Captivated By Her Eyes

110 1 0
                                    

Unang araw ko sa pagpasok sa eskwelahan na ito ay medyo kinakabahan pa ako. Paano kung magkita kami? Anong sasabihin ko sa kanya? Makikilala pa kaya nya ako? Sana nga at makilala nya pa ako dahil matagal na panahon rin ang inantay ko dumating lang ang araw na ito.

Unang araw palang marami na agad akong naging kaibigan since friendly at hindi naman ako ganun kahirap patunguhan katulad ng iba na nagsusungit pa. Pero sa unang araw na rin na iyon ay hindi ko sya nakita. Pero hanggang ngayon ay umaasa ako na magkikita kami balang araw. Unang linggo palang naman ng umpisa ng klase kaya wala pa masyadong ginagawa at ang ilan sa mga teachers ay hindi pa pumapasok kaya napagyayaan muna naming magkakaibigan na pumunta munang cafeteria since boring sa classroom at walang prof na pumasok.

"Ano paul, okay yung school diba? Pasado sa iyo. Marami pang mga magagandang babae dito." Daniel.

Sinundan pa sya ng tawa ni ralph. Sila yung sinasabi ko na naging kaibigan ko dito since lumapit ako sa school na ito. Nagkakilala kaming tatlo sa parking lot ng school. Sabay sabay kasi kaming lumabas sa mga sasakyan namin at sakto pa na nasa gitna nila ako ng mga sasakyan nila at agad na tinanong kung bago lang ako. Sumama na rin ako sa kanila since hindi ko pa masyadong nalilibot ng gaano ang school na ito simula ng nag enroll ako. Madali rin kaming nagkapalagayan ng mga loob kaya lagi na akong sumasama sa kanila.

Si daniel, madaldal yan. Sya yung tipo ng lalaki na hindi nauubusan ng paguusapan kapag magkasama kayong dalawa parang babae nga eh. Si ralph naman, kabaligtaran ng ugali ni daniel, tho gwapo rin naman sya. Kaya madami sa kanyang nagkakagusto ay dahil sa medyo misteryoso nyang pagkatao at gwapo pa. Hindi katulad ni daniel na maingay. Ilang araw palang kami magkakasama pero marami na kaming nalaman tungkol sa isat isa.

"Marami nga pero hindi naman sila ang pinunta ko dito eh."

"Oo nga pala. Sino ba kasi yang tinutukoy mo na babae? Malay mo kilala pala naming dalawa ni ralph yan diba? At baka matulungan ka pa namin."

"Wag na pre. Alam ko naman na magkikita kami eh. Pero kung baka sakali ay kilala nyo si ba Deejay."

Napaangat naman si ralph ng kanyang ulo ng marinig ang pangalan na deejay.

"Deejay? As in Daphne Joy madrigal?" Tanong ni ralph.

"Ganun na nga. Teka, kilala nyo?"

"Oo kilala namin sya. Pero di namin sya close eh." Sabi ni daniel habang may nginunguya pa sya.

Napabaling ang atensyon ko kay ralph na kasulukuyang iniinom ang milk tea nya.

"Pano nyo nakilala si deejay?"

"Sikat sya sa campus as chearleader. Pero nagulat ang lahat kung bakit bigla syang umayaw sa pagsasayaw. Walang alam kung bakit sya umalis, kaya nung umalis sya ay paminsan minsan nalang manalo ang school naten sa mga patimpalak na sinasalihan nila."

Sabi na nga ba at magaling syang sumayaw eh. Noon pa lang, alam ko na magaling talaga syang sumayaw.

"Oh tapos? Ano nang balita sa kanya?"

"Ayun wala na. Hindi na sya masyadong sikat pero may mga ilan pa rin naman na bumabati sa kanya na Queen. Dahil ang tawag sa kanya dati ay Queen Warrior. Warrior dahil Warriors ang pangalan ng grupo nila. At queen dahil sya nga ang naturingang leader ng grupo."

Nagtaka naman ako bigla sa lahat ng mga pinagsasabi nila sa akin. Sadyang nakakapagtaka lang kasi talaga.

"Pano nyo nalaman to?" Tanong ko sa kanila. Hindi ko na kasi mapigilan ang sarili ko na magtanong sa kanila.

Captivated By Her EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon