Kabanata Nineteen

57 6 0
                                    

"I'm glad nakilala mo na ako.", si Ethan.

"Bro, when did you came?"

"Just few minutes before you came."

"Akala ko hindi ka na pupunta!", si Yana.

"Ako pa? Nasurpresa ka ba?"

Tumango naman si Yana.

"Okay.. Kumain na muna tayo bago pa lumapit ang mga langgam.", si Stef.

Dinala na nga ng mga taga-serve ang mga pagkain. Tuloy pa rin naman ang kwentuhan habang nakain.

"Nice set-up!", si Ethan.

"Nagtulong kami ni Tupe.", si Yana.

"Tupe?", si Ethan.

"Ibig sabihin ni Yana, Si Kristoff. Binigyan niya kasi siya ng bagong nickname.", si Stef.

"Here, Stef, try this one.", si Kristoff.

Inabutan ni Kristoff ng pagkain si Stef. Maya-maya naman, nagkaroon ng amos sa pisngi si Yana dulot ng kinakain niya. Napansin naman ito ni Ethan.

"Ah, Yana.. 'Yung pisngi mo...", si Ethan.

Napatingin naman sina Stef at Kristoff kay Yana. Pupunasan na sana ni Ethan ang pisngi nito, nang maunahan siya ni Kristoff.

"Hey Yana! Look!", si Kristoff.

Pinakita ni Kristoff ang pinangpunas niya.

"Eat slowly. There's a lot of food. Don't worry!", si Kristoff.

Tinitigan naman ni Yana nang masama si Kristoff.

Pagkatapos nilang kumain, nagyaya namang magsayaw si Kristoff. Tumayo naman ang dalawa at nagsimulang kumanta at tumugtog ang mga musicians sa kantang "Little Things" ng grupong "One Direction".

**Your hand fits in mine like it's made just for me But bear this in mind it was meant to be And I'm joining up the dots with the freckles on your cheeks And it all makes sense to me**

Ikaw and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon