Chapter 59: Guarding her

Magsimula sa umpisa
                                    

Salamat Shopee-- este! Salamat sa pagiging part ng Class Zero dahil ma-e-experience ko ang bagay na ito.

"Laway mo tumutulo," biglang nagsalita si Seven sa tabi ko kung kaya't napatigil ako sa malalim na pag-iisip.

"Hoy hindi ah!" sabi ko sa kanya. "Siya nga pala, hindi ninyo ako kasama sa room, 'no?" Ako lang kasi ang nag-iisang babae.

"Kiryu will be your room mate. Dalawang rooms lang ang binook ni sir para sa atin. Hindi rin naman puwedeng ikaw lang mag-isa sa isang kuwarto dahil delikado pa rin ang sitwasyon." paliwanag sa akin ni Seven at napatango-tango naman ako. I mean, wala naman kaso sa akin iyon dahil kasama ko dati sa kuwarto ang kapatid ko noong nasa bahay pa ako.

"Jamie, huwag kang mag-alala... Hindi ka pochi, hindi kita pagnanasahan." nagbukas na naman siya ng another pack ng Pochi.

"Wala akong sinasabi!" reklamo ko sa kanya.

Pumasok na kami sa Azalea hotel at sobrang gustong-gusto ko ang interior design ng lugar. Sobrang engrande! Iba talaga kapag isang high-class hotel! Excited nga kami pumunta ni Ace sa garden sa likod ng hotel kasi super ganda ng view doon kaso si Seven napaka-KJ at sinabi na naman niya ang famous line niya na hindi tayo nandito para maglaro.

Pagkapasok namin ni Kiryu sa kuwarto ay inayos ko sa cabinet ang gamit ko habang si Kiryu ay hinagis lang ang bag niya sa gilid ng kama.

"Hindi mo aayusin 'yan?" tanong ko sa kanya.

"Hindi. Aayusin pa, magugulo din naman." Hindi ko talaga ma-gets ang logic nitong si Kiryu. Ang weird at ang cute ng mindset niya at the same time.

Kiryu opened the window at kitang-kita ang mabundok at mapunong view ng Baguio. "Jamie... we are class zero..." he looked at me.

"We are family?" hindi ko sure na sagot at ngumiti ng malaki si Kiryu. "Bakit mo naman biglang nasabi 'yang motto natin?"

"Ewan ko," umupo siya sa kama. "Parang araw-araw ay gusto kong sabihin ang katagang iyon magmula ngayon. Mas delikado na ang sitwasyon natin Jamie, mas malala na ang labanan sa pagitan ng lahat ng glitches ng society na ito. Hindi ko alam ang mga susunod na mangyayari pero gusto ko iparating sa inyo araw-araw na pamilya ang tingin ko sa inyo."

Na-touch ako sa sinabi ni Kiryu. Napatigil ako sa pag-aayos at lumundag ako para yakapin si Kiryu. "Ang cutie-cutie mo talaga Kiryu!"

"Stop calling me cute, I am cool. Jamie ang baho ng hininga mo!"

"Gago ka, ah!" reklamo ko sa kanya.

Napatigil kami sa paglalaro ni Kiryu noong may kumatok sa pinto at bumukas ito. Si Ace ito at hawak-hawak na naman ang vlogging camera niya. Improving nga 'tong si Ace dahil mayroon na siyang mic ngayon. Feel na feel na niya talaga ang pagiging vlogger.

"Hello mga bakulaw, say hi to my vlog!" itinapat niya ang camera sa amin.

"Bakit ka ba nandito!?" reklamo ko sa kanya.

"Meeting daw sabi nang pinaka-KJ sa lahat." he informed us.

The good thing about Ace, pangalawang leader siya ng Class Zero pero hindi siya nakikipagtalo kay Seven ngayong magkasama sila sa iisang misyon. Sinusunod niya ang sinasabi ni Seven which is a good thing kay Ace kahit punong-puno ng kayabangan ang lalaki na ito.

Pumunta kami sa room nila Seven. Nakahiga sa kama si Teddy bear habang si Seven ay inaayos ang kanyang gamit.

"Urgent meeting?" Tanong ko at umupo sa upuan ng room nila. Mas malaki ang room nila kumpara sa room namin ni Kiryu since tatlo silang mag-i-stay dito. Pero mas maganda ang view sa room namin kung kaya't doon pa lang ay panalo na kami.

Class ZeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon