GITZ, BREAK! #17

24 1 0
                                    

I'm the main dancer of SB19, my name is Ken.

---

Bukod sa sinabi ko sa kan'ya noong gabing nag-celebrate kami ng birthday n'ya, isa sa wish ko para sa kan'ya ang pag-tagal sa akin, sa trabahong binigay n'ya.

Napapansin ko namang gusto n'ya rin ang inalok ko at hindi dahil para makuha si Kira. Isang buwan na ang nakalipas at nakakalimang gig pa lang kami, ibig sabihin, limang beses ko na s'yang nasosolo.

"Maulan ngayon, Ken. Bakit hindi ka magdala ng sweater?"

Nasa sala kami ngayon habang inihahanda namin ang mga gamit paalis mamaya. Sa studio lang ang sinabing place at doon sasabihan kung saan ang runway.

"May wardrobe naman do'n," sagot ko na hindi s'ya tinitignan.

"Iba pa rin 'yung may sarili ka. 'Eto, lagay mo na." Naramdaman ko ang paglagay n'ya ng cream colored solid crew-neck sa balikat ko.

Kinuha ko ito at napansing hindi naman sa akin.

"Kanino 'to?" tanong ko.

"Huh? Edi sa'yo. Nasa kwarto mo 'yan, eh."

Kumunot ang noo ko habang hawak-hawak ko pa rin ang sweater.

"Bakit?" Napansin n'ya ang kataka-takang mukha ko.

"Hindi naman sa akin 'to."

Hinablot n'ya bigla ang hawak ko.

"Kuha na lang ako ng iba, mukhang ayaw mo, eh." At tinalikuran ako.

Wala naman akong sinabing ayaw ko.

Natigil ako sa paglalagay ng gamit sa maleta nang marinig ko ang yabag pababa ni Stell.

"Oh, ang aga n'yo naman 'ata ngayon?"

"Maaga pa ba ang alas siyete?" Natatawang tanong ko.

"Aba---grabe namang trabaho 'yan, Ken Suson! Hahaha! Hindi ba kaya naabala mo si Justin?"

Dumiretso s'ya sa island counter para magtimpla ng kape. Naglabas s'ya ng tatlong tasa. Habang nagreready, pinagmamasdan n'ya ang kilos ko.

"Okay lang sa kan'ya, hindi naman s'ya nagrereklamo." Kibit balikat kong sagot.

Sakto namang bumaba si Justin na may hawak sa magkabilang braso.

"Oh, 'yan. Pili ka na lang."

Inilapag n'ya ang iilang sweater sa sofa na nasa gilid ko lang.

"Hindi na," sagot ko at hindi na pinansin ang nilagay n'ya.

"Maglagay ka, kahit isa," walang emosyong usal n'ya.

"Hindi na may wardrobe---"

"Sinabi mo na rin 'yan noong nakaraan. Ano? Meron ka bang nagamit?" Natonohan ko na kaagad ang inis sa boses n'ya.

Nalukot ang noo ko at nilingon s'ya. Nasa hagdan s'ya, nakatayo habang pinapanood ai Stell maghanda ng kape.

"Nagagalit ka ba?" Malumanay na tanong ko.

"Hindi!"

Hindi raw pero nagdidiin ang salita.

"Parang galit ka, eh---"

"'Wag mo na lang pansinin. Pumili ka na lang d'yan at isalampak mo sa maleta mo. Ako na ang mag-aayos n'yan mamaya."

Nagitla ako nang bigla s'yang umakyat at nagdere-deretso sa itaas. Nakasalubong pa n'ya si Sejun na binaliwala lang ni Justin.

Subside Everything (SB19)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon