Chapter 19 Sino si Bebe?

11K 207 5
                                    

Chapter 19 Sino si Bebe?

PRESENT

"Hi San Antonio I miss you" mahinang sabi ni Aly sa sarili

Tulog na tulog na kasi yung mga kasama niya. Si Den naman ito bagsak sa braso niya. Ayaw niyang galawin ito dahil mukhang ngayon lang nakatulog.

Aly checked her phone. 4am at ang dami nang tao sa bahay nila. Mukhang may nakapansin sa van nila kaya naman naglabasan ito at nakita niya si Nanay Puring at Tatay Jose.

Dahan dahan niyang inalalayan yung ulo ni Den ayaw niyang magising ito pero gustong gusto niya nang yakapin si Nay Puring at Tatay Jose.

Successful naman si Aly dahil hindi nagising si Den.

Pagbaba e agad siyang sinalubong nang yakap nang mga ito....

"Aleeeeeeeee" sigaw ni Nay Puring at yung mga nasa bahay nila e halos dumigin si Aly nang yakap.

Mga kabaranggay nila yun yung iba mga magsasaka tindera tricycle driver mga ka binggo at ka tong its ni Aly.

"Nay grabe naman hakot niyo ata yung buong baranggay" sabi ni Aly na namumula at nahihiya

Apir naman nang apir si Aly sa mga kamay na nasa paligid niya.

"Ale anak diba sabi mo kapag nag champion kayo uuwe ka at itetreat mo tong mga to di nila nakalimutan yun Ale" sabi ni Nay Puring

"Kaya nga nung sinabi na nanalo kayo e aba nagpakatay tong si Mang Jose nang baboy baka" sabi ni Aling Sefa

"Aling Sefa talaga o bangkang bangka" sabi ni Aly at nagtawanan naman yung mga tao

"Aly anak may kasama ka?" Sabi ni Tatay Jose at lahat napatingin sa van kasi naman nakatayo dun si Den na parang batang nawawala at dahil bagong gising din ito kaya naman parang wala sa sarili

Natawa naman si Aly. Ang cute talaga ni Den.

Agad namang lumapit si Aly sa van at inalalayan niya si Nay Puring para sumama to nagsunudan din yung mga tao sa kanila.

Binuksan ni Aly yung pinto nang van samantalang si Den nakatayo lang dun hindi alam ang nangyayare.

"Pssst gising gising guys wake up come on" sabi ni Aly habang pumapalakpak para magising yung apat at hinila hila niya pa sila Ella

Mga bagong gising yung apat kaya naman nung bumaba sila e napa

"Waaaaaaaah" si Ara yun nagulat talaga siya sa mga tao

Si Beadel naman nagkusot nang mata habang si Ella napakapit kay Aly. Si Kim naman e halos lumuwa ang mata

"Nayyyyyyy Puring" sigaw ni Kim at yumakap sa matanda

Noong una hindi pa nakapagsalita si Nay Puring pero nung tinignan niya mabuti

"Kem ikaw na ba yan???? Aba ang gwapo mo na kem" sabi ni Nay Puring

Tawang tawa naman si Aly at Ara pati din sila Beadel at Ella at Den.

"Nay puring alam mo di ko alam saan ako matatawa sa Kem mo or ang gwapo ko" sabi ni Kim

Napansin naman niya si Tatay Jose "tay Jose mano po" sabi ni Kim kasi naman takot siya dito noon

"Ahm nay Puring si Ara po si Ella si Beadel at tsaka si Den po" sabi ni Aly

Niyakap naman ni Nay Puring ang mga ito samantalang nakipag kamay si Tatay Jose at yung mga tao e nag wave.

"Oi kayo pakibaba nang mga gamit" sabi ni Tatay Jose

Missing Piece (AlyDen Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon