"Hinanap ko s'ya sa bahay nila. Nagpakilala, nakikain, nakitulog hanggang sa tumawag si Josh at napunta ako sa bahay n'yo. Pagkakita ko sa kan'ya, nakangiti s'ya hindi dahil masaya s'ya...nakangiti s'ya dahil kaharap mo s'ya."

"Ha?" Hindi ko na napigilan ang sariling hindi magtanong.

"Kung hindi pa tayo lumabas noon para mag-mall, siguro ilang araw s'yang tulala sa tabi ko at nagiisip ng malalim. Hindi ko s'ya maistorbo noon kaya hinayaan ko lang. Pumayag na rin akong makipagpalit ng kwarto dahil gusto n'ya...at kailangan n'ya."

Naguluhan ako sa huling turan n'ya.

"Kailangan?"

"Kasi masaya s'ya kapag magkasama kayo."

"Bakit ako?"

"Bakit hindi ikaw?"

"Ang gulo mo."

Doon lumawak ang ngiti n'ya.

"Hindi s'ya umiinom pero noong birthday ko ginawa n'ya para makisabay sa atin. Ginawa n'ya 'yun para hindi s'ya masabihang KJ dahil gusto n'yang mapasaya ako sa gano'ng paraan. Kaya ilang bote pa lang 'yun, pikit agad s'ya, eh."

Napangiti ako nang maalala ko ang mukha n'yang diring-diri sa lasa ng alak. Unang beses n'ya pala 'yun at buong buhay n'ya, 'yun pa lang ang natitikman n'ya.

"Baking..."

Natauhan ako sa sumunod na sinabi n'ya.

"Mahilig manood 'yun ng mga cake related videos. Mahilig din sa matamis kaya ganoon na lang din ang interes n'ya nang malamang nagba-bake ka. Tignan mo, s'ya na ang katulong mo at nagpapaligsahan pa kayo."

"Kasi sa'yo s'ya natuto."

Nag-iba ang tono ng boses n'ya. Parang idinidiin n'ya at may ibang pinapatungkulan.

"Mas interesado s'ya sa iyo kaysa kay Josh o kay Ken. Siguro dahil na rin sa lapit ng edad n'yo pero alam kong may iba pa kung bakit s'ya sumasaya kapag kasama ka n'ya." Huling sabi n'ya bago tumayo at tuluyan akong iwanan.

Nagsimula nang magtanong ang utak ko sa kung anong nararamdaman ko...kay Sejun.

Pero bakit?

Normal ba na ganito ang nararamdaman ko? Normal bang tanungin ang sarili ko na bakit ganito ang epekto sa akin? Normal bang....

Kami sa harap ng maraming tao?

Parehas kaming lalaki at alam na alam ko 'yun. Kung totoo man itong nararamdaman ko, masasaktan lang ako sa katotohanang bawal kami. Hindi kami p'wede.

Biglaang tumunog ang cellphone ko. Nabuhayan naman ako ng loob nang hindi marinig ang phone ni Sejun. Paniguradong dala n'ya 'yun. Binuksan ko ang notifications at galing lang kay Justin sa group chat namin.

@jahsten: @nasehotdog, nasaan ka?

Nag-seen kaming tatlo. Ilang minuto ang tinagal nang tumunog ulit ito.

@jashkalen: maglalaro na kami rito, ah?

@jashkalen: may naghahanap nga sayo eh. hulaan mo na lang kung sino he-he-he peace

@chcKEN: babalik ka pa ba rito? ipapahanap na kita kay Kuya Gwuri.

"'WAG!" Napasigaw na lang ako bilang sagot kay Ken. Ako ang hahanap sa kan'ya!

@chcKEN: umiiyak na yung nasa kabilang kwarto. uwi ka na raw huhu

@stellberry: bwisit ka, ken suson

@jashkalen: aww, bwisit ka raw ken. payag ka non?

@chcKEN: pwedi na, malungkot sya, eh. give peace naman.

Subside Everything (SB19)Where stories live. Discover now