03

433 167 27
                                    


                   SA hindi mabilang na tao sa mundo, tunay nga ba na nakita mo na ang para sa'yo? Sa milyong populasyon sa Pilipinas, tunay nga ba na nakilala na natin ang para sa'tin without actually realizing it? Pwedeng oo at pwede rin namang hindi, wala naman kaseng kasiguraduhan ang mga kuro-kurong naririnig ng mga tenga.

Honestly speaking, I thought, I already found him. I thought, I already found my better half, because someone made me feel special, loved, and worthy. Ipinaramdam niya sa akin ang mga kakaibang emosyon na hindi ko inakalang mararanasan. Those cliche banat of him and his clingy side.... Ang mga paro-paro sa katawan ay nagkukumpulan sa tiyan na waring hindi alam ang patutunguhan.

Sa simpleng ngiting ibinibigay niya sa akin noon ay ang siyang pagkawala ko sa katinuan. Ang galing, ano? kung paano na ang isang taong hindi mo kadugo ay magpapakita sa'yo ng grabeng pagmamahal, alaga, at kaligtasan.

Hindi ko inakala na sa unang pagkakataon ngayon araw ay muli ko siyang makikita. Sa coridor ng paaralan ay nakita ko siya, nakasalubong habang may ngiti sa kaniyang mukha at bumubuka ang mga labi niyang namumula na lumilikha ng mga salitang tanging ang kausap niya lamang ang nakakarinig.

Ang dating ngiti at tuwang sa akin niya lamang noon ipinapakita ay ibinibigay niya na sa iba. Isang babaeng may katangkaran, porselana ang balat na may kakinisan at tunay na panlaban sa kahit na anong klaseng pagandahan.

Mula sa umaalon niyang buhok na umaabot hanggang bewang, mamula-mulang pisngi at nakangiting mga labi, dama kong gusto niya ang binata o may mas malalim pa siyang nadarama.

I just know it because I also felt those feelings towards that man. Those smile on the lips, love on the eyes, and unexplainable feeling of happiness inside...

Ang pag-akbay niya sa babaeng iyon ay nagbunga ng mahihinang hagikhik na aking nadinig matapos nila akong lagpasan na parang hangin na lang.

Pwede pa lang mangyari na ang inaakala mong sa'yo ay kukunin ng tunay na nagmanay-ari nito....

...........

"Bea, anak, kumain ka na muna ng hapunan bago mo gawin ang mga 'yan." nilingon ko si mama sa pintuan na inaaya akong sumabay na rin ng hapunan sa kanila. Hindi na ako nagmatigas pa kung kaya't bumaba na rin ako kasabay niya.

"Ate! Tignan mo si Cleo, nang-aasar na naman!"sumbong sa akin ni Jasmine,ang pangalawa sa aming magkakapatid.

"Cleo, tigilan mo na 'yan. Ibigay mo na kay ate Jasmine mo ang gamit niya, hindi sa'yo ang mga laruang 'yan."

"Hinihiram ko lang naman, ate. Hindi ko naman sisirain, e" nakabusangot na tugon sa akin ni Cleo, ang bunso kong kapatid.

"Bitawan niyo na 'yan, kakain na muna tayo." suway ni mama sa dalawa kaya wala silang nagawa kung hindi ang sumunod.

Kumuha na ako ng mga platong gagamitin namin habang si Jasmine naman ang kumuha sa mga baso. Pagkatapos ay umupo na rin kaming lahat kasabay si papa, samakatuwid ay kumpleto kami ngayon sa hapag-kainan na madalang mangyari dahil sa madalas na ginagawa ng bawat isa.

Ang tunog ng mga kutsara,tinidor at plato ang siyang naririnig ko bago magsalita si papa at nagtanong hinggil sa isang bagay na hindi ko napaghandaang sagutin.

"Bakit hindi na pumupunta dito si Dwayne?Nag-away ba kayo, Bea?" natigilan ako sa pagkain at hindi mailunok ang kinakain kaya uminom muna ako ng tubig bago sinagot si papa.

"Ahm... busy lang po siya, Papa. Alam niyo naman na college na rin siya at hindi rin madali ang course naming dalawa."

"Kahit na simpleng pagbisita ay hindi niya na rin ba magawa? Ang lapit lang ng bahay sa eskwelan,'anak. Noon ay walang mintis kung ihatid ka niya dito sa bahay pero bakit ngayon ay ilang buwan na namin siyang hindi nakikita?" ilang segundo rin akong nangapa at humanap ng mga akmang salita na maari kong sabihin.

"Intindihin niyo na lang, Pa. Mahirap talaga amg schedule namin ngayon at hindi na talaga madali..."

"Sabihan mo lang ako kapag sinaktan ka niya. Kapag niloko ka ni Dwayne,hindi ko siya papalagpasin. "uminom ng marahas si papa ng tubig at tumayo rin kalaunan.

" Iyong papa mo talaga overprotective sa'yo. Kung nandito lang ang kuya mo,naku paniguradong hindi makakalusot si Dwayne kung sakali. "natatawang sabi ni mama bago hinawan ang mga kamay ko at nagseryoso.

"Anak,kung ano man ang problema niyo, magiging maayos din 'yan."

"W-wala kaming problema, ma"

"Hindi kami ipinanganak ng papa mo kahapon, Bea. Kaya naging gano'n ang reaksyon niya dahil nag-aalala lang 'yon sa'yo. Alam mo namang ikaw ang unang prinsesa niya kaya ayaw niyang nalulungkot ka. Napansin kase namin na ilang buwan ka ng matamlay at maliban na lang kung makipag-usap. Anak,concern lang kami bilang magulang mo."

Tumango na lamang ako ng ilang ulit at sinabing ayos lang ang lahat.

'Ayos lang' 'Okay lang'

Kailan ka pa huling nagsabi ng totoo, Bea?

........
Edited♡

Until Our Next Story Begin(Completed)Where stories live. Discover now