"Dito na lang, basa ang park." Si Ken.

"'Yun! Sakto! Teka, teka." Nalipat ang tingin sa akin ni Justin. "Naligo ka na ba?"

"Oo," sagot ko.

"Hilamos ka na lang ulit tapos magpa-make up ka kay Stell. Set up lang kami."

Sinunod ko ang utos ni Justin, pati sina Stell at Sejun ay naabala na pero hindi pa rin natinag sa paguusap. Si Ken, bumalik sa kwarto para magtrabaho ulit. Magpapalitan naman daw sila ng trabaho ni Justin mamaya.

"Eh, kung kayo rin mag-ayos? Para may pictures din kayo," tanong ni Justin sa kalagitnaan ng pagse-set up ng camera sa gitna.

"Talaga?!" Si Sejun.

Nagliwanag ang mukha ni Sejun at nagpa-cute kay Stell, gustong magpaayos sa kan'ya. Napangiwi na lang si Stell sa kan'ya at hinila papasok sa loob.

Nabaling ang tingin ko kay Justin. Seryosong-seryoso s'ya sa kinukutingting sa camera at salubong pa ang dalawang kilay.

"Ikaw ang nage-edit ng kuha mo 'di ba?" tanong ko.

Nakaupo ako sa high stool mula sa island counter at nasa likod ko ang mapunong bahagi ng bahay. Maganda naman tignan dahil mataas. May mga naglalaglagan nga lang na mahogany.

"Oo."

"Anong ginagawa ni Ken kung gano'n?"

"S'ya ang nag-distribute sa iba't ibang company at agency. Hindi ko alam, basta s'ya ang bahala sa e-mail stuff."

Napanguso na lang ako at hindi na nakasagot. May ginagawa rin si Ken. Eh, bakit hindi na lang sa management na pinapasukan n'ya?

"Ayaw n'ya na magkapareha kayo ng company. Mas magandang hiwalay ka," usal ni Justin na para bang nababasa ang tanong sa utak ko.

Ilang minuto pa, nagsimula kaming dalawa. Panay ang sabi n'ya ng mga pose na sinusunod ko naman. Nahagip ng mata ko ang paglabas ni Ken sa bahay. May suot pa ring salamin. Hinahanap n'ya kami.

"Josh!" sigaw ni Justin dahil malayo ang tingin ko. Nakailang shots pa bago ako magpalit ng wardrobe.

Hindi ko maintindihan kung anong mga sinusuot ko pero alam kong kay Ken galing lahat 'to. Sakto namang lumapit sa amin si Ken at hiniram si Justin saglit.

Mahina silang nag-uusap habang abala ako sa pagpili ng sunod na susuotin. Lumabas na sina Stell at Sejun, suot-suot ang damit na kay Ken din galing.

Si Ken ang pumalit sa trabaho ni Justin. S'ya na ngayon ang sinusunod ko. Hindi naman s'ya nagrereklamo dahil ngiti s'ya ng ngiti kapag nasasatisfy s'ya sa shot. Sumunod sa akin ang dalawa. Hindi ko na tinignan, pumasok na lang ako sa bahay.

Bumungad sa sala si Justin na nakadukdok sa center table, may kaharap na laptop. Nakakunot ang noo n'ya at mabilis na gumagalaw ang mata.

"Ano 'yan?" tanong ko.

"Reply," maikling sagot n'ya.


Linggo na kinabukasan. Magbi-birthday na ako at wala pa ring maisip kung anong gagawin. Wala akong perang pambili ng pagkain na handa ko. Hindi pa rin kami nakakakuha ng reply mula sa e-mail ni Ken. Ilang linggo na akong puro computer, kain, tulog, at linis. Nang makakain kami ng hapunan, tahimik na tahimik sila at halos walang mapag-usapan.

Magtatampo na sana ako nang paggising ko ng linggo, wala akong makita. Dilat na ako at magkakamot na sana ng mata nang nakasuot pala ako ng blindfold. Anong pakulo 'to?

"'Wag mong tatanggalin kung gusto mo pang mabuhay, Josh Cullen."

Nanlaki ang mata ko sa bulong na 'yun! Ginapangan ako bigla ng kaba at napayakap ng mahigpit sa unan na hawak ko. Na biglang nabawi naman ng ngisi nang ma-recognize ko ang boses. Si Justin!

Subside Everything (SB19)Where stories live. Discover now