HTBB 2

23.5K 407 1
                                    

YVES'S POV

Ngayon ang unang araw ko sa trabaho. I still can't believe it, sa gano'ng sagot lang nakapasok na'ko. I mean i'm sure na capable naman talaga ako sa inapplyan kong position 'cause if not ba't ako magaapply 'di ba?

Nagsuot lang ako ng above the knee na red dress na hapit sa katawan ko, kita 'yung cleavage ko pero hindi masyadong revealing. Konting ayos lang then boom mukha pa rin akong tanga, kidding I'm gorg

Bumaba na ako ng hagdan para sumabay kila mama mag-almusal

"Good morning" Sabi ko sabay umupo

"Good morning nak it's your first day goodluck" Papa said

"Thank you papa, I'll do my best" I said while smiling

"Oh siya bilisan mo na at baka mahuli ka pa sa unang araw mo sa trabaho" Sabi ni mama

Makalipas ang ilang minuto natapos na rin ako. Agad akong lumabas ng bahay at pumara ng taxi papuntang Vizcaro Inc.

*Vizcaro Inc.*

"Good morning" Sabi ko sabay ngumiti

"Good morning din ma'am" Bati sa'kin pabalik ng guard

"Ah kuya dumating na ba si sir Lexus?"

"Hindi pa ma'am"

"Sige kuya, salamat" Sabi ko at tuluyan nang nag-lakad at sumakay sa elevator

Paglabas ko ng elevator dumeretso na'ko sa office ni sir Lexus para maghanda na ng kape niya. Anytime darating na si sir. It's almost 7am na, I'm sure he's on his way here.

Pumunta ako sa mini kitchen dito sa loob ng office ni sir at nagtimpla ng kanyang kape, habang iniinit ko yung kape naglakad-lakad na muna ako

Pinalibot ko ang paningin ko sa loob ng opisina niya. Ang ganda talaga dito, may isang picture frame ang pumukaw sa attention ko. Isang magandang babaeng mukhang anghel, siguro ito 'yung girlfriend ni sir Lexus. I must admit, bagay sila maganda siya tapos pogi naman si sir tumango-tango pa'ko habang hawak ang picture frame

"What the hell are you doing!?"

Napapitlag ako sa baritong boses na narinig ko 'pag angat ko ng tingin nakita ko si sir na galit

Ow shit Yves, you're doomed

LEXUS'S POV

"What the hell are you doing!?" I yelled

Napapitlag siya sa sigaw ko at muntikan pa mabasag 'yung picture frame na hawak niya

Agad akong lumapit sa kanya at hinablot 'yung picture frame. I looked at her eyes, I know she can feel my anger

"Who the hell told you to touch my things!?" I yelled again

Naka-yuko lang siya

"Pwede ba!? hindi porket sekretarya kita may karapatan ka nang pakialaman 'yung mga gamit ko! what the fu-" Napahinto ako sa sasabihin ko nang marinig ko ang mahihina niyang hikbi

Damn is she crying? stupid Lexus, malamang

"S-sorry sir n-na curious lang naman p-po ako kase ang g-ganda niya" At tuluyan na nga siyang umiyak

Damn it

Lumapit ako sa kanya at itiningala siya, I wiped her tears and then stared at her with no emotions

"Stop crying" Ma-awtoridad kong sabi at nilagpasan siya at umupo sa swivel chair ko

"What's my schedule?" I asked

Agad siyang nagpunas ng luha at ngumiti nang pilit

"Sir you have an appointment to Mr.Chan para sa pag-iinvest niya sa company niyo. It'll be this morning 9am and then in lunch may meeting kayo with board, may ipopropose silang new project para mapataas pa yung sales at 12nn and dinner with your family at 8pm 'yon lang lahat ng appointments mo ngayon sir" Mahabang lintanya niya

"Alright, you'll come with me"

"Yes sir"

"Pati sa dinner with my family sumama ka, ipapakilala kita sa kanila para aware sila sa bago kong secretary"

Napatigil siya sandali at parang hindi makapaniwala sa sinabi ko

"What?" I asked

"W-wala sir, s-sige po" She replied at dumeretso na siya sa desk niya. Habang naglalakad siya ngayon ko lang napansin yung suot niyang dress damn hapit na hapit sa katawan niya. 'Yung cleavage niya kita pero hindi malaswang tignan, naka-heels din siya which suits her dress. I must say she's gorgeous

napatingin ako sa litratong nasa desk ko imissyou.

Having The Billionaire's BabyWhere stories live. Discover now