00

834 209 45
                                    

(Disclaimer)

This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this book are either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

(Copyright @ 2019 Unp0pularWriter)

No part of this publication may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording or any electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the publisher, except in the case of brief quotations embodied in reviews and certain other non-commercial uses permitted by Copyright law.

......

Maingay. Mausok. Siksikan.

               NAGKUKUMAHOG sa pagsampa ng jeep ang mg commuter lalo na't rush hour. Ilang oras na lang ay magsisimula na ng oras ng trabaho at pasok sa eskwela. Siksikan ang mga pasahero sa jeep. Kahit kalahati pa ng puwetan ay hindi na nakaluklok, sinunggaban na dahil mas nakakatakot ang umabsent sa terror na prof kumpara sa mangalay ang mga binti. May sumabit na rin sa pintuan ng jeep, nagbayad ng kinse pesos kahit hindi nakaupo habang nasa bibig ang isang piraso ng pinalamanang tinapay bilang almusal. Nalate sa paggising dahil mag-damag na inasikaso ang paggawa ng presentation sa kumpanya.

Sa harapang bahagi ng jeep, dalawang pasahero ang nakaupo katabi ng driver. Ang isa ay nakasuot ng earphones at bahagya pang nakanganga ang bibig habang natutulog. Ang isa naman ay panay ang tingin sa side mirror ng jeep at pasimpleng nagme-make face— panay ang paganda kahit hindi naman maganda.

Sa loob ng jeep ay may magkabilaang upuan na naglalaman ng tig-sampung pasahero na siksikan. Isang pasahero ang may mahaba ang buhok, nakalugay at waring may dinaramdam habang nakatingin sa labas ng bintana. May nakasulpak na earphones sa magkabilaang tenga kung kaya't damang-dama nito ang pagiging emo. Iyon nga lang, nakaligtaan niya yatang nasa jeep siya kaya ang katabi ay tila may libreng almusal dahil sa buhok na nakain.

Sa kanang bahagi ng upuan. Tig-sampu ang pasahero pero waring siyam lamang ang nakaupo dahil kay manong na kung makabukaka ay waring nanonood lamang ng basketball sa sala. Magka-krus pa ang kaniyang mga braso at nakapikit. Hindi masabi kung sadyang makapal lang ba talaga ang kaniyang mukha o hindi lang talaga niya maramdaman ang titig na pinupukol sa kaniya ng katabing hindi na nakaupo ang kalahati ng puwet.

"Para!" sumigaw ang isang ale na may hawak na rosaryo sa tapat ng isang simbahan. Sa biglaang pagsigaw ay nabigla ni manong tsuper ang pagtigil ng jeep.

"Putangina!" napasigaw ito matapos matalisod sa pagbaba. "Ay patawarin nawa!" gulat na bawi niya sa mura.

"Ingat, 'nay!" sigaw ni manong tsuper.

Natawa ang magkaibigang katabi ng ale kanina. Nagtitinginan ang mga ito at nagpapalitan ng mga makabuluhang tingin. Namumula ang mga mukha nila sa pagpipigil ng tawa. 

"Grabe si nanay." pumapalatak pa ang dila ng isang pasaherong may hawak na libro— Mathematics on Modern World. Nakasalamin ito at maayos ang pustura. Sa tantiya ay isang maestro sa isang sikat na unibersidad, kung susumahin ang unipormeng walang gusot at ubod ng puti.

Sa tapat ng isang eskwela ay pumara ang apat na pasahero. Isa ay ang maestro, ang dalawa ay ang magkaibigan, at ang isa naman ay iyong nakaupo sa tabi ng driver.

Until Our Next Story Begin(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon