Chapter 21- Mixed Emotions

Comenzar desde el principio
                                    

“Pupunasan ko na lang.”

“Ako na,” kumuha siya ng panyo sa likod ng bulsa niya saka pinunasan ang kamay ko. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti pero agad din naman akong nakaramdam ng inis ng maalala kong madami siyang babaeng dinala rito. Agad kong binawi kamay ko saka ko siya sinamaan ng tingin.

“Uubusin ko lang ‘to saka tayo umalis na.” sabi ko saka ko siya nilagpasan para pumunta sa parking area kung saan naka-park ‘yung sasakyan.

Naramdaman ko naman na nasa tabi ko siya at kasabay ko ng naglalakad. Useless kong uunagan ko ulit siyang maglakad kasi mahahabol lang naman niya ako. Ako pa ang mapapagod.

“Inis ka ba sa akin?” inosente niyang tanong.

“Hindi,” sabi ko saka umirap.

“Hindi pero ‘yung mukha oo.” Tapos inakbayan niya ako.

“Ano ba! Kamay mo nga!” inilayo ko sarili ko sakanya pero agad din naman niya akong nabawi palapit sakanya.

“Bakit ka nga inis sa akin?”

“Hindi nga ako inis sa’yo, okay?!” hinarap ko siya saka ko nilagay ang kabilang kamay ko sa bewang ko. Nakita ko siyang nakangisi at parang aliw na aliw sa inaasta ko. Nakakainis.

“Selos ka ‘no?” sabi niya tapos ginalaw-galaw ang kilay.

“Asa!”

“Haha, buking ka na, eh! Nagseselos ka no’ng sinabi kong madami akong dinalang babae dito.”

“Hindi kasi!” sa sobrang inis ko sinaksak ko ang ice cream sa dibdib niya kaya nagkaroon ng mantas ang damit. Agad ko rin namang pinagsisihan ang ginawa ko kaya kinuha ko ang ice cream pero nalaglag ito sa lupa kasi nadulas sa kamay ko.

“Sorry,” napatingin ako sakanya at kit akong nagseryoso ang mukha niya. Hala. Under the belt ata ‘yung ginawa ko. Iba pa naman daw magalit kapag mabait.

“Bad move.” Pagkasabi niya noon ay bigla siyang ngumisi. Akala ko kung ano ang gagawin niya pero bigla niya akong niyakap at napasubsub ang pisngi ko sa may ice cream niyang damit. Ugh. Malagkit.

“Ryder!” I shrieked dahil sa ginawa niya. “Ang lagkit. Ayoko na!” panay naman siyang tawa.

“Aminin mo munang nagseselos ka.” Sabi niya kaya mas lalong akong nagpumislag. Kalat na kalat na ang ice cream sa pisngi ko. Nakakainis siya!

“Ayoko! Hindi ako aamin!”

“Ah gano’n?” mas hinigpitan niya pagyakap sa akin.

“Ahhhh! Ryder! Oo na! Aamin na!” bwesit na vampirang ‘to! parang hindi prisepe kung umasta. Pasalamat na lang kami nasa labas kami ng portal.

“That’s what I thought.” Binatawan niya ako pero ngingisi-ngisi pa rin ang gago. Nakakapikon.

“Ugh! Look what you’ve done!” pinunasan ko ang pisngi ko gamit ang kamay ko pero natuyo na ang ice cream at sticky na rin sa kamay. Ang weird sa  feeling.

“Hahaha. Tara huhugasan natin ‘yan.” Hinila niya ako papunta sa ice cream parlor. Akala ko papasok kami pero pumunta kami sa gilid ng barn at nakita kong may vegetable garden doon at may dalawang babae na kasalukuyang naglalagay ng abono para sa gulay.

“Mga miss, puwede ko bang mahiram ‘tong hose? May huhugasan lang kami.” Nakangiting paalam ni Ryder sa dalaw.

“Ay sige po, kuya.” Sagot naman no’ng babae.

Kinuha ni Ryder ang hose at tinapat sa mukha ko. Ibinaba ko ng bahagya ang ulo ko para hindi mabasa ang damit ko. May controller naman ang hose kaya hindi malakas ang tubig.

Vampire City 3: Crimson LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora