 15, 16, 17. So, 17 pa ang hindi sigurado kung sa science section nga kayo. Base sa name ng person, siguro naman, isang lalaki at babae na lang ang hindi pa natatawag," pagpapaalala ni Sir Lorenzo. MAY PAG-ASA PA KASI LALAKI NAMAN AKO!! PERO KRITIKAL!!!!
Nagbubulungan na ang mga pasok sa science section. Buti pa sila, sigurado na. Nakakaewan!
"Felipe, Rea Rosechelle?" babae ang pangalawa kapag arranged nga from lowest to highest ang listahan ni sir!
"Present po," matamlay na sabi nung babae. Maitim, medyo pandak, at halatadong introvert type siya. Kung sana maaga natawag ang pangalan ko, kahit hindi na sigurado kung bottom to top ang list, sana nakikita ko na mga posibleng makakalaban ko nukwa sa academics.
"So, lalaki na itong huli sa attendance. Sigurado ako dito, hahaha," pagpapa-suspense pa lalo ni Sir Lorenzo sa mga lalaki. Yung mga babae naman na iba, although alam kong matalino rin sila, ay nalulungkot dahil mapupunta na sila sa kabilang section. Wait, if tama ang natatandaan ko, this prestigious school is even more renowned since it specializes in agriculture. And, if tama ulit ang narinig ko nung nagbibigay ng background of the school yung principal ba 'yun, the other section will have agricultural-related classes.
"Kakayanin ko kayang mag agri nukwa?" bulong ko sa sarili ko habang dino-down rin. Pero umaasa pa rin naman ako ng sliiiight lang. Haaixt.
"Okay, quiet class." pagpapatahimik pa ni sir sa klase dahil naguusap na naman ang mga pasok sa science section. KUNG SANA KASI EH KASAMA AKO NUNG IPINAPAALAM SA MGA STUDENTS IF NAKAPASA SILA OR NASA WAITING LIST PA! Ang sabi naman kasi ni mama sa akin eh may chance makapasok sa science section. Nakakagigil.
To be continued...
YOU ARE READING
The Imperfections of Ms. Perfect
Teen FictionSome say that high school life is the best. Meet Julio, ang pangit, lalamya-lamya, ngunit matiyagang estudyante na gagawin ang lahat para makapasa sa kaniyang studies. Madalas man siyang pumalpak sa buhay, hindi siya agad agad sumusuko at lalaban si...
