Chapter 21- Mixed Emotions

Start from the beginning
                                    

It turns out na buong mukha ko na ang nahugasan ko. Ang galaw kasi ng kamay ni Ryder at feeling niya nagdidilig siya ng halaman o mas sabihin na natin na sinasadya niya ang ginagawa niya para mas inisin ako. Tsk. Magkapatid nga sila ni Hunter!

“Tama na, okay na.” sabi ko. Hindi naman siya tumigil. “Okay na nga!”

“Ay sorry.” Tapos ni-off niya ang main gripo nagpasalamat lang kami sa dalawang babae saka bumalik sa kotse.

Pareho na kaming nakasakay sa kotse at akala ko aalis na kami agad. Pero nakatingin lang siya sa unahan at parang walang balak umalis.

“You’re the only girl that I’ve brought here.” Basag niya sa katahimikan. “Lagi akong nandito no’ng nagsimulang layuna ako ni Kuya.” Malungkot niyang sabi. Napatingin naman ako sakanya. Kanina lang ang saya namin pero heto at naramdaman ko agad ang lungkot na nararamdaman niya.

“Alam ni Nanay Mina na isa akong Vampire pati ng asawa niya. Sila ang sumbungan ko sa lahat. Tumanda na sila at heto, ganito pa rin.” Tumawa siya ng pagak.

“Ryder,”

“Pero hindi na ‘yon mahalaga,” bumaling ang tingin niya sa akin saka siya ngumiti. “Sobra akong nagpapasalamat na nakilala kita.” He was sincere, I can feel it.

Ginagap ko ang kamay niya at pinisil ‘yon. We don’t need words. Hindi niya kailangan ng advice. He needs comfort from someone… and that someone is me.

“Me, too.”

Shelby’s POV

“Shelby, pinapatawag ka ng Reyna at Hari.” Sabi sa akin ng isa sa maid namin kaya agad akong pumunta sa bulwagan. Baka itatanong lang nila kung saan si Ryder. Ang alam ko lang kasama niya si Seri.

Pagpasok ko nang bulwagan ay hindi lang si tito Aric at tita Lorelei ang nasa loob kundi kasama ang lalaking miss na miss ko na at bihira ko lang makita.

“Daddy,” mahina kong sambit nang makalapit ako sakanya. Tinanguan lang niya ako at parang casual lang. Masakit? Yes. But I am used to it. Sanay na akong hindi niya ako ina-acknowledge. Pero hindi ko siya masisisi. Namatay ang babaeng mahal niya dahil sa mas pinili niyang mabuhay ako kesa isalba ang sarili.

“Magtatagal ka ba rito, Edric?” tanong ni tito Aric sakanya.

“Yes, lalo na’t nirequest ako ni mommy na dumito dahil sa gaganaping Centennial Celebration of Vampire Clan.” Seryosong sabi ni daddy. Kahit kailan hindi ko pa siya nakitang ngumiti. Not even a bit. Sabi ni lola hindi naman daw ganyan si daddy. Maloko raw ‘yan noon at masayahin. Sa kanila nga raw na magpipinsan, si daddy ang pinaka energenetic at palabiro. Hindi ko nga alam kung ano ang gagawin ko para lang makabalik siya sa dati. pero gagawin ko ang lahat makita ko lang siyang ngumiti.

“Mabuti naman para makasama mo si Shelby.” Nakangiting sabi ni tita Lorelei.

“M-mauna na ako. Marami pa akong aayusin.” Sabi lang ni daddy saka niya kami tinalikuran.

Agad ko naman nakita si tita Lorelei na palapit sa akin. Sandali niya akong niyakap saka hinaplos ang pisngi ko. Hanggang ngayon ang ganda-ganda pa rin ni tita. Sakanya ko rin nalaman kung ano ang ugali ni mommy. Si mommy daw ang nag-iisa niyang best friend.

“Pagpasensyahan mo na si Edric, ha? Hindi lang ata maganda ang mood.” Malambing na sabi ni tita. Napakaswerte ni Hunter at Ryder na mayroon silang mommy na kagaya ni tita.

“Ayos lang po, tita.” Wala na naman akong magagawa kung gano’n ang daddy, eh. Oo noon iniiyakan ko ‘yon pero iba na ngayon. Nasanay na rin ako.

“Kasama raw ng daddy mo ang bunso mong kapatid. Yaya lang ang nagbabantay sakanya kaya puwede kang makipag-bonding sakanya.” Sabi ni tito Aric kaya natuwa naman ako na malaman na nandito ‘yung kapatid kong si Lyron. He was 12 years old at sobrang cute na bata. Magnet nga agad ng vampirettes eh.

“Sige po, tito, tita. Pupuntahan ko muna si Lyron.” Tumango naman sila saka ako lumabas ng bulwagan.

Nasa hallway ako ng kaharian at mabilis na naglalakad nang may nakita akong rebuto nang isang lalaki sa kalayuan. I narrowed my eyes para kilalanin kung sino ‘yon at laking gulat ko na makita kung sino ‘yon. Napahinto ako kaya siya na ang kusang lumapit sa akin.

“Hunter? Nandito ka na agad?”

“Yeah. Where is she?”

Xxx

Hi guys, gusto ko lang sabihin na sobra kong naappreciate ang effort niyo sa pag comment, really. :) sa mga nanghuhula diyan—ehem! Hahaha okay lang ‘yan. Sasakit lang ulo niyo.

Dedicated to kay @InfiniteMyLove. Natuwa ako sa comment niyang “hindi ako pipili kay Ryder at Hunter dahil alam kong may twist ang kwentong 'to kagaya ng book 1 and 2. Matyaga akong magbabasa at magtitiwala sa author dahil alam kong may maganda siyang plano para sa story na 'to. Kahit kasi may mga fragments of memory na naalala si Seri, hindi pa rin yun basehan para masabi natin na 'yon na. I am reading between the lines. Kudos to ate thy. :) Ang galing­galing. PS: Laging malakas ang heartbeat ng puso ko kapag nagbabasa ako ng Vampire story ni ate thy”

GOODNIGHT GUYS! Muwaah!

-Ate Thy

Vampire City 3: Crimson LoveWhere stories live. Discover now