CHAPTER 2: New Friend ( I guess?)

5 0 0
                                    

"I'm not breaking every boys heart. Its just that, I don't want to play games on my own feelings. -Dessy Shin
________

Naglakad-lakad lang kami sa campus ni Kien dahil mamaya pa namang 2 pm yuhg class namin. Then suddenly may narinig kaming inggay.

"Hey! Loser tumabi ka nga sa dinadaan namin."

"Yeah! Get lost you pathetic little thing."

"Gahd! ang pangit-pangit mo. Dorky masyado."

"Yeah! What a pathetic dork. No sense of style."

Yan yung mga masasakit na mga salita na nadinig ko kaya pumunta sunundan ko yung mga boses na iyon.

"Hey! Stop bullying him." saway ko sa kanila

"Ohhh! Nandito na pala ang dakilang 'Heart Breaker' sa campus." sabi nung naka red na babae "Guys, tumabi kayo dahil baka ayawin tayo ng mga dakilang manliligaw niya." sabi niya at tumabi sa gilid

"Yeah! Let's give way to the 'Heart Breaker'" sabi naman nung naka blue

"Ohh! ayan na yung isa niyang manliliga- oops... I mean ex pala niya." sabi nung naka white then may tinuro siya

"Ok guys! alis na tayo baka ayawin pa tayo nung guy. Sayang gwapo pa naman sana kaso pumatol lang sa malanding bitch." sabi naman nung naka black

"Ciao bitch and pathetic loser." sabi nilang apat at umalis na at ako nanahimik nalang para wala ng gulo

"Uip... Des ok ka lang?" tanong sa akin ni Kien

"Bakit ako yung tinatanong mo? Tanungin natin tong lalaki ohh." Sabay turo sa lalaki

"Are you ok?" tanong ko sa kanya sa lahad ng kamay ko dahil nasa lapag siya. Siguro tinulak-tulak nung mga laitera kanina

"Yes, I'm fine miss. Salamat." sabi niya

"Yo! Des don't talk with the loser. Baka mahawaan kalang niyan." sabi ni Jake, ex ko "And you dork, stay away with my girl." sabay akbay sa akin at dinuro-duro yung kawawang lalaki

"Stop calling him dork." sabi ko sa kanya at inihiwalay ang pag aakbay niya sa akin "And stop calling me your girl dahil matagal na tayong tapos. Siguro din tama na breanek-kan kita dahil lumalabas na ang tunay mong kulay."

"Let's go!" sabay kung hinila yung lalaki " Kien hali kana baka mahawa ka ng masamang virus na kumakalat ngayon sa campus." at sumunod din namin siya

Nandito nga pala kami ngayon sa park ng school kasi walang masyadong pumupunta dito sa mga oras na ito.

"Ok ka lang ba? Sorry dun sa sinabi ni Jake ha,'wag kang maniwala dun." sabi ko sa kanya at ngumiti

"I'm fine and you don't have to say sorry kasi hindi naman ikaw yung nanlait sa akin." sabi niya sa akin at ngumiti "Thank you pala sa ginawa mo kanina even though I'm just a nobody. " sabi niya ulit at ngumiti nanaman

"Alam mo, gwapo ka kung tatanggalin yung glasses mo. Maganda yung ngiti mo." sabi ni Kien "Ano pala pangalan mo?" siya ulit yan

"I'm Sam Diether Cax Fabro or you can just call me Sam for short."

"Wow! dakila ka palang englishero. Ako nga pala si Kienna Marie, Kien for short." sabi ni Kien "And ang dakila mong hero ay si Dessy Shin, short for Des." at pinakilala ako

"Well it's nice to meet you Kien and Des." at inilahad niya yung kamay niya sa amin

Kinuha naman yun una ni Kien at nag shake hands sila tapos ako yung sumunod.

"Alam mo... for my opinion, hindi ka naman mukhang nag papaapi." si Kien ulit yan "Pero ba't ka ba nag papa-api?" siya ulit yan (dakilang usisera niya noh)

"Well as a matter of fact, I don't want to fight with girls. Mas okay nalang kung ako yung nilalait kaysa ako yung makapanakit sa kanila."

"Then why didn't you stood up with Jake?" tanong ko naman sa kanya

"Kasi alam ko na siya yung anak ng may-ari ng school at isa lamang akong hamak na scholar at pwede niyang ipawala yung scholarship ko."

"Hmmm.... kaya pala." si Kien ulit yan "Mukha ka namang mabait. Friends na tayo ha." sabi niya at nginitian si Sam "Ok lang ba Des?"

"I guess so." tipid kung sagot "Well... Sam malapit ng mag 2 pm, mauna na muna kami sa iyo." sabi ko sa kanya

"Sabay na tayo." sabi niya

Wow! FC niya masyado huh. Pero ok lang din naman.

So, ayon nga at sabay na din kaming pumanta sa building 3 for Business Management course.

Third Person

Mga 10 minutes din na naglakad silang tatlo papuntang building 3 at nakarating na din sila sa room nila.

Sa hindi din inaakala ay kaklase pala nila Des at Kien si Sam sa English Lit.

"Halaka! Magkaklase pala tayo?" pabigla na tanong ni Kien

"Ahh oo." tipid na sagot ni Sam

"Ba't di ka namin nakikita?" ang makulit na si Kien ukit yan

"Kasi dun ako nakaupo ohh..." at sabay turo ni Sam sa pinakadulo sa room nila.

Sam's P.O.V.

So, ganito pala talaga noh kung isang nobody, walang nakakakita sayo. Na para bang invisible ka, pero ok na din atleast may kaibigan din naman ako.

Medyo makulit nga din itong si Kien ehh. Lagi tanong ng tanong, pero ang kyeopta (cute) niya. Si Des naman ay tahimik lang pero mabait naman siya dahil nga diba siya yung nagligtas sa akin.

First time ko din naranasan na ipagligtas ng isang babae at hindi lang isang ordinaryong babae huh! Kundi yung binansagan na the 'Heart Breaker' sa Frozen University. Pero sa tingin ko naman ay mabait siya at siguro di niya lang gusto yung mga lalaking iyon kaya di niya sinasagot.

Masaya din pala sa feeling na magkaroon ng---

"Mr. Fabro can you repeat the things I've said earlier."

"P-po!?"

"As I've said, repeat the things I've said earlier." galit na po ata to si prof.sa english lit.

So, ayon sinabi ko ulit ying sinabi niya.

"As I've said, repeat the things I've said earlier." yan yung sabi ko at ginaya ko pa ang boses ni mr. prof.

At ayon tawa lang ng tawa yung mga blockmates ko. Sina Kien at Des naman ay nakatitig lang sa akin at halata na hindi nila ito inaakala na ganon yung isasagot ko sa prof. namin.

Actually, first time kong gawin yan dito sa Frozen University. For real.

____

"Wow! Dork bilib na ako sayo, nabara mo si mr. sungit prof, eh." at oo tama kayo nang basa sungit ang tawag nila dun sa eng. prof namin.

At ngumiti nalang ako bilang sagot. Ayaw ko masyado sa mga katulad nila. Tss...

Dessy's P.O.V.

Grabe nagulat talaga kami ni Kien sa pagsagot ni Sam nang ganoon. Di talaga namin inaakala yun, like ganito yubg mukha namin ○_○ habang nakatitig sa kanya.

"Hahaha! Ang cool pala ha- ni Sam noh, first time yun ha- na may mambara haha- kay english prof." sabi ni Kien habang tawa parin ng tawa. Tss... di maka get over si Kien.

_____________
AN : Don't forget to vote and comment :) yun lang kailangan ko sa inyo.

Du har nått slutet av publicerade delar.

⏰ Senast uppdaterad: Dec 11, 2015 ⏰

Lägg till den här berättelsen i ditt bibliotek för att få aviseringar om nya delar!

AdorkableDär berättelser lever. Upptäck nu