O94

1.5K 54 63
                                    

friday, 2:49 pm

"anong nangyari sa gc?" i asked right after reading their messages. nilingon ako ni chaeng at ngumiti lang.

"bakit ako idi-distract? anong ginawa nung mga lalaki?"

"hindi ko rin alam," she shrugged and sighed. "di ako nireplyan eh. di naman natin sila pwedeng hanapin, walang maiiwan dito sa office."

i tried calling taehyung but it was only ringing. dalawang beses ko pa itong ginawa muli at kusa nalang bumukas ang pintuan ng office.

panenermon ni lisa at jennie ang narinig ko habang sunod sunod na pumasok ang mga lalaki. i creased my brows and glanced at chaeyoung who was also watching them curiously.

"paano kung napahamak kayo?!" jennie bombared them with lectures. maliwanag sa labas kaya hindi ko sila makita ng maayos.

"napahamak na nga eh," lisa rolled her eyes. umupo siya sa gitna ni jungkook at jimin at sabay na hinampas sa batok.

"aray ko, tangina!" jimin groaned and moved away from her.

"hala, sorry na nga! ang hapdi pota!" ani naman ni jungkook at hinawakan ang batok. lumapit na si chaeyoung sakanila habang sinasara ng nananahimik na hoseok ang pintuan.

"what happened?" i asked them. hindi ako makatayo dahil nakapalibot sa akin ang mga librong ibibigay sa mga students.

that's when i realized that it was only six of them. wala si taehyung. bumaling ako kay jennie at lisa na pareho paring pinapagalitan ang mga lalaki habang si chaeyoung ay kakaupo lang sa tabi nila.

"what the-" she suddenly reacted and even held namjoon's face to look at him clearly. she once again let out a violent reaction before exclaiming, "bakit may mga sugat at pasa kayo sa mukha?!"

"what?" tumingin ako sa ibang mga lalaki at ni isa ay walang nagsasalita.

jennie scoffed. "yang mga yan, sinugod si julian. and to make it worse, hindi nila alam may back up si julian na mga basag ulo din. edi ayon, rambulan."

"julian?!" gulat kong tanong at halos mahampas na ang lamesa ko para lang mapasagot sila. tumikhim si yoongi at nagawa pa kong talikuran nang ipinaikot niya ang computer chair palayo sa akin.

"ano bang pinagiisip niyo?!" chaeyoung scolded them. "ang tatanda niyo na papatol pa kayo sa ganyan!"

"hey!" namjoon defended. "hindi kami yung nauna! taehyung and julian were calmly talking tapos biglang nanapak yung gago! of course we helped taehyung! doon nagsipasok yung mga tarantado nyang tropa!"

"taehyung.." i repeated. "where's taehyung? bakit hindi niyo kasama?"

"naiwan sa dean's office, huli siyang kinausap," hoseok answered me without even looking.

"o ngayon, paano kung nadamay ang obra sa mga pinaggagawa niyo?" singhal ni lisa at umamba pang sasapakin si jungkook.

"pota, ako nanaman nakita neto!" he hissed and stood up, grabbing another chair just to get away from lisa.

"kung sana kasing pinigilan niyo nalang. hindi yung dumagdag pa kayo sa gulo," hindi matapos tapos na panggigigil ni jennie.

"sinong nanalo?" i raised a brow at them. alam kong malalakas makipagaway tong mga to pero iba parin yung mga crim students pag dating sa salpukan. of course, they were trained to fight!

"syempre sila julian, ji! ang yayabang ng mga to eh, susugod sugod pa! eh mga magpupulis yung mga yon!" lisa replied with so much annoyance.

"magpupulis pero mga basagulero," seokjin whispered and scoffed.

"hindi niyo naman kailangang pumatol. akala ko ba nagusap na tayong kakalimutan na natin ginawa niya? ayoko ng gulo-"

"di rin kita magets, jisoo. paanong kakalimutan e dahil sakanya kaya ka na-ospital? ano to, lokohan?" jimin suddenly stated.

i know he has a point, but i don't really wanna make it a big deal anymore. ayoko nang makisalamuha kay yasmine at julian. kaya mas gugustuhin ko nalang manahimik at lumayo sakanila.

"hindi kakalimutan, oo," chaeyoung nodded. "but that doesn't mean susugod kayo at handang mambugbog. at this point parang wala na din kayong pinagbago kay julian-"

"medyo yuck ha," seokjin rolled his eyes.

"medyo amputa," ani yoongi. "yuck talaga. kukumpara niyo kami dun sa hayop na yon?"

"masama bang gumanti?" jungkook glared at us.

aba at sila pa ata ang galit samin!

"bakit ba? you think having revenge would make you a hero? no, you'll just simply have the same sin that bastard had. si jisoo nga nakayang manahimik eh. kayo pa kaya-"

"why are we even fighting over this?" hoseok finally stopped us from arguing.

"kasi pinahamak niyo lang sarili niyo. imbis na huhupa na tong issue na to, lalo lang lalala," i commented.

honestly, i appreciate what they did. sobra. they don't know how lucky i am by having them by my side. pero kung tutuusin, mas pipiliin ko nalang lumayo kesa matuloy ang walang katapusang away sa amin nila julian.

"sorry," namjoon mumbled.

chaeyoung stood up to search for our first aid kit. lisa grabbed some ice pack from our mini ref, and jennie ordered them to sit at the sofa so we could treat them.

pero hindi pa ako tapos sa pagtatanong.

"why did you guys meet him? nagusap kayo?" unti unti ko ng nilalayo ang mga libro para hindi ko mabangga. i was planning to help the girls mend them but i stopped when i saw the door opened.

"sa account mo. taehyung replied to him-" bago pa man matapos si seokjin sa pananalita, naglakad na papalapit sa akin ang bagong pasok na si taehyung.

i saw a small cut at the side of his lips and another at his right eyebrow. nagdudugo din ang maliit na sugat sa kanyang pisngi.

i bit my lower lip in nervousness. walangyang julian yon, sisirain pa ata ang mukha ng boyfriend ko.

"love.." he softly mumbled and went near me. handa ng magsorry at lumuhod dahil mukhang takot sa kung ano mang sasabihin ko.

but instead, i raised my hand to hold his face. gently carressing his cheeks, i looked at him worriedly. "are you okay? saan banda masakit?"

his lips parted for a while. bago pa siya makasagot, i heard jungkook whining like a little child.

"tangina, nung sa amin, nagalit! tas pagdating sa jowa, biglang, are you okay?!"

.

believe.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon