GHOST : ❛ 69 ❜

296 24 6
                                    

A N D I ' S

Isang linggo na matapos ang huling usap namin ni
Jihoon at hindi ko pa din siya ina unblock. Pag na unblock
ko baka mamaya pilitin nanaman niya akong iwasan si Jihoon kahit wala namang sinasabing dahilan.

Pwede naman niya na kasing sabihin sa akin ang problema kay Jihoon eh baka sakaling maayos pa, hindi ko naman kilala talaga si Park Jihoon na nakakachat ko sa twitter tapos si Jihoon naman na kasama ko sa night shift medyo kilala ko na. Hay nako bahala na si batman.

Papunta akong shop, Sabado. Mag-isa lang ako at inagahan ko para hindi na ako samahan pa ni Jihoon, nakiusap na ako kay insan na 'wag na akong ipa hatid-sundo kay Jihoon kasi nakakahiya nga naman pero itong pinsan ko nag pupumilit, baka daw anong mangyari sa akin sa daan.

Alam kasi ni Mama na sa shop niya ako nag p-part time at baka pagalitan pa si insan kapag may nangyari sa akin. Laki-laki ko na e, kung may magbalak man sa akin sipain ko alaga nila hmm.

Nakarating na ako sa labas ng shop, tumingin ako sa relo ko. 4:38 pm palang madami pa akong oras, tatambay na lang siguro muna ako sa loob. Bago ako pumasok ay may napansin akong lalaki na nakatayo sa harap ng shop.

Nakatayo lang siya at parang nakatingin sa loob, na curious ako at dahan-dahan siyang nilapitan para hindi naman magulat sa kagandahan ko hehe.

"Hello po? Gusto niyo po bang pumasok?" Tanong ko kahit nakatalikod siya sa akin. Hindi manlang ito gumalaw at hindi man lang ako nilingon. Hindi  din sumagot, amp pipi ba 'to?

"Kuya?" Tawag ko pero hindi manlang umimik.
Pipi na nga bingi pa punyeta. Bahala na nga.

"Sana ayos ka lang po hehe." Parang tanga naman ako, pumasok na ako sa loob ng shop nang hindi nililingon si kuyang pipibingi. Napakibit balikat nalang ako. Weird.

ghost | park jihoonDove le storie prendono vita. Scoprilo ora