Ibig sabihin ay hindi tumigil ang oras at panahon noong nawala ako. Bumalik lang ako sa mismong araw ng pagkawala ko na parang walang nangyari.

Hinawakan ni Daddy ang kamay ko. "Dalia, ano'ng nangyari? Noong dalhin ka raw dito sa ospital ay nakasuot ka ng makalumang damit," napansin niya ang singsing sa daliri ko. "At ano ito? Kailan ka pa nagkaroon ng singsing?"

Inialis ko ang kamay ko sa kaniya. Napakagat ako sa labi, dahil bumalik na naman ang alaala ko kay Vicente. "Kung sino ang nagbigay sa akin nito, sobrang mahalaga siya sa'kin, Daddy. You wouldn't know." Pilit akong ngumiti.

"Si Robert?" tanong niya.

"Robert? Sino si...oh," natahimik ako noong ma-realize ko na tinutukoy niya si Robert na boyfriend ko bago ako mapunta sa taong 1889. "No, Dad, hindi si Robert," napairap ako kasi ang layo ni Robert sa tinutukoy ko, ni wala siya sa kalingkingan ng taong mahal ko.

"E, sino, Anak? May bago ka na bang boyfriend?"

Asawa. Gusto ko sanang sabihin sa kaniya.

"Yes, Dad, at ang pangalan niya ay Vicente De la Vega," proud kong isinagot sa kaniya. "Kung makikilala mo lang siya, Daddy, sigurado ako na magugustuhan niyo siyang lahat."

Nagtaka si Daddy sa pangalang binanggit ko. "De la Vega...parang pamilyar. Hindi ba't iyon ang pangalan ng bayan na inuuwian natin noon? Natatandaan ko kasi ang malaking rebulto doon ni Filimon De la Vega na founder ng lugar na iyon."

Napakibit-balikat na lang ako. "Talaga, Dad? Hindi ko alam," pagsisinungaling ko.

"Kailan mo siya nakilala?" usisa ni Daddy.

Napabuntong-hininga ako. "Matagal na panahon na po, Dad." Tugon ko.

"At kailan ko naman makikilala ang Vicente na iyan?"

Napangiti ako nang malungkot at sandaling napatingin sa ibaba bago ko tinignan si Daddy. "Hindi mo na siya makikilala, Dad, nasa...nasa malayong lugar na siya. Sobrang layo," pinigilan ko ang luha sa mata ko. "At hindi na siya babalik."

Lumungkot ang mga mata ni Daddy. "H-Hindi na siya babalik. He's gone." Pag-uulit ko.

Hindi ko na napigilang ibaon ang mukha ko sa kamay ko at doon, humagulgol ako na parang wala nang bukas. Kahit hindi ako naiintindihan ni Daddy, niyakap niya lang ako nang mahigpit.

"Alam mo, Anak, ganyan din ang naramdaman ko noong mawala ang Mommy mo, pero iniisip ko na lang na balang araw ay magkikita kami sa langit. Sa ngayon, misyon ko ang alagaan at patnubayan kayo dahil kayo ang nandito. Iiyak mo lang ang lahat, Dalia," mahinahon niyang sinabi. "Iiyak mo lang."








NAKAYUKO LANG ako habang pinapaikot ang ulam sa plato gamit ang tinidor. Hindi ko magawang kumain dahil parang natutuyo lang ito sa aking lalamunan. Kapag lumulunok naman ako, pakiramdam ko ay maiiyak ako. Parang palaging nandito ang mga luha ko dulot ng trauma sa pag-alis ko sa panahon kung saan marami akong naiwan.

Napansin ko na parang walang naaalala si Lola sa nangyari. Pangiti-ngiti lang siya sa akin habang nanlalambing. Laking pasasalamat ko rin na hindi na siya inatake sa puso kagaya ng nangyari sa kaniya noon.

"Bakit hindi ka um-attend ng Senior's Ball mo, Ate?" tanong ni Delilah. "At saka, hindi ba excited ka roon? Three months away from the occasion, bumili ka na nga ng gown, remember? 'Yong pula na gown."

Pula na gown. Iyon ang una kong suot noong maglakbay ako sa taong 1889, at iyon din ang suot ko noong una ko siyang nakita.

"Ate?" natauhan ako sa boses ng kapatid ko.

131 Years (PUBLISHED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat