HTBB 17

14.9K 287 2
                                    

YVES'S POV

Ilang minuto lang nakarating na kami sa bar na sinasabi ni Tyron agad na bumangad sa'min ang maingay na musika

Pumasok kami sa loob at nakita ko ang mga taong nagsasaya may mga nagmemake-out sa sofa, may mga sumasayaw

Dinala ako ni Tyron sa isang private room

Umorder siya ng alak sa waiter at ilang minuto lang ay bumalik na ang waiter dala-dala ang madaming alak

"Ang dami naman niyan, kaya mo bang ubusin 'yan?" Nagaalalang tanong ko

"Who said na ako lang iinom? iinom ka rin" He said

"'Di ako umiinom" Sabi ko

"Tss ba't ka pa sumama sa'kin?" He asked

"Oo nga 'no?" I replied

"Oh" Sabay abot ng shot glass

Ininom ko naman ito, napangiwi ako sa pangit ng lasa ng alak

"Ang pangit talaga ng lasa niyan bwiset" I said then i pout

"Pft kaya mo yan"

Lumipas ang ilang oras nararamdaman kong medyo nahihilo na ako habang si Tyron ayon mas malakas pa sa kalabaw, hanggang ngayon umiinom pa din

"Iihi lang ako naiihi na'ko" Paalam ko

"Kailangan mo ng kasama?" He asked

"Hindi na kaya ko na sarili ko" Sabi ko at tumayo na para pumunta ng cr

Ilang kwarto pa lang ang nadadaanan ko nang may marinig akong ungol, dala na rin ng alak at curiosity hinanap ko kung saan nanggagaling 'yung ungol

Nang marinig ko kung saang kwarto nang gagaling 'yung ungol unti-unti ko itong binuksan at halos magunaw ang mundo ko ng makita ko si Lexus na nakaupo habang may nakapatong na babae sa kanya

Nagsimulang tumulo ang luha ko nang may maramdaman akong bulto sa likod ko nabangga niya ako dahilan para makapasok ako ng tuluyan sa kwarto na yon

"Ay sorry ma'am ba't naman po kase kayo nakasilip sa pinto" Sabi ng waiter

Agad namang napalingon si Lexus at 'yung babaeng kasama niya sa direksyon ko

Nakita ko ang gulat at pag-aalala sa mukha ni Lexus

'Di na'ko nag-aksaya ng panahon at agad na umalis sa kwartong 'yon

'Di ko na alam kung saan ako tatakbo dahil nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha, narinig ko pang tinawag ni Lexus ang pangalan ko pero 'di na'ko lumingon

Nagulat ako nang may nabangga akong bulto

"Sorry" Sabi ko at lalagpasan na sana siya

"Sa'n ka pupunta?" Nag angat ako ng tingin ng marinig ko ang boses ni Tyron

"Ba't ka umiiyak?" 'Di ko sinagot ang tanong niya

"Dalhin mo'ko kahit saan ieexplain ko sa'yo mamaya" Sabi ko habang gumagaralgal ang boses ko

Agad naman niya akong hinila at sinakay sa kotse niya

Nagsimula siyang magmaneho habang ako nakatingin lang sa bintana at nakatulala

'Di ko namalayan na tuluy-tuloy pala ang pag-tulo ng luha ko fuck

Having The Billionaire's BabyTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang