Chapter 4- Smile

Începe de la început
                                    

Mukhang nagalit ko yata. Nag-umpisa na siyang maglakad habang ako'y nakaupo parin at pinagmasdan yung pigura niyang papalayo.

"Kahit na magmukha akong tanga papangitiin parin kita" bulong ko sa sarili ko habang nakaupo

Nakita ko naman yung chocolate na binigay niya. Tinago ko na lang ito dahil mukhang nawala yung gutom ko kanina. Kailangan ko pang humingi nang sorry sa kanya. Tumayo na ako at bumalik sa room.

Saktong pagdating ko pumasok narin yung guro namin sa Math. Pumunta na ako sa aking upuan at nakita kong wala pa doon si Drake.

"Uyy dre, anyare sa mukha mo?" kalabit sa akin ni shane

"Tsskk..mamaya kona lang ikukwento!"

Nakinig na muna ako sa guro kahit wala akong maintindihan. Di parin bumabalik si Drake hanggang matapos yung buong period.

Nandito kami ngayon sa cafeteria naglalunch. Iniisip ko na naman kung nasaan yung drake na yun. Hindi pa ako humihingi nang tawad. Ang daldal ko naman kasi ehh. Kung ano-ano tuloy lumalabas sa bibig ko.

"Uyy dre,,spill it!"

"Anyare bah?"

So ayun kinuwento ko sa kanila lahat as in lahat. Pati yung napatawa ko siya hanggang sa nagalit siya sakin.

"Ayy naku naku! Mukhang mauubos yung allowance ko ahh!" sabi ni shane dahil nanalo ako sa bet

"Maiba ako..nakapagsorry kana ba?" tanong ni shane

"Yun nga yung problema ko ehh..di pah!"

"Mamaya mo na problemahin yan dre..kain na muna tayo." aya ni shane

Kumain na lang kami at bandang 1 ay pumasok na sila. Pinauna ko na sila kasi dadaan pa ako sa library para manghiram nang librong babasahin ko. Kapag kasi nabobored ako nagbabasa na lang ako ng libro yung may mga story. Basta ganun yun!

Nandito na ako sa library at tumitingin-tingin nang librong pwede kong basahin. Nung nasa bandang dulo na ako nang library ay may natanaw akong natutulog kaso diko kilala kasi nakayuko. Pinabayaan ko na lang at may nakita akong librong magandang basahin kaso nasa itaas masyado diko maabot. Nahihiya naman akong gisingin kong sino man yung tulog para lang magpatulong.

"Bakit kasi nung nagpaulan nang katangkaran diko lahat nasalo! Diko tuloy maabot!" sabi ko habang tinitingnan yung librong nasa itaas

Napatingin naman ako dun sa mesang mayroong natutulog. Sakto may isang bakanteng upuan kaya maingat kong hinila yun para di makagawa nang tunog. Nilagay ko naman agad ito malapit sa shelf at sinubukan kong abutin kaso diko maabot.

Tinalon-talunan ko naman ito baka sakaling maabot ko kaso nga lang sa kamalas-malasan ay nalaglag sa bulsa ko yung cellphone ko at nakagawa nang ingay. Agad kong kinuha iyon at tiningnan kong nagising ba yung tulog pero mukhang hindi naman yata.

"Aishh..bakit kasi sa taas ka pa nilagay!" naiinis na sabi ko

Inabot-abot ko pa ito ngunit bigla na lang may kumuha nun. Aba mukhang inunahan pa ako ah!

"Uyy..akin ya-----" dikona natapos yung sasabihin ko nang nakita ko kung sino yung kumuha.

"Ahh hi d-drake..gusto mo ba yan? sige sayo na lang!" sabi ko dito at bumaba na sa upuan at hinila ito saka binalik yun sa mesang kinuhanan ko.

Siya pala yung natutulog bakit diko alam yun. Dito pala siya nagpunta pagkatapos niyang umalis at iwan ko.

"Ohh!" napatingin naman ako kay drake nung inabot niya sakin yung libro at kinuha ko naman

"Salamat" sabi ko

"Tsskk...Dwarf!" sabi nito at naglakad na

Abah! Yun na ba yung usong welcome. Yung lalaitin ka pah. Sinundan ko ito at hinablot yung braso niya.

"Huyy.. Di ako dwarf. Sadyang matangkad ka lang!" inis na sabi ko dito at sinuway naman ako nang librarian sa lakas nang boses ko at lumabas naman agad ko habang hila-hila ko si Drake

"Noisy Dwarf!" sabi uli nito

"Abah! Nakakadalawa kana hah!" singhal ko dito

Tuloy-tuloy lang siyang naglakad mukhang papasok na siya ngayong hapon ahh.

"Wait" pigil ko sakanya

"Sorry pala kanina!"hinging paumanhin ko

"Tsskk..tara na late na tayo ohh!" sabi niya at naglakad ulit

"Okay na tayo hah!" sabi ko pa dito pero no response. Silence means yes!

Sabay kaming pumasok at yung dalawang loka loka kong bestfriend grabe yung ngiti sakin at inirapan ko nalang.

Natapos yung afternoon class namin at bumalik na kami sa dorm. May P.E pa kami bukas mukhang kailangan ko nang magpahinga. Maya-maya ay dinalaw narin ako nang antok

----Enjoy reading-----😊






That Poker-faced Guy (ONGOING STORY)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum