Kabanata Eight

82 10 0
                                    

Ito na nga ang official start ng pagiging interpreter ni Yana.

Ngayon naman ay nakaiskedyul ang lunch nina Kristoff at Stef. Papunta na si Yana nang may nakita siyang kumpulan sa may field. Lumapit sa kanya sina Martin.

"Yana, si Chatty, nalaglag habang nagprapractice ng cheerdance!"

"Ano? Siya ba yung pinagkukumpulan don?"

"Oo, tara dali!"

Lumapit nga doon sina Yana. Nakita niya nga si Chatty sa gitna.

"Chatty, okay ka lang ba?"

"Yana.. Oo, okay lang ako.."

"Ha? E 'di ba..."

Nabigla si Yana nang tumayo si Chatty.

"Okay, guys.. Let the water gun party begin!"

Pagkasigaw ni Chatty, inilabas nila ang mga water gun at sabay-sabay binaril si Yana. Iba't ibang kulay ito. Tanging ang sinasambit lang ni Yana ay...

"Tama na! Tama na!"

Pagkatapos ng ilang minuto.

"Ayan, Yana. Mas bagay pala sayo ang kulay rainbow!", pang-iinis ni Chatty.

"Okay guys, let's go! Great job!", dagdag pa nito.

Naiwan si Yana sa gitna ng field. Basang-basa ang katawan ng iba't ibang kulay.

Sa kabilang banda, hinahanap naman ni Kristoff si Yana. Sa kaniyang pagtakbo, nakita niya si Yana na kakatayo lang sa gitna ng field. Lumapit siya dito. Nakatungo lang si Yana.

"Yana! What happened to you? Are you going to ruin my first date with Stef? Look at yourself! You're so disgusting! And your gonna tell me that this is because of the bullies!"

Ikaw and IWhere stories live. Discover now