~Ilang ulit muna itinatong sakin
Kong hanggang saan?
Hanggang saan? Hanggang kailan?
Magtatagal ang aking pagmamahal.~
'Dahan-dahang naglakad ang babaeng ikakasal papunta sa altar na kung saan naghihintay ang kaniyang minamahal na lalake.'
~Hanggang may himig pa akong naririnig dito sating daigdig.
Hanggang may musika akong tinataglay, kita'y iniibig.~
'Sa kasalan na ito, parang mala-telenobela. Ang gagara ng mga suot, ang gaganda ng mga disenyo. Parang dadaigin pa ang prinsesa sa kasalan nato. Nakakamangha, nakakatulala, dahil parang pinaghandaan talaga. I can't even buy her shoes! Parang Cinderella o sino mang fairy tale na may happy ending. Sobrang magastos naman neto!
Nadako ang tingin ko sa babaeng hanggang tenga ang ngiti na dire-diretsong nakatingin sa lalakeng nakasuot ng tuxedo. Ang mga mata niya, punong-puno ng kasiyahan, punong-puno ng pagmamahal. Siguro, masaya lang siya dahil nakikita na niya ang kaniyang lalakeng makakasama hanggang sa pagtanda.
~Giliw wag mo sanang isipin ikaw ang aking lilisanin.
Diko magagawang lumayo sayon'g piling at nais kong malaman mo kong gaano kita kamahal.~
Dahan-dahang bumagsak ang aking tingin saaking sapatos. Naka-pang hospital dress pa pala ako. Nako naman self, marami na talaga akong nakakalimutan, pati pa naman pag papalit ng damit. Hay nako.
~Hanggang ang diwa ko'y tanging sayoy laan, mamahalin kailanman. Hanngang pag-ibig ko'y hanggang walang hanggan, tanging ikaw lamang.~
'Napatingin ako saaking mga daliri, napangiti ako. Nandoon pa pala ang singsing na ibinigay niya saakin dalawang taon na ang nakakalipas. Buhay parin ang mga pangako na binitawan niya saakin, sa mismong harap ng simbahang ito.
~Hanggang may puso akong marunong magmahal, na ang sinisigaw ay lagi ng ikaw. Hanggang saan? Hanggang kailan? Hanggang kailan kita mahal? Hanggang ang buhay koy kunin sa maykapal.~
Yung lalakeng iyon.. ang lalakeng pinangakuan ako ng kasal dalawang taon na ang nakakalipas, ay masaya nang ikinakasal ngayon sa simbahang ito, kung saan.. kung saan niya ako pinangakuan. Napangiti ulit ako, pinipigilan ko ang mga luhang nagbabadyang tumulo. Hindi, ako pwedeng umiyak. Hindi naman ako nasasaktan, wala naman akong karapatan na makaramdam nun diba? Di naman niya ako minahal ng totoo.
~Giliw wag mo sanang isipin ikaw ang aking lilisanin.
Diko magagawang lumayo sayon'g piling at nais kong malaman mo kong gaano kita kamahal.~
Di na niya ako pwedeng mahalin. Hinding hindi na. Ikakasal na nga siya diba? Sabagay, hindi na naman ako maganda. Ano nga ba ako sakanya? Matagal na niya akong kinalimutan, pinalitan. Kase matagal na nung huli kaming nagkita. Kase matagal na nung huli kaming nagkausap.
~Giliw wag mo sanang isipin ikaw ang aking lilisanin.
Diko magagawang lumayo sayon'g piling at nais kong malaman mo kong gaano kita kamahal.~
Kase hanggang sa oras na to, akala niya patay na ako. Kase hanggang sa oras na to, akala niya, agnas na ako. Nakipaglaban ako ng dalawang taon, para sakanya, oo, para sakanya. Nilabanan ko ang sakit ko para sakanya. Ginawa ko ang lahat para sakanya. Pero ano yung ginawa niya? Kinalimutan niya ako. Pinalitan niya ako. Inakala na niya na patay na ako. Ano pa ba laban ko? At sino naman ako para kilalanin niya? I don't have the same beauty as same before. I don't have the same wealth as before. I'm not his fiance as same before. He just forget me because i get bald. He forget me because i got sick and ugly. Kinalimutan niya ako dahil hindi na ako ang Selena na minahal niya before. Kinalimutan niya ako dahil nagka cancer ako.
Maybe, we're not meant to be.
Maybe, he's not my Romeo and i'm not his Juliet.
Maybe he's not the one.
Maybe he's not the Prince i must meet.
Maybe in another life, we will be meant for each other.
Kase kahit hanggang kailan ako maghintay, siya parin ang magiging laman at tibok ng puso ko.
-Bnb_Faith.
