Ibinaba niya ang kamay at diretsong tumingin sa 'kin. Is it me or there is really a hint of sincerity in his eyes?

"How are you feeling?"

Biglang nag-init ang pisngi ko. Ang lapit na naman niya. At kailan pa siya naging ganito ka-concern? Huh, baka nant-trip na naman 'to.

Pasimple akong umayos ng upo at sumandal sa headboard ng kama. "A bit dizzy.. and hungry. Other than that I'm fine."

Tumayo siya at inayos ang kanyang damit. Pagkatapos maisuot ang itim niyang cloak, naglakad siya papunta sa pintuan.

"Stay there. I'll prepare your breakfast." Bumukas ang pintuan pero bago lumabas, muli siyang humarap sa 'kin.

"And if you do mind, fix yourself. Remember to wear your mask, Fourth."

Narinig ko na lang ang paglapat ng pintuan. Tsk, maganda pa rin ako kahit na hindi ko ayusin ang sarili ko.

Naibuga ko na sawakas ang hanging kanina ko pa pinipigil. Halos nawawala na ang tensyong unti-unting nabubuo simula nang makita ko ulit yung mga mata niya. Napahawak ako sa dibdib ko, mabuti naman at nagiging normal na ang heartbeat nito.

Naiiling na lang ako sa sarili ko. Para lang akong baliw kanina. Ugh, nakakahiya.

Sinunod ko rin ang sinabi ni Blizzard, tutal wala kami sa palasyo ngayon at mukhang nasa isang lugar kami sa underground. Pagkatapos ng morning rituals ko, inayos ko ang kama at huling-huli kong nilagay ang asul kong maskara.

Maya-maya, pumasok si Blizzard na may dalang tray. Kasunod niya si Sara, yung ininterview namin kagabi tungkol sa misyon.

"Magandang umaga po, Master Fourth." Magalang na bati niya na sinabayan ng pagyuko.

"Good morning."

"Maayos na po ba ang pakiramdam niyo, Master Fourth?" tanong nito.

"Mm! And I want to express my gratitude for taking care of me. Is there anything you wish for?"

Sunod-sunod na iling ang ginawa ni Sara. "Naku, wag na po Master Fourth. Wala naman po akong halos nagawa para sa inyo kundi ang magbigay ng gamot. Ang totoo po niyan, si Master Fifth po talaga ang nag-alaga sa inyo. Buong gabi po siyang naka-antabay sa inyo."

Napatingin ako kay Blizzard. He looked away and occupied himself with the breakfast he made.

Muli akong tumingin kay Sara at ngumiti, "But still, thank you for everything."

"Ah, wala po iyon, Master Fourth. Karangalan ko pong makapagbigay serbisyo sa mga nakakataas."

Blizzard cleared his throat at umayos ako ng upo nang makitang hawak-hawak niyang muli ang tray. Ipinwesto niya ito sa harap ko. Mm~ smells so good.

"Ah sige po, Master Fourth, Master Fifth. Dumaan lang po ako para ibigay itong gamot at para kamustahin si Master Fourth. Maubos lang po itong laman ng bote, tuluyan na pong gagaling ang Master."

"I see," sagot ni Blizzard at kinuha ang bote kay Sara. "Thank you."

"Sige po, excuse me po."

Pagkatapos lumabas ni Sara, umupo si Blizzard sa tabi ng kama, nakaharap sa 'kin at mukhang may balak na panoorin akong kumain.

"Hindi ka pa ba kakain?" tanong ko.

Bahagya siyang umiling. "I'll take care of myself. Eat your breakfast."

Hmp. Bahala siya, basta ako kakain.

Sinimulan ko nang lantakan ang kanin at ulam. It's a simple breakfast yet why does this taste so good? It's pretty tasty.. No. It is definitely first-class, fit for a royalty.

Stella Royal GamesWhere stories live. Discover now