Paano siya Dumating

35 16 12
                                    

Binuksan ko ang aking account, inalis ko sa listahan ang hindi naman active at nag-add ng panibago. Inaccept ko na rin ang lahat sa friend request ko.

Hi!

Basa ko sa isang message. Nireplyan ko naman siya at sinabayan ang kung ano mang topic ang ibinabahagi niya.

Alam mo yung networking?

Tanong ko, nang makakuha ng tiyempo.

Aun na nag invite kaku tagna babai, isah.

Hindi niya man ako nakikita ay napatango na lamang ako. Nireplyan ko siya at sinabing mabuti at may alam na din siya.

Sayo ba ang number sa flyer?

Oo, sagot ko at sinabing tawagan niya lamang ang number na iyon kung sakaling gusto niyang maging miyembro.

Nagtagal ng ilang linggo ang pagchachat naming dalawa. Madalas siyang tumawag sa number ko, sa pag-aakalang sasali siya ay agad ko namang sinasagot. Hindi raw. Ayaw niyang sumali.

Isang araw ay nagpakita siya sa labas ng pinagtatrabahuhan ko.

"Oh ano? Magpapamember ka na?" Iyon ang bungad ko ng makalapit sa kanya.

"Ayokong magpamember sa networking company na yan. Sa'yo ko gustong magpamember. Sa'yo lang." Wala akong masagot sa sinabi niya. Alam kong  hindi siya interesado, at alam ko ring ako ang pinagtitripan niya. Hindi lamang trip dahil mukhang seryoso nga siya. Masyado straight forward magsalita kung kaya't nagugulat ako sa mga lumalabas sa kanyang bibig. Nginitian niya ako bago dugtungin ang sasabihin.

"Seryoso ako, mahal na nga kita eh." Mas lalo akong nagulat doon. Hindi niya pa ako kilala para sabihin ang salitang iyon. Masyadong mabilis.

Palagi niya akong sinusundo sa trabaho, pinapasaya sa mga simpleng bagay hanggang sa tuluyan nang nahulog ang loob ko. Hindi man siya sumali sa networking company, pumasok naman siya sa buhay ko. Siguro, ito na ang sinasabi ni Ama sa akin. Ang kasiyahan na may kasama pang pagmamahal.

Ama, di ko na pakakawalan ito.

Nasa opisina ako ngayon dahil day off ako sa pagiging sales lady.

May aaminin ako sa'yo

Basa ko sa isang text na natanggap ko galing sa kanya.

Seryoso ba yan? Anong sasabihin mo?

Matagal bago ko natanggap ang reply niya.

Patawad, may asawa't mga anak na ako.

Sumingkit ang mga mata ko habang binabasa ang mensaahe niya.
Agad kong pinindot ang message box ang nagtipa.

May pamilya ka na pala! Ang kapal ng mukha mong lumandi sa'kin. Napaniwala mong wala kang sabit pero meron pala. Ginawa mo pa akong Kabit! Demonyo ka!

Walang pag-alinlangan ay blinock ko ang account niya at binura ang number niya sa cellphone ko.

Nagpupuyos ako sa galit dahil naging biktima ako sa panlolokong iyon. Kung bakit ba may papremyo pang ginawa ang kompanyang ito? Edi sana ay hindi ko nilagay ang number ko sa flyers. Akala ko siya na, pero akala lang pala. Maling kasiyahan ang binigay ng tadhana sa akin at nabulag ako sa kasinungalingan niya.

Sunod sunod ang tawag na natanggap ko sa isang unknown number ngunit hindi ko sinagot iyon dahil alam kong siya ang tumatawag. Kahit umabot pa sa isang milyon ang tawag niya ay hinding hindi ko sasagutin iyon. Anak siya ni Judas!

"Mar, nasa labas ang asawa mo." Tinarayan ko si Anna na halatang kinikilig pa habang sinasabi iyon. Kung alam mo lang na taksil ang lalaking iyan.

"Ano pang kailangan mo? Huwag ka nang magpakita sa akin dahil tapos na tayo" Pakli ko nang makita siya sa labas. Napakamot ito sa ulo, wari'y pinagsisihan ang ginawa.

"Lasa ko, walang katotohan ang sinabi ko. Biro lamang iyon" Mas lalong kumulo ang dugo ko sa sinabi niya.

"Saang banda ang walang katotohan sa sinasabi mo? Lahat ba? Maliban sa asawa at anak mo?" Nilapitan niya ako at tinangkang kunin ang kamay ko. Mabilis akong umiwas kaya hindi niya ito nahawakan.

"Hindi iyon, hindi totoong may asawa at anak na ako. Sorry na pinagsisihan ko na ang ginawa ko." Nagmatigas pa rin ako at ayaw maniwala sa sinabi niya.

"Hindi ako naniniwala sayo!"

"Para maniwala ka, gusto mo magpapakasal na tayo? Bukas na bukas ay hihingin ko ang kamay mo. Pupuntahan kita sa bahay kasama ang mga magulang ko." Kinakabahan na ako sa mga sinasabi niya, ngunit hindi ako nagpatinag doon.

"Tigilan mo na nga ako. Huwag mong gagawin iyon."

"Seryoso ako, alam kong alam mo yan." Iniwan ko siyang nakatayo roon at nagmadaling umalis. Kanina ay gustong kumawala ang galit ko, ngayon naman ay gusto na atang lumipad ang puso ko sa kaba na baka totohanin niya iyon. Iba ang patakaran ng aming paniniwala. Kapag hiniling ng lalaki ang isang babae, isang bagsak lang ng dowry ay maaari niya na itong pakasalan, kung hindi ay doble ang ipapakita naming pera sa kanila. Saan naman kami makakahanap ng malaking pera?

Hindi na ako makatulog, takot na darating ang bukas at bigla ko na lamang makikita ang pagmumukha niya na kumakatok sa pinto ng bahay namin. Pero nangyari nga, totoo ang sinabi niya. Walang nagawa si Ina at pumayag na magpakasal ako. Mabait ang pamilya niya, alam ko iyon dahil pinakilala niya na ako nang maging kami.

Natapos ang pangyayaring iyon, ay napatawad ko na siya. Wala eh, mahal ko na. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ay agad akong naniwala sa birong iyon. Ayun tuloy, nagyaya nang magpakasal.

"Maria" Tawag ng panganay naming kapatid na si Marilyn. May asawa na rin siya at may dalawa na ring anak. Mabait ang naging asawa niya, kahit mahirap ay hindi nagkulang sa pagbibigay ng gusto niya. Maswerte siya sa asawa niya.

"Alam kong iniisip mo pa rin ang mga kapatid natin. Huwag mo nang alalahanin iyon, kita mo ako? May asawa na pero nagawa ko pa ring gabayan at tulungan kayo sa abot ng makakaya ko. Dalaga na si Kolay, ang bunso nating kapatid. Marunong nang dumiskarte sa buhay. Nandiyan na ang kasiyahan mo, huwag mo nang papakawalan pa. Marami ka nang isinakripisyo para sa pamilyang ito. Ngayon ay panahon mo na rin para bumuo ng sayo." Napangiti ako sa sinabi niya.

"Kaka, masaya kami para sa'yo" Dugtong ni Jelai. Napayakap na lamang ako sa kanya. Alam kong kailangan pa rin nila ng gabay, ngunit masyadong maaga ng ipamulat sa kanila ang totoong buhay kung kaya't labis na pagkakaintindi ang mayroon sila ngayon.

Breathe and find your true happiness in life.

Sa wakas ay magaan akong makahinga sa buhay na mayroon ako ngayon. Marami man ang nagdaang pagsubok sa buhay naming magkakapatid, nawala man si Ama ay alam kong unti unti ay nakakabangon na kami. Unti unting tinatangap ang pagkawala niya, at unti unti ring bumabawi sa'min ang tadhana.  Pagkatapos ang masalimuot naming nakaraan, siguro ay panahon na rin namin ngayon para makamtan ang kasiyahan na matagal tagal rin naming inaasam. Hindi man kami naging mayaman, minsan rin kaming nauubusan ng bigas pero alam kong malalampasan namin iyon. Nahanap ko na rin ang totoong magpapasaya sa akin. Ang networking company na ilang beses kong tinanggihan ay siya palang magiging tulay para mahanap ang taong mamahalin ko at mamahalin ako ng lubusan. Kung ano man ang mangyari sa aming hinaharap? Sisiguraduhin kong magiging masaya ako gaya ng pangako ko kay Ama.

- Maria

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kasanyangan Pa Baran Ko (Finding Happiness)Where stories live. Discover now