CHAPTER 1

20 1 0
                                    

Napabaling ang tingin ko sa gawi ng entrance ng cafeteria ng marinig ang grupo ng mga kababaihan na nagsisigawan.

Noisy.

I hate crowds.

Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanila hanggat hindi ko nakikita kung sino ba ang dahilan ng sigawan na yon.

"The Aces?" bulong ko ng mabungaran ang ilang lalaking pinag-kukumpulan nila.

THE ACES BAND

Banda ito ng mga kalalakihang may limang miyembro. Well, may mga itsura to be fact. I know them because I was once part of that band. The vocalist, pianist, basist, drummer at guitarist.

Halos maputol ang litid at mamaos ang boses ng mga estudyanteng walang tigil sa pagsigaw dahil sa grupong ito.

Tsk. I don't even care.

Tinuwid ko ang likod ko, tinago ko ang mga legs ko sa ilalim ng upuang kanina lang ay nakalabas at idinikwatro ko iyon. Ipinatong ko ng prente ang mga kamay ko sa lamesa at dumeretso ako ng tingin sa lalaking umupo sa tapat ng kinauupuan ko kani kanina lang.

Nagpanggap akong hindi sila nakita dahil mukhang dadaan ang mga ito sa likod ko ngunit sa di inaasaha'y biglang may pumulupot na mga braso sa balikat at leeg ko mula sa likuran.

Who the f*ck hugged me?

Kung sino man ito ay tiyak na tumuwad pa ito para lang mayakap ako sa ganoong posisyon.

Nagugulat akong niyuko ang mga brasong iyon.

La--lalaki?

Isinandal niya ang baba niya sa gilid ng ulo ko dahilan para tumabingi ito. Mas hinigpitan ang pagkakayakap sakin.

Ikinunot ko ang noo ko ng sobra. Pinakiramdaman ko ang presensya niya at sunod niyang gagawin.

He's harmless.

Hindi ako tumutol o nagwala sa sitwasyong iyon. Hinayaan ko siyang yakapin ako at inisip kung paano ko siya mababawian ng torture pagkatapos. Nag-iinit na ang ulo ko. Sa isip-isip ko'y sana dumating na ang dalawa para magkaroon ng malay ang lalaking 'to.

Walang nagtatangkang dumikit-dikit sakin ng ganito. Brave enough huh?

Naisipan kong hingan ng tulong ang lalaking kaharap ko kahit sa loob ko'y kung gugustuhin ko, kaya ko namang pilipitin ang mga kamay ng lalaking nasa likod ko.

Binigyan ko siya ng nag-mamakaawang tingin para ipabatid na tulungan ako.

Ang bwiset na 'to walang interes lang akong tinitigan.

Alam kong sa oras na yon ay wala siyang balak na tulungan ako.

Psh walang kwenta.

Inikot ko ang mga mata ko at ang kaninang nakakaawa kong mukha ay napalitan ng blankong emosyon.

Maingat na inangat ko ang mga kamay ko at nilapat sa mga brasong nakapalibot sa balikat ko. Nakita kong tumaas ang kilay ng lalaking nasa harapan ko.

Naguluhan ako sa emosyong pinakita niya ngunit hindi ko iyon inintindi.

Hinigpitan ko ang pagkapit sa brasong nakayakap sakin. Yumuko ako upang silipin iyon at nang akmang babaklasin ko na ito ng magsalita ang lalaking kaharap ko.

"Mind to let her go Drake?"

Agad kong naluwagan ang pagkakahawak ng kamay ko.

"Drake? Ikaw yan?" nagugulat kong tanong.

YOU GOT MEWhere stories live. Discover now