Chapter 6

14 1 0
                                        

JV

Nandito ako sa reading area, nagpapalipas ng oras nang may biglang tumawag sakin.

“JV.”

“Ryan? Bakit nandito ka?”

“Wala lang, nagugutom ako eh.”

“Ha? Eh bakit hindi ka kumain? Haha.”

“Kaya nga ako nandito, kakain ako.”

“Eh bakit wala ka namang dalang pagkain, ano kakainin mo?”

“Ikaw.”

“HA? Anong ako? Nababaliw ka na ba?”

“Hindi, ang totoo nyan JV, aswang ako, at ikaw na lang ang tao dito.” ngumisi siya at tiningnan ako ng masama.

Tumingin ako sa paligid at nakakita ako ng ilang mga esudyante na nakahandusay kung saan saan, nababalot ng dugo. JUSKO PO. Sa sandaling iyon naramdaman kong tumayo ang balahibo ko sa buong katawan. Bumilis ang tibok ng puso ko. Agad agad akong tumayo at sinubukang tumakbo palayo, subalit nahabol niya ako agad at hinawakan sa leeg.

“Wala ka ng matatakbuhan, magpaalam ka na HAHAHA.”

Kakagatin na niya ko nang bigla akong napatayo sa pagkakaupo ko.

“JV, okay ka lang?” – Ryan. Nasa harapan ko siya.

“ASWAAAAAAAAAAANG!!!” kinuha ko ang notebook na nasa ibabaw ng desk ko at pinagpapalo ko sa kanya. “Aswang! Aswang!”

“Aray ko! Ano ba JV?! Aray!”

Sunod kong nakita ang isang ballpen at itinutok sa kanya. “Subukan mong lumapit! Sinasabi ko sayo ibabaon ko to sa mukha mo!”

“HAHAHAHAHAHAHAHAHA! Hoy JV! Nananaginip ka na naman!” – Miko

“Hoy ibaba mo nga yang ballpen at baka makapatay ka.” – Pao

Galing sa labas sila Miko. Ha? Nananaginip ako?

“Hahahahahaha! Grabe! Nakakatakot naman managinip ‘to! Nananakit!” – Ryan

At napuno ng tawanan ang buong room. Grabe. Nakakahiya na namaaaaan! Natulog nga pala ko! Vacant kasi namin ng 1 and a half hour, at dahil nga maaga akong pumasok ngayon, natulog muna ko para makabawi.

“Nako, sorry!” sabi ko kay Ryan.

“Hahaha, okay lang. Pero seriously? Aswang? Hahahaha,” sagot niya sakin.

“Nako, masanay ka na. Weird kasi kung managinip yang si JV, at minsan ‘pag ganyang nakakatulog siya dito, sumisigaw na lang paggising. Hahaha,” paliwanag ni Leo.

“Hahaha, kakaiba ka talaga. Ginigising kasi kita dahil nga dadating na yung next prof natin, lumabas pa naman sila Miko para bumili ng pagkain kaya ako na gumising sa’yo. Hindi ko naman in-expect na-“

“OO NA SORRY NA OKAY?! Nakakahiya na nga eeh,” putol ko sa sinasabi niya.

Nagtawanan lang sila ulit. Maya maya pa ay dumating na rin ang prof namin. Mabilis lang natapos ang klase niya at uwian na rin.

Oo nga pala! Nako naman, akala ko makakauwi ako ng maaga, may meeting nga pala kami ng Dance Troupe ngayon. YES PO! Ako po ay member ng aming dance troupe! PROUD! Hehe. Hobby ko kasi ang pagsayaw.

“Tara pizza tayo! Libre ko.” – Pao.

“Wow ha, sinabi mo pa talagang libre mo, eh kahit hindi mo sabihin, ikaw naman lagi ang nanlilibre.” – Leo.

Worthy RisksWhere stories live. Discover now