KABANATA

276 0 0
                                    

Kabanata I.

            Nang matapos sa paghuhugas si Andres ay nagkahuntahan sila nila Alice at Bill patungkol sa naging buhay ni Andres bago siya nakarating sa unibersidad sa kung saan siya nag-aaral ngayon maging ang mga pasakit at pagdaramdam na kanyang naranasan ng mga panahon na iyon.

Kabanata II.

            Naging malaking usapin para sa magkaibigang Andres at bill ang pagtangi ni Alice kay Andres ngunit ito ay pansamanatalang napigilan dahil sa pagbibigay ng kuro – kuro ni Mrs. Grey, punong tagapamahala sa dormitoryong kanilang pinapasukan, na ang magkaibang lahi ay hindi maaaring mag-ibigan.

Kabanata III.

            Nang dahil sa pangyayari, nagbalik sa alaala ni Andres ng minsan ay nabugbog siya dahil sa isang Amerikanang babae kaya ang naisin niya hanggat maaari ay umiwas kay Alice ngunit linggid sa kanyang kaalaman ay siya pa ang naging dahilan upang magkakilala sina Alice at Alfredo.

Kabanata IV.

            Nagpagawa ng report si Alfredo kay Andres ngunit sumingil ng labis ang huli at ito'y pinaghinanakit ni Alice manapa'y lumiham si Alice kay Alfredo at ibinalik ang sobrang salapi matapos mapaliwanagan si Andres at ito'y naging sanhi upang mas lalong kilalanin ni Alfredo si Alice upang kanyang mapaibig.

Kabanata V.

            Tinuruan ni Andres si Bill ng boksing matapos umuwi isang gabi na bugbog-sarado at nakita ng tanan kung gaano kahusay si Andres sa larangan na ito at naging sanhi upang mas lalong matanyag sa buong unibersidad, dahil dito nagdamdam si Alice sapagkat hindi na raw siya nakikilala ni Andres dulot ng kanyang pagsikat.

Kabanata VI.

            Naging masugid na manliligaw ni Alice si Alfredo ngunit mailag pa rin ang Amerikanang dalaga sa kanya sapagkat silang dalawa ni Andres ay nagkakaunawaan na.

Kabanata VII.

            Tinuhod ni Alfredo si Andres isang gabi habang sila ay naglalakad sapagkat nagpantig ang tenga ni Andres sa masamang palagay na sinabi ng kababayan tungkol kay Alice ngunit kalauna'y hindi naman si Andres sapagkat ayaw na niyang lumaki pa ang gulo.

Kabanata VIII.

Isang dalagang Filipina ang dumating sa unibersidad upang mag-aral ng piyano na nagngangalang Estrella subalit hindi naging maganda ang unang pagkikita nila ni Andres sapagkat nababanaag ng binata ang ikinukubling kasamaan ng ugali nito.

Kabanata IX.

            Sinusubukang mapalapit ni Estrella kay Andres ngunit ang huli ay mailap pa rin sa dalagang kababayan dahil sa paniniwalang nais lamang nito na mapayuko ang binata dahil sa kalapastanganan ginawa ng sila ay unang magkita.

Kabanata X.

            Nagkaroon ng kasunduan sina Alfredo at Andres na lalayo ang binata  kay Estrella kapalit ay ang buwanang bayad ni Alfredo upang magkaroon ng tsansa na malapit ang dalaga kay Alfredo ngunit ito ay kalaunang napag-alaman rin ni Estrella.

Kabanata XI.

          Sina Andres at Estrella naman ang nagkaroon ng kasunduan subalit hindi katagalan ay nalaman rin ni Alice ang tungkol sa katotohanan at ito'y pinaghinanakit ng dalaga sa katipan kung kaya't nagpasya ang magkasintahan na maghiwalay na lamang.

Kabanata XII.

          Nagpasama sa isang konsiyerto si Estrella kay Andres at napagkuro – kuro ng mga miron na mainam silang magkapares ngunit ito ay pinagtawanan lamang ng binata at siyang pinagdaramdam ng dalaga kaya umuwi siyang mag-isa na lumuluha.

Timawa by A.C FabianOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz