PROLOGUE

16 1 0
                                    

ALI

My heart's crippled by the vain that I keep on closin'
You cut me open and I

Keep bleeding, keep keep bleeding love.
Keep bleeding, keep keep bleeding love.
Keep bleeding, keep keep bleeding love.
You cut me open~

Agad kong pinatay ang radio na nasa side table ko matapos maalimpungatan.

Too noisy.

Tumayo ako at nag-inat ng nag-inat. Inaantok pako. Lamyang lamya ako.

Agad din iyong napalitan ng pagngiwi ng makita ko kung anong oras na. [6:45AM]

I have to be in school at 7:30AM.

"Teka late nako?" tanong ko sa sarili ko.

"Ahh" paulit-ulit na tango ko pa "Late na nga ako."

"Teka oo nga late nako no?" nagaalangan pa kong nag isip at nang mapagtanto ay..

"Sh*t. I'm late."

Agad akong pumasok sa banyo at naligo ng mabilis. Nagbihis ako ng uniporme ko. Nagpulbos at nag lip balm. Agad akong bumaba sa kusina kahit walang suklay.

"Good morning Mom! I'm running late. Pengeng breakfast."

"Oh maaga pala pasok mo?" Inabutan ako ng sandwich na nakabalot na.

"Yes Mom. Thank you! By the way asan si Daddy?" tanong ko ng diko sya makita sa kusinang mag almusal.

"Office."

"K." Lumabas ako ng kusina at dumiretso sa sala para icheck ulit ang mga gamit ko. Inayos ko naman na yon kagabi eh.

"Yung buhok mo Alejandra basang basa. Suklayan mo nga yan! Ugaling ugali mo yan!" sigaw ni Mommy. Bumuntong hininga ako at hindi na lang iyon pinansin pa.

No time to blowdry at tinatamad akong magsuklay.

Nang matapos magcheck ng mga gamit ko ay hinanda ko na ang sarili ko sa pag-alis.

"Mom! baka malate ako pauwi. I'll call you if I'm in trouble. Bye."

Dumeretso ako sa garahe at agad na lumapat ang mga mata ko sa motor ko. Nangingintab sa itim ang kulay nito, at sa bandang harapan noo'y nakatatak ang salitang 'Uno'.

Hinaplos ko ito ng marahan at tinapik tapik. "Long time no ride, baby" ngising sabi ko.

Sinuot ko ang helmet kong match sa motor ko ang kulay, maingat na sumakay ng motor, at agaran ko itong pinaharurot papuntang eskwelahan.

ANDRADA UNIVERSITY

Pinark ko ang motor ko sa usual na pinaparkingan ko. Nilagyan ko ng lock ang gulong nito at matapos yon ay tumayo ako upang pagpagin ang mga kamay ko.

Tiningnan ko ang wrist watch ko.

"Hmm. 7:23AM. Not bad."

I entered the gate of our school confidently.

Agad na sinuklay ng kamay ko ang medyo natuyo ko nang buhok upang maisaayos ito at hindi ako magmukhang bruha.
Medyo may kahabaan na rin kasi ito at natatakpan na nito ang halos buong likod ko.

Looking at the bunch of students na papasok ng school. Nababagot na agad ako. I hate studying.

YOU GOT MEWhere stories live. Discover now