9

173 13 0
                                    

MASAKIT na ulo. Masakit na lalamunan. Humihilab na tiyan.

Iyan ang mga nararamdman ni Miah nang magising siya. Alam niyang uminom sila kagabi ni JP habang nanonood ng TV at pinagtitripan lang naman ang lahat ng mga pinapanood nila hanggang sa mapadpad sila sa isang romantic love story na iniyakan niya ng sobra. Paborito kasi niya ang 'Sweet November' na palabas at talagang umiiyak siya sa tuwing napapanood niyon.

Unfortunately, nakita ni JP iyon lahat. At dahil lasing na siya, hindi niya alam kung ano pa ang pinaggagagawa niya. Speaking of JP, nasaan kaya ito?

Noon naman niya narinig ang tinig ni JP. Parang may kausap ito kaya mabilis siyang napabangon at nakita itong nakaupo sa upuan malapit sa dresser. May kausap nga ito sa cellphone. Mabilis namang tumayo si JP nang makitang naupo na siya sa kama. Sumenyas pa ito nang sandali at lumabas na sa veranda at isinarado pa ang pinto.

Noon naman niya napansin na naka boxer lang si JP. At isang malaking 'OH MY GOSH' ang nasambit niya sa isip.

Mula kasi sa sinag ng araw mula sa veranda ng kuwarto ni Miah ay parang demi god na bumaba mula sa langit si JP. Malapad na balikat, maliit na bewag. Perpektong V-shaped ang katawan nito. Kitang kita rin ang haba ng biyas nito at ang muscles niyon. Napakagandang tingnan niyon dahil hindi gaanong mabalbon si JP. Oo nga't may balbon pero manipis lang iyon. But all in all, he was perfect.

Kung sino mang makakakita niyon ay siguradong maglalaway dahil namewang pa ito. At mas malala pa nang mangamot ng ulo si JP kaya kitang kita ang lapad ng balikat nito.

Diyos ko, Miah, ang aga-aga nagkakasala ka!

Napailing na lang siya roon. Sinubukan na niyang tumayo. At sa ginawa niyang iyon, noon lang niya napansin na iba ang suot niyang damit. Muli niyang nilingon si JP at parang doon lang rumihistro sa isip niya ang suot nito. Boxer shorts.

Nanlaki tuloy ang mata niya roon kasabay ng pagharap ni JP. "What's this?" turo niya sa damit niya at sa suot ni JP.

'What?' anang ng labi ni JP dahil may kausap pa rin ito sa cellphone at duda siyang narinig siya nito.

Nilahad naman ni Miah ang sarili at ang damit na suot niya bago lumapit sa glass door at tinuro ang boxer ni JP. Nahindik naman si Miah nang ngumisi si JP. 

Kung tama ang inisiip niya, siguro ay may nangyari sa kanila. Siguro ay hinalikan niya si JP at dahil lasing si JP ay tinugon nito ang halik niya at pagakatapos ay...

"Itigil mo kung anong insiip mo," putol ng tinig ni JP sa iniisip niya. Nakapasok na pala ito sa loob. "Nag-wala ka lang naman kagabi pagkatapos mong ngumawa at maglabas ng sama ng loob. Nang bulabog ako sa room service ng new bed sheets and laundry ng damit ng wala sa oras. And hoping to get it any moment this morning." Paliwanag nito bago ito dumiretso sa kama at nagtalukbong.

"Sandali anong ginagawa mo? Magpaliwanag ka," habol ni Miah kay JP at pilit na hinatak ang comforter palayo rito. 

"Nagpaliwanag na ako. Matutulog lang ako, hindi ako nakatulog ng maayos sa upuan."

Noon naman napatingin si Miah sa upuan. Matigas iyon dahil gawa sa purong kahoy iyon. Since iisa lang ang kama, doon marahil ito naupo at nakatulog habang siya ay napakasarap ng higa sa kama.

Pabagsak na lang tuloy siyang naupo sa kama. "Sana tumabi ka na sa akin."

"Edi mas nalintikan ako," saad ni JP sa ilalim ng comforter. "kagabi lang nagrereklamo ka 'pag bigla ka na lang niyayakap ng boyfriend mo. Kapag pinipilit ka nilang makipag-sex sa kanila. Naiinis ka kapag humahawak sila sa beywang mo. Nakakatikim sila sa 'yo ng sampal kapag bumababa pa sa beywang mo 'yong kamay nila. Tapos sasabihin mo tabihan kita. Baka paggising ko may gripo na ako o kaya hindi na abutin pa ng umaga."

"Sira," palo niya sa bandang ulunan nito. "pero salamat sa pakikinig." Totoong saad ni Miah bago humiga uli sa kama at humarap kay JP na nasa ilalim pa rin ng comforter.

Nai-imagine kasi niya ang hitsura niya kagabi at bahagya na rin niyang naalala. Umiiyak siya habang nagsisisigaw na naman ng mga reklamo niya sa boyfriend niya at malamang ay pati ang reklamo niya kung bakit siya inaayawan ng mga boyfriend niya.

"Did I look stupid last night?" halos pabulong na niyang saad.

Noon naman naglabas ng ulo si JP mula sa comforter. "No." Simpleng sagot nito. "I saw the real Miah last night. I saw how hurt and sad she was. And saw how angry she was."

Napaiwas na lang ng tingin si Miah sa tingin ni JP. May nakikita kasi siya sa mga mata ni JP pero ayaw niyang pangalanan. Ayaw niyang bigyan ng kulay dahil natatakot siya. Baka kasi mali ang nakikita niya at masaktan lang siya sa bandang huli.

Napabalik lang ang tingin ni Miah kay JP nang magpatuloy ang huli. "Okay na sana ang drama mo, nadadala na ako, pero bigla kang nag pa-shower. Yuck talaga. Buti na lang sa kama at hindi sa carpet. Kung nagkataon..." umiling pa si JP.

Nanlaki naman doon ang mata ni Miah bago niya dinaluhong ang binata at sinabunutan ito. "Nakakainis ka!"

"Sumusobra ka na. Nakakadami ka na." Biglang bangon ni JP. Akmang papaluin ni JP ng unan si Miah nang may kumatok sa pinto. "Teka, baka damit ko na 'yan. Ang mabuti pa, maligo ka na. Ako magdadamit lang ako at babalik na sa kuwarto ko. Magkita na lang tayo sa resto. Nagugutom na ako, eh." Mabilis na tayo ni JP hatak ang comforter at binalot sa sarili na parang babae at kinuha ang damit nito.

Napailing na lang si Miah rito at pumasok na sa banyo. Narinig niya ang pamamaalam nito with matching 'wag kang masyaong magpaganda' pang pahabol.

And she can't help herself from smiling.

----------------------------------
sorry late po...
Not in a good mood today kaya...
pero huli man din daw, atlit meron.. ahaha..
hope na na-enjoy nyo po this update..
dont forget to tap that star, comment and share~
sankyuuu

(っ˘з(˘⌣˘ )
(◍•ᴗ•◍)❤

~BM

[Completed] My Ex-Timid KnightWhere stories live. Discover now