Fancy 36

307K 7.1K 2.1K
                                    

Blake POV

Nandito ako sa labas ng Abellano's Corporation, waiting for Kuya Lance. I want to talk to him--about Jewel. 

Galing pa ako sa hospital. They advised me to have the operation pero humindi muna ako. I want to spend my remaining days with Jewel. I know it's late. Naging duwag ako. Pero ngayon hindi ko na palalampasin ang pagkakataon na pwede ko siyang makasama. Alam ko kasing once na magpa-opera na ako, magiging bedridden na ako. Mawawalan na ako ng pagkakataon na makasama si Jewel. 

"Hey kiddo?"

Tumayo ako at sinalubong si Kuya Lance. "K-Kuya Lance.."

"What's up? Why are you here?"

"I want to talk to you." Sagot ko. 

Kumunot ang noo niya. "Talk to me? About what?"

"About Jewel."

Tumango-tango siya. "Let's go." He said. Sumunod ako sa kanya. 

Naglakad siya papunta sa coffee shop na katabi ng kompanya niya. Pumsok siya kaya sumunod lang din ako.  Umupo kami sa bakanteng mesa. Sinenyasan niya ang waiter. 

"What do you want?"

"Jewel."

He grins. "Coffee."

Tch. Napahiya ako don. "Cappuccino." I answered. Nakikipagtagisan lang ako ng tingin kay Kuya Lance. Aware siya sa sakit ko pero sigurado akong wala siyang ideya kung bakit namin pag-uusapan si Jewel. 

"The usual. Then one cappuccino." Sabi ni Kuya Lance sa waiter pagkatapos ay tumingin sa'ken. "Spill it."

Napalunok ako. Di ko alam kung tama 'to pero gusto ko talagang makasama si Jewel kahit ilang araw lang. "Kailangan ko ng tulong mo." Panimula ko. 

"Tulong?"

"Gusto kong makasama si Jewel. Kahit ilang araw lang. Bago ako magpa-opera at ma-bedridden sa hospital. I want to savour the moment that I am with Jewel bago ako mawala.."

"Bakit? Sigurado ka bang mamamatay ka na? Hindi mo ba lalabanan 'yang sakit mo? Tch. You're weak."

"Lalaban naman ako eh. Pero ayokong umasa. Kaya nga habang okay pa ako. Habang normal pa ako. Habang kaya ko pang itago ang sakit ko kay Jewel, gusto ko siyang mapasaya kahit ilang araw lang."

He paused for a while. "Anong maitutulong ko?"

"I will kidnap her."

"WHAT THE FUCK?" 

Crazy Little DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon