Lalo akong naiyak at mariing napapikit. "You're lying.."

"No, Jewel. Accept it. That's the truth. So please? Move on!"

Napahagulhol ako. Sa tingin ba niya ganon lang kadali yun? Na kapag sinabi nyang mag-move-on ako, makaka-move-on agad ako? "No, Blake. I love you. I know you love me too. Wag na ganito, please. Masakit na..d-di ko na kaya.."

He stared at me. "I don't care." Mariing sabi niya. "If you don't mind, magte-take pa ako ng breaktime ko."

Pagkasabi niyon ay tinalikuran na niya ako at iniwan akong mag-isa dito sa rooftop. I'm desperate. I'm idiot. Anong nagawa ko para mangyari saken 'to? Dahil ba sa mga trippings ko? Edi sana trippings lang din ang ginawa saken! Hindi yung ganito na..

Totoo. 

Hindi niya nga ako mahal. Ayaw nya saken. He hates me. Kitang-kita sa mukha niya 'yun. Nagmakaawa na ako pero nabalewala lang. Ang sakit sakit..

Bakit ganon? Akala ko, puso lang ang masakit pag brokenhearted ka. Bakit pati buong sistema at pagkatao ko, apektado? Ang hirap. Ang hirap tanggapin na hindi ako mahal ni Blake. Na pinaasa niya lang ako. Na..na..

T.T

Can't help to cry. Halos kapusin nako ng hininga sa pag-iyak. Napaupo ako habang nakahawak sa dibdib ko. Crying in pain. Bakit pa kasi nagmahal ako, e'di sana 'di ako nasaktan ng ganito. Bakit kasi umasa ako na totoo ang lahat? Sana nakuntento nalang ako sa pagde-day-dream ko--na kami na ni Blake, na ikakasal na kami, na magkakapamilya na kami..at lease, hindi 'yun nakakasakit. Kesa eto! Etong reality na 'to! 

Ayoko na. I did my part. Kung hindi naman pala ako talaga mahal, bakit ko pa nga isisiksik ang sarili ko? Nagmumukha lang akong tanga. Hindi ganito si Fancy Jewel Abellano. Hindi ako nagpapa-api. Ako ang nang-aapi. 

Pinahid ko ang luha ko at tumayo. "Tama! I realized something..." 

Hindi ko na iiyakan si Blake pagkatapos nito. Last na'to. Promise. 

--

Sydd POV

Naiinip na ako. Wala pa rin si wifey. Sabi nya susunod sya dito sa cafeteria. Eh ten minutes na nakakalipas. 

"Where's besty na kaya?" Maarteng tanong ni Daniella. She's kind, but she's clingy. And I hate it. Masyado syang obvious na may gusto sya saken. Fvck! Ayoko nga sa kanya. Tch. 

Tumayo ako. "Sunduin ko lang siya sa room. Dyan kalang." Paalala ko kay Daniella saka bumalik sa room. 

One hour naman ang breaktime namin. Baka may ginawa pa si wifey kaya 'di pa nasunod. Pag-akyat ko ng hagdan, saktong nakita ko si gagong Blake na bumaba sa hagdan na papunta sa rooftop. 

Crazy Little DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon