Chapter 15:Threat

51 2 0
                                    

Chapter 15

KAKAGISING ko lang at napansin ko na walang na ang kalat na gawa namin ni queen kagabi. Siguro ay naglinis muna si duke bago kami iwan ni queen kagabi. Queen and I were drunk last night at hindi na ako magugulat na alagaan kami ni duke dahil 'yon naman lagi ang kaniyang ginagawa pag nag-iinuman kami.

Hindi ko na muna ginising si queen dahil ayaw niya 'yon. Magluluto sana ako ng kakainin namin ni queen at para matanggal ang hang-over ko pero may nakalapag na sa mesaat panigurado na galing kay duke 'yon. Hindi ko mapigilan mapangiti nang basahin ang sulat sa tabi nito,

Pinagluto ko na kayo, kaya initin mo nalang. Huwag niyong kalimutan uminom ng gamot para sa hang-over niyo. – duke

Mahina akong umiling at binuksan ang niluto niya sa amin, soup lang pala na crab and corn. Akala ko naman bongga ang niluto niya. Kinuha ko ang soup at ininit 'yon. Hininaan ko muna ang apoy dahil kukunin ko ang phone ko sa kwarto. Baka tumawag sa'kin sila Kianna. Well, Kianna is my sister by blood but not by surname. Masyadong mahaba ang kwento naming magkapatid kaya ayoko ng kwento. Kayo na bahala mag-isip kung paano nangyari 'yon, basta kapatid ko siya periodt.

Pagkakuha ko ng phone ay pinatay ko na rin yung iniiinit kong soup. Umupo na ako at binuksan ko ang messages ko, hindi 'nga ako nagkamali dahil may text doon si Kianna.

From: Kianny

Wedding ko na next week and sa palawan gagawin, Thyra. See you, bring your man :*

Napangiwi ako sa huling sinabi ni Kianna, bring my man? The fuck, Kianna.

"Good morning, duchess" bati sa'kin ni queen kalabas niya ng kwarto, tinanguan ko lang siya at umupo ito sa harapan ko.

"Ikaw nagluto?"

Umiling ako, "it was duke"

"God, hang over" at minasahe niya ang kaniyang ulo

"May gamot sa taas ng ref" tumango si queen at nagsimula na kumuha ng soup

"Are you available next week?" I asked her, ayoko naman pumunta sa kasal ni Kianna na ako lang mag-isa.

"why? Magpapasama ka?"

Tumango ako, "Kasal ni Kianna next week"

"at kanino naman siya ikakasal? 'don sa koreano na 'yon?" Tumango ako

"Seryoso na ba siya na magpapakasal siya doon? I mean niloko siya diba?"

"Hindi 'man ako boto sa koreanong 'yon, wala pa rin akong karapatan na pangunahan si Kianna. That's her life, at kung niloko man siya ulit 'non then I'll kill him for hurting my sister again"

"Aww, that's so sweet naman, duchess. So where's the venue?"

"Sa palawan daw"

"Diba doon ka namalagi 'nong nagcrash yung sinasakyan niyo ni duke? Omg, memories bring back memories bring—" I cut her off because she's too loud

"Umagang-umaga ang ingay mo, parang wala kang hang-over"

Ngumiti si queen at tumingin sa'kin ng maigi, "well, I checked my phone earlier and there's no sign of that turtle"

"Do you mean Michael Angelo?"

Tumango ito, "Yes at sigurado ako na nilubuyan na niya ako" at humagikgik pa ito

Nagkibit balikat ako sakaniya, "baka hanap-hanapin mo ang pagkukulit niya sa'yo"

Ngumiwi siya, "yuck, ako? My god, hindi ka ba kinikilabutan sa sinasabi mo, duchess?"

"sana hindi mo kainin ang sinasabi mo ngayon, queen." She just rolled her eyes and we continue eating.

PINAUWI ko na muna si queen at nag-iisa ulit ako dito sa penthouse. Naligo ako para mawala na ng tuluyan ang hang over ko at nagpplano ako ngayon na ayusin ang papeles ni mom at dad para makabalik sila dito sa pinas.

Hindi ako mapapanatag na wala silang kasama sa states, lalo na nagbabalik na si Jericho. May mga bantay man sila 'don, hindi pa 'rin 'yon sapat para maging ligtas sila dahil si Jericho Francisco ang pinag-uusapan dito at hindi kung sino man. He is a dangerous man, and we all know what can he do with his bare hands.

Tinawagan ko si dad dahil hindi ko naman makakausap ng maayos si mom dahil may alzheimer's na siya and its getting worst day by day. Hindi na 'nga niya ako masyadong makilala, nakakalungkot pero panatag pa rin ako na nandito pa siya. She's fighting for her life even though its hard.

"How's mom, dad?" I asked him while checking my email, "sigurado kana ba na babalik kami diyan, Thyra? You know that your mother's condition is getting worst. Baka hindi niya kayanin ang byahe pabalik diyan"

Kinagat ko ang labi ko, "kailangan nandito kayo, dad. Hindi ko kayang mawala kayo sa paningin ko lalo na..." hindi ko matuloy dahil alam kong kakabahan din si dad pag nalaman niyang nagbabalik ang sumira ng royalty noon.

"pwede naman na ikaw nalang dumalaw dito diba? Will you be busy?" hindi ako nakasagot, alam ko naman kasing imposibleng mapapabalik ko sila dito dahil iba na ang kondisyon ni mom.

"f-fine...h-hindi na" and I sighed in defeat.

"I hope you understand, iha. Gusto ka man makasama ng mommy mo pero lumalala na ang kondisyon niya."

"naiintindihan ko, dad. Sorry for being selfish"

"it's okay, iha. Kianna called earlier. She's getting married?"

"yes dad. Sa palawan ang venue"

"send her our regards, iha. Balak din niya dalawin kami dito pagkatapos ng kasal niya. She's hoping that her man can meet Luisa"

"She will be, dad. She will"

"Mag-iingat ka diyan. Napasobra ata ang pagpapabantay mo sa amin dito na para bang may papatay sa amin" and he laughed

Natahimik ako, "huwag mong sabihin na may nakaaway ka nanaman, anak?"

Mapait akong ngumiti, "ano ka ba, dad. Mukha bang basagulero ang mukhang 'to?"

"Well, you're part of the royalty at kasama mo pa sila Empress lagi. Knowing them, they always fight"

"sometimes lang dad, grabe ka naman sa always. "

"if you say so, ibababa ko na 'to kailangan ko pang alagaan ang magandang asawa ko"

I laughed, "ang harot mo talaga, dad. Kiss mom for me...."

We bid goodbyes and hanged up. Bumuntong hininga ako at kinancela na ang private plane na nakaplano sana kina dad. I guess I need to visit them tomorrow.

Napatigil ako nang tumunog ang doorbell kaya't tumayo ako sumilip muna sa peep hole. Kumunot ang noo ko dahil wala namang tao sa labas. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at nilibot ang paningin ko ngunit wala naman akong makitang tao.

Napansin ko lang na may box sa paanan ko, at sino naman ang mag-iiwan ng ganito at sa harap pa ng penthouse ko? Kinuha ko 'yon at mahinang inalog, walang letter or what. It was just a plain box. Dahan dahan kong binuksan ang box at pagkakita ko palang ng laman ay nanginig ang buong kalamnan ko lalo na ang kamay ko kaya nahulog ang box.

It was a box full of the latest pictures of my parents in the states with fucking blood.

Kinuyom ko ang kamao ko at kinagat ko ang labi ko ng mariin,

"don't you dare touch my parents, Jericho..." mahinang usal ko

Royalty 1: DuchessWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu