#8:WHO YOU?

0 0 0
                                    


Trace The Name On The Star★

MITCH POV (Who You?)

"Mitch" rinig Kong sigaw mula sa aking likuran, ng lingunin ko 'to, ay nagtaka ako bigla, Hindi ko sya kilala. Pero bakit kilala nya 'ko?

Sabagay. Meron talagang gano'n, yung kilala ka,pero di 'mo sila kilala. Chismosa lang,choss

Lumapit 'to sa akin. Lalake sya, gwapo, may singkit na mata, may mahaba at makapal na pilikmata, matangos na ilong, at mapula pulang labi.

"Sino ka?" Takong tanong ko dito ng tuluyan na 'tong makalapit sa akin.

"Mitch...di'mo ba ako naaalala?" Tanong nito, ay!shurangers! Mag tatanong ba ako kung kilala ko sya?

'Utak mo may ubo Kuya'

"Mag tatanong ba ako kung kilala kita?" Pamimilosopo ko.

Napatalon ako sa gulat ng bigla nitong hawakan ang mga kamay ko.

Masyadong malapit ang mga mukha namin sa isa't isa. Kaya ninenerbyos ako. Baka makita kami ng boyfriend ko. Lagot ako nito!

"Mitch...a-ako si k---" Hindi na nito natapos ang sasabihin ng may isang pamilyar na boses ang tumawag sa pangalan ko.

"Mitch" tawag nito. Mula sa likuran ko. Na kita ko si kenzo na masamang nakatingin sa lalaking kaharap ko ngayon.

Lumapit sya sa gawi namin, at biglaang kinuha ang kamay Kong hawak-hawak ng lalaking ito.

Ang tatalim ng mga tingin nila sa isa't isa. Na animong may kasalan sila sa isa't isa.

"A-anong ginagawa m-mo d-dito?" Garalgal ang tinig ng sinabi iyan ni kenzo.

Taka ko naman 'tong nilingon.

"Nandito ako para kunin kung ano man yung akin" ma-autoridad na sabi ng lalake. Wait!SHEMAY! Nahihilo, sumasakit yung ulo ko. Hindi ko sila maintindihan. Naguguluhan ako.

"Wait!....t-teka....mag ka k-kilala kayo?" Takang tanong ko. Parehas namang tumingin sa akin ang dalawa. Una Kong sinulyapan si kenzo, tila parang may kaba,pag Aalala sa mukha nito. Sumulyap naman ako sa lalaking Hindi ko kilala, o baka kilala ko, Hindi ko lang matamdaan kung sino. Tila nabasa ko ang kanyang damdamin ng titigan ko 'to sa mata, may lungkot akong nababasa, may halo-halong emosyos ding makikita sa mukha nya pero Hindi ako sigurado kung ano ang mga 'to,ang tanging nasisiguro ko lamang ay may lungkot sa mga mata nya.

"Let's go home,babe..." 'Aya ni kenzo, aatakin na nya dapat ako pa Alis do'n ng mag pumiglas ako. Nagkatitigan kami ni kenzo. May kaba at takot sa kanyang mukha at mata.

'Bakit?bakit ka kinakabahan at tila natatakot kang kausapin at hawakan ako nitong lalaking 'to?ano 'to?don't talk to stranger?'

"Sino ka?" Madami akong iniisip, madami akong gustong sabihin ngunit 'yan lang ang tanging lumabas sa bibig ko.

Tinitigan ko 'to sa mata. Nagtitigan kami. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Biglang naging mabagal ang takbo ng bawat segundo. Naging mabagal ang lakad ng mga taong dumadaan sa paligid namin. At feeling ko,unti-unting dumidilim ang paligid ko hanggang sa kaming dalawa na lang ang tao dito? Parang kaming dalawa na lang ang tao dito kahit alam ko namang marami kami?

Teka... Ano 'tong nangyayare'ng ito?bakit biglang naging ganito? Yung kapaligiran ko? Bakit bumabagal ang takbo ng bawat Segundo? Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng titigan ko ang mga mata nya? Bakit sya at ako lang ang tanging nakikita ko sa ngayon? Ano ba 'tong nangyayare?

"Mitch...l-lets go home..." Bulalas ulit ni kenzo pero Hindi ko na 'to pinansin. 'Ni Hindi man lang ako nag abalang lingunin 'to. Kahit gusto ko syang tignan, ay ayaw ng mga mata Kong tumingin sa iba, gusto nya dito lang sa lalaking ito, gano'n din ang katawan ko. Parang may sari-sarili silang utak.

"Mitch..." Mahina ngunit malambing na sabi ng lalake. Bahagya itong tumungo, at ng iangat ang ulo, muling nagtama ang mga mata namin. Nangingilid na ang mga luha nito. Na parang ilang Segundo, ilang salita na lang ay tutulo na.

"Mitch...babe...let's go" sabi na naman ni kenzo, tulad kanina Hindi ko man lang ito inabalang lingunin.

Sa Hindi maipaliwanag na dahilan, bigla ko na lang niyakap ang lalaking 'to na ngayon ay umiiyak na. Niyakap ako nito ng pabalik. Ramdam ko ang higpit no'n pero di ko na inalintana. Parang kulang pa nga ang higpit ng yakap nyang 'yon. Ramdam ko din ang pananabik,pagka-miss sa yakap nya.

Paruloy parin akong tinatawag ni kenzo pero Hindi ko na ito pinakinggan pa.

Ewan ko. Pero parang wala na akong pake sa kanya. Na parang mas gusto ko pang yakapin ang lalaking 'to na Hindi ko kilala o Hindi ko maalala kesa sa kanyang boyfriend ko.

"Mitch...I...I miss you so much" bulong ng lalaking. Sapat na ang lakas no'n para ako kang ang makarinig.

Tumingala ako para magtama ulit ang paningin namin. "Hindi kita kilala...pero bakit ganito yung nararamdaman ko?" Naguguluhan pa ring tanong ko.

"Hindi kita kila---" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng hawakan nya ang labi ko gamit ang index finger nito, na animong pinipigilan talaga along magsalita.

"Ssshh..." Pauna nya. "Kilala mo ako, sadyang Hindi mo lang talaga ako maalala dahil sa insedente" patuloy nya. Patukoy nya rin sa insedentwng nanyare sa akin. Dahilan upang mag ka ro'n ako ng amnesia.

"S-sino ka ba?" Curious pa rin ako kung sino sya. Malay mo,isa sya sa mga mahahalagang tao sa buhay ko.

"Im...I'm khaifer Rui---" Hindi na nito natapos ang sinasa I ng biglang may humatak sa akin.

Si kenzo. Si kenzo pala ang humatak sa akin at hinila ako papalabas ng mall. Kinaladkad nya ako patungong parking lot at pilit na ipinapasakay sa kotse nya.

To be continued...

Trace The Name On The Star(soon)Where stories live. Discover now