Buong lakas kong hinigit ang kumot. Umungol si Blizzard at bumaluktot. Hinawakan ko ang kaliwang kamay niya at hinila ito para maging diretso ang pwesto niya. Inupuan ko siya sa tiyan, hinawakan ang mukha niya gamit ang isang kamay at siniguradong hindi siya makakaalis. Pinisil-pisil ko pa yung magkabilang pisngi niya.

Mukhang nasobrahan ata ako sa pagpisil dahil nag-react siya. Sorry na, ang cute kasi eh. Hindi ko maiwasang hindi maaliw kasi mukha siyang isda. Pfft~ Ang cute niya 'pag nakanguso.

Talk about 'not being too harsh'.

"Meteor, please." Hinang-hina na sabi ni Blizzard. 

Itinapat ko yung tableta sa bibig niya pero mahigpit talaga itong nakasarado. "Inumin mo na kasi 'to nang matapos na tayo."

Umiling-iling si Blizzard at sinubukang tanggalin ang pagkakahawak ko sa kanyang mukha pero wala siyang lakas para gawin 'yon.

"Wag ka ng pasaway at inumin mo na 'to." Pero nagmatigas siya. Para namang bata eh!

Fine! Ubos na ang pasensya ko. Let's see what you can do about this.

Yumuko ako at hinalikan siya sa pisngi. I felt his jaw relaxed.

"Hey," I whispered. "I think.. I think I'm falling for you."

"I-I.."

I grabbed the chance and slid the medicine into his mouth. Biglang napatayo si Blizzard at umubo. Balak niya pa atang iluwa pero mabilis kong tinakpan ang bibig niya.

He got no choice but to swallow it.

Nang mapansing nalunok niya na ito, tumayo ako mula sa kama, nagsalin ng tubig sa baso at ibinigay ito sa kanya.

"Ano? Okay ka na?" tanong ko.

Hindi siya sumagot. Ibinalik niya ang baso sa'kin at muling humiga, nagbalot sa kumot. Tsk, at least napainom ko siya ng gamot. That's similar to Mom's style kapag nahihirapan siyang painumin ng gamot si Dad. Iniba ko lang ng konti.

Umakyat ulit ako sa kama at sinilip siya. "Nagugutom ka ba? Gusto mo ba ng soup?"

Sinapo ko ang kanyang leeg. Grabe, ang taas talaga ng lagnat niya.

Nakita ko yung maliit na palanggana at towel na nakapatong sa side table. Ah, oo! Pinupunasan ako ni Mom para bumaba ang lagnat ko. Kahit na lamig na lamig ako sa tubig nun, effective naman.

Isinawsaw ko 'yung daliri ko sa tubig, malamig na ito. Tinignan ko ang buong kwarto, sarado yung bintana at pintuan. Wala naman makakapansin sa'kin diba?

Nagsindi ako ng apoy sa kamay ko at saglit na pinainit ang tubig. Maligamgam na ito nang isawsaw ko ulit ang daliri ko.

Napatingin ako kay Blizzard, uhh.. gagawin ko talaga 'to?

Umungol siya nang hilahin ko ang kumot. Umupo ako sa tabi niya, isinawsaw ang towel sa maligamgam na tubig, piniga at marahang idinampi sa pisngi niyang hindi natatakpan ng maskara.

I should remove his mask. Hindi ko siya mapupunasan ng maayos kapag nandito 'to. Hinawakan ko ang gilid ng maskara at akmang aalisin ito nang hawakan ni Blizzard ang kamay ko. Napatingin ako sa mga mata niya, parang nagmamakaawa.

"No, please. Anything but this." He was so desperate. Ngayon ko lang nakita ng ganito si Blizzard. Ayaw niya talagang ipatanggal ang maskara.

What's with it anyway? Ganoon niya ba talaga pinoprotektahan ang identity niya? Hindi niya pa ba ako pinagkakatiwalaan after all that we've been through? 

Tch.

Still, I decided to respect his decision. Hindi ko na tinanggal ang maskara pero pinunasan ko pa rin yung bahagi ng mukha niyang hindi natatakpan niyon.

Stella Royal GamesOnde histórias criam vida. Descubra agora