Palabas na ako ng room ng lapitan ako ni Seb

"sige una na ako"

"asan boyfriend mo? Di ka ba niya ihahatid?"

"di mo ba narinig sabi niya kanina nung nasa canteen tayo? Di niya daw ako mahahatid may practice ng basketball"

Kinuha niya yung bag ko at lumabas na

"oy Sebastian yung bag ko!"

"halika na ihahatid na kita, napaka iresponsable ng boyfriend mo"

Sumunod naman ako sa kaniya

"eh may praktis nga siya diba?"

"kahit na mas importante ba ang baskeball kesa sayo? Isa pa bilang boyfriend responsibilidad niya na siguraduhin ligtas kang makakauwi sa inyo"

"okay ikaw na perfect boyfriend asan ba girlfriend mo?"

"nandito" sabay turo sa dibdib niya

"sira, mahal mo ba si Emman?"

"Oo" sabay ngiti sa akin, para namang may kumurot sa puso ko ng marinig ko ang sagot ni Seb. Ang weird :/

Kinuha niya ang kamay ko at may naramdaman naman akong parang kuryente kaya agad kong hinigit pabalik yung kamay ko

"bakit?" -Seb

"ah wala, halika na"

Nakarating na kami sa bahay "wala si mama"

"samahan muna kita?"

"hindi na, okay lang sanay na naman akong mag-isa sa bahay"

"wala ka atang tiwala sa akin eh, wala naman akong gagawin masama sa iyo"

"loko! Sige na nga pumasok ka na kung anu-ano pa sinasabi mo eh"

"di mo pala ako matiis eh"

"naawa lang ako sa iyo nu, gusto mo ipagluto kita??"

"sige"

Nagluto naman ako ng sinigang at kumain na kami ng dinner

* ding dong *

"bubuksan ko lang yung pinto baka si mama na yun"

"take your time"

"dumaan lang ako"

"kumain ka na ba? Nagluto ako kain ka muna"

"sure"

Pumunta kami sa kusina

"bakit nandito siya?"

"siya yung naghatid sa akin pauwi eh"

Hinila ako ni Jaxon papunta sa sala

"ayokong makakasama mo si Seb"

"bestfriend ko siya ano ka ba naman"

"nagseselos ako sa closeness niyo, nung naghiwalay tayo at nakikita ko kayong magkasama nagseselos ako. Gusto ko siyang suntukin pero wala akong karapatan. Maegan pls layuan mo na siya"

Niyakap ko si Jaxon "gagawin ko para sa iyo"

Hindi lang para sa kaniya para din sa sarili ko, may kakaiba kasi akong nararamdaman sa kaniya na alam kong hindi tama. Kaya siguro susundin ko na lang ang sabi ni Jaxon lalayo ako kahit mahirap.

**

Kumakain ako ng chocolate sa rooftop

"want some more?"

Agad naman akong tumayo nung at naglakad palayo ng makita ko si Seb

"teka may problema ba?"

Umiling lang ako at nagpatuloy sa paglalakad

"kumakain ka ng chocolate ibig sabihin may problema ka"

"wala nga!"

Dumating si Jaxon, buti na lang

"Pre, may problema ba kayo ni Maegan? Kumakain kasi siya ng chocolate eh"

"it's none of your business"

Biglang sinuntok ni Seb si Jaxon

"bastos kang sumagot ah, baka nalilimutan mo bestfriend ako ng girlfriend mo"

Bigla din naman sinuntok ni Jaxon si Seb at nagpalitan sila ng suntok

"tumigil nga kayo!"

Napatigil naman sila at napatingin sa akin

"para kayong bata"

"sorry panget, siya naman nauna eh"

"kung sumagot ka lang sana ng ayos eh di sana hindi kita nas..."

"tama na okay?"

Umalis na kami ni Jaxon "teka Maegan!" -Seb

"what now?!"

"kapag pinaiyak ka niya ulit sabihin mo sa akin mas grabe pa sa galos ng mukha ang gagawin ko sa kaniya"

"hindi ko na ulit siya paiiyakin, halika na" -jaxon

**

"A-aray dahan-dahan naman"

"sorry, sa sususnod ayoko ng makikipag suntukan ka ulit"

"hindi na po"

"Bakit mo pa kasi pinatulan?"

"Ewan. Dati pa naman ayoko na sa kaniya eh"

"Pero bestfriend ko siya"

"Alam ko. Pero sa palagay mo ba yun rin tingin niya sayo?"

Napatigil lang ako sa tanong niya, alam ko naman Hindi magbabago yung tingin niya sa akin eh. Pero ako ba ganoon din sa kaniya?

Hinawakan niya yung kamay ko na nag gagamot ng sugat niya at tsaka niya hinawakan ang pisngi ko at dahan-dahan nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Bago pa man niya ako mahalikan nilayo ko kaagad ang mukha ko.

"Maegan, tapatin mo nga ako mahal mo pa ba ako?"

"Jaxon ano ba nama..."

"sagutin mo na lang ako!"

Tumulo na lang bigla ang luha ko, ito ang unang beses na pinag-taasan niya ako ng boses

"s-sorry" pinunasan niya ang luha ko at tsaka ako niyakap "sorry Maegan"

**

"ano ba tong pakulo mo Jaxon, may blind fold ka pa"

"basta"

After 5 minutes ng paglalakad inalis niya na ang blind fold ko nandito kami sa garden nila, sa gitna yung table at dinner na nakahanda para sa amin dalawa, sa may pool naman may red balloons na naka form na "sorry"

"alam kong galit ka dahil sinigawan kita kahapon"

"naka ilan sorry ka na"

"hindi ako titigil kakasorry hanggang hindi mo ako pinapatawad"

"apology accepted" then I smile

We are about to kiss each other when

*boom boom boom* (fireworks yan XD)

I look above the sky and see what fireworks say "I love you Maegan" kasabay ng pagbasa ko dito ay ang pagsabi din ni Jaxon na mahal niya ako

"I will never let you go again Maegan, I promise" then he kisses me on my forehead and hugged me

Happily Ever After is just for Fairytale (ongoing)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang