Chapter 21- Mixed Emotions

Magsimula sa umpisa
                                    

“What is your plan?” he asked. Instead of answering ay ngumiti lang ako sakanya. I’m still thinking about it. At sana good plan ang maisip ko.

Ryder brought me to a country side Ice cream parlor. It was a cow farm na may Ice cream parlor gawa sa fresh milk ng cows ng may-ari. ‘Yung shop ay napaka cozy. Sa labas ay para siyang barn pero kapag pumasok ka ay isang malaking ice cream parlor at may mga mini table. Konti lang ang tao pero halatang dinadayo sila kahit malayo.

Si Ryder ang nag-order sa akin ng ice cream kasi treat niya raw. Isang Mascarpone Cheese ice cream ang inorder niya at nakalagay sa malaking wafer cone na may tissue.

“How did you know this place?” I asked habang papalabas kami sa shop. Umupo kami sa dried Hay na sinadyang gawing upuan para sa customers. Kahit mainit ang panahon eh okay lang kasi may lilim naman ng puno. Kaya nga naka shades nanaman si Ryder, eh. nagmumukha siyang artista kapag ganyan ang porma niya.

“Ah. Dito ko kasi dinadala ang mga naging girlfriends kong mortal.” Nakangiting niyang sabi. Muntik na akong mabilaukan sa sinabi niya.

“Girlfriends?! With s? madami?!” nakasimangot kong sabi. Aba at Casanova pa ata ang unggoy na ‘to. the nerve na dalhin niya ako dito! Hah! Idadagdag niya pa ako sa listahan niya sa mga babae niya!

“Oh? Bakit ganyan ang hitsura mo? Bakit namumula ka?” sabi niya. Tinuro niya pa pisngi ko.

“Wala! Rosy cheeks lang talaga ako!” inis kong sabi saka tumayo nang padabog. Nakakainis siya.

“Teka, Seri!” tawag niya. Hindi ko siya pinansin at panay lang ang lakad ko kahit hindi ko na alam kung saan pa ako pupunta. Basta ang alam ko nainis ako sa sinabi niya.

Nakarating ako sa likod ng Ice cream parlor at nakita ko kung gaano kalawak ang farm na ‘to. May mga putting cow at ‘yung parang nakikita ko lang sa New Zeland. May isang matandang lalaki na nagbabantay at parang nakasuot ng cowboy suit. Napangiti lang ako sa nakita ko. Pinalaki ako sa isang City kaya nasanay ako sa matataas na buildings, sasakyan, City lights and gadgets. Pero eto, this is definitely not what I have grew upon.

“Ano’ng mapaglilingkod ko sa’yo, magandang binibini?” napalingon ako sa nagsalita. Isang matandang babae na may bandana sa ulo at apron sa bewang.

“A-ah. S-sorry po. T-trespassing po ba ako?”

“Hindi naman, hija. Ikaw ba ‘yung kasama ni Ryder?” nagulat namana ko kasi kilala niya si Ryder. Ah oo nga pala. Nagdadala siya ng mga babae niya dito. Playboy!

“Opo. Kaibigan ko po.” Nakangiti kong sagot.

“Mmm, lagi ‘yan nandito noon. Paborito niya ang hawak mong ice cream.” Napatingin ako sa hawak ko. I smirked. Eto rin siguro ang pinapakain niya sa babae niya kasi imposible namang kainin niya ‘to kasi ‘di naman siya kumakain.

“Kayo po ba ang may-ari?” sabi ko. Tinutukoy ko ang buong farm. Ang ganda kasi rito. Napaka fresh ng hangin.

“Kami ng asawa ko.” Sabi niya tapos tumingin doon sa lalaking nagbabantay ng mga baka.

“Mmm,” napatango lang ako sakanya. Tumingin naman siya sa wrist watch niya saka nagpaalam.

“Kapag nakapunta ka ulit dito, magkwentuhan tayo.” Sabi niya bago tuluyang umalis.

“Sige po,” sabi ko. Hinatid ko siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa pangin ko. I will definitely going to come back here.

“Seri!” napalingon naman ako. Nakita ko si Ryder na patakbong lumapit sa akin.

“Oh?” inirapan ko siya.

“Pinapatunaw mo lang ‘yung ice cream sa kamay mo, eh!” pagalit niyang sabi kaya napatingin ulit ako sa ice cream ko. May mga tumulo nang nagkalat sa kamay ko. Ugh. Ang lagkit na tuloy.

Vampire City 3: Crimson LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon