Siguro | Chapter 1

11 0 0
                                        

Pamela's POV

"Pam-Pam!" Napalingon ako sa tumatawag sakin. Ah, si Jacob pala.

"Bakit?" Tanong ko. Alam kong aasar-asarin na naman niya ako. Parati naman eh. Ni wala nga akong kaibigan dito sa eskuwelahan na ito eh.

"Bakit ang pangit mo?" At dun, nagsimula siyang tumawa. Alam ko na yan. Parati akong ganyan. Nab'bully ako parati ng mga grupo ng maaarteng babae dito. Tiniis ko naman eh, mula nung Grade 7 pa ako. At ngayong Grade 11 na ako, ganun pa rin. 

"Pinanganak na akong ganito." I tried to smile. Tumalikod na lang uli ako sa kanya at naglakad.

"Oy! Teka! Bakit ka nang-iiwan?" Hinabol niya pala ako.

"Bakit?" Tanong ko uli pero di ako tumitingin sa kanya. Nasa tabi ko lang naman siya habang naka-pamulsa siya.

"Sasama ako sayo." Tipid niyang sagot.

"Sa library? Mag-iingay ka lang dun eh." Mahina kong sabi pero narinig niya.

"Hindi ako mag-iingay. Sasamahan kita." Nanlaki ang mata ko at napatingin ako sa kanya. Seryoso siya.

"B-Bakit?" Kinakabahang tanong ko.

"Wala lang." Di pa rin siya tumitingin sakin. Hindi na lang ako nagsalita at nagpatuloy sa paglalakad.

May narinig akong sumigaw, "Ano na Jacob? Alam na ba? Nagsorry ka na ba?" Boses ni Franko yun. Natatawa pa niyang sabi yun. Halatang inaasar nila si Jacob.

"Gago! Wag atat!" He smirked.

Nakarating na pala kami sa library. Pumasok na ako at naghanap ng mahihiramang libro. Hinanap ko rin yung libro na gusto ko. DI ko pa tapos basahin yun eh.

"Pamela." Ngayon lang ako tinawag ni Jacob ng ganyan. Dahil sa kaba ko, mabagal lang akong humarap sa kanya.

"B-b-b-bakit?" Nanginginig ako sa takot. Ewan ko kung bakit.

"Wag kang kabahan. Wala akong gagawin sayo." Ngumiti siya. Napa-buntong-hininga naman ako. "May gusto lang sana akong itanong." Huh? Tumalikod na lang uli ako sa kanya at muling hinanap yun.

"Ano naman yun?" Sabi ko.

"Anong gusto mo sa lalaki?" Nagulat ako sa tanong na iyan. Saglit akong napatigil pero naghanap pa rin ako.

"Anong klaseng tanong iyan? Haha." Nag-peke ako ng tawa. "Aha! Nahanap rin  kita!" Kinuha ko na yung libro at nagsimulang maglakad sa desk.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 23, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You. Only YouWhere stories live. Discover now