"Baby, wake up."

Hindi ko siya pinansin. Ang sarap sarap ng tulog ko e.

"Baby...we need to go."

"Hmm. Antok pa 'ko ikaw na lang."

"Your best friend will kill me if you don't come with me in the hospital."

Para akong sinilaban at mabilis na napabangon. "Ospital?! Anong nangyari?!"

Pakiramdam ko lumulutang pa 'ko sa sobrang pagkabangag. Tulog pa yata 'yung utak ko pero dahi sa nagpapanic kong diwa ay napabangon ako.

"Manganganak na raw si Adara sabi ni Kuya."

"Ay shit tara na!!" Mabilis akong tumalon pababa ng sofa at naghanap ng tsinelas.

"Won't you change your clothes?"

Napatingin ako sa suot kong baggy shirt at shorts na talagang short.

"Wag na, tara na! Dalian mo!"

My gosh parang pinipilipit 'yung mga bulate ko sa tiyan sa magkahalong kaba at excitement para kay Adara. Huhuhu. Dati kasi ay pinag-uusapan lang namin ang panganganak dahil sabi nila masakit daw. Pero heto na at mararanasan na niya ngayon! Omg Lord, 'wag mong pababayaan ang kaibigan ko.

Pagdating namin sa ospital ay nauuna ako sa paglalakad kay Fyuch dahil ang bagal niya! Pagkarating namin sa tapat ng delivery room ay naroon na si Christian na kabadong kabado ang itsura. Take note, mukhang tumakbo pa ito mula sa isang meeting dahil pormang porma ito sa suot na business suit!

"Kuya, kanina pa siya sa loob?"

Tumango lang ito saka saglit na napatitig sa naka-cast na braso ni Fyuch. Sa sobrang kaba yata nito ay hindi na kayang magsalita pa para kumustahin ang kakambal. Sunod na nagsidatingan ang parents ni Christian at si Boss Amara. Lahat sila ay mukhang mga galing pa sa trabaho at pawang kabado rin ang itsura. Ngunit nang lumabas na ang doctor at narinig namin ang iyak ng isang sanggol, maluha luha kaming lahat na nagkatinginan.

Pero mas priceless ang nasaksihan kong itsura ni Christian nang marinig nito ang unang iyak ng anak. Nakakapanlambot ng puso. Hindi ko tuloy napigilan ang luhang lumandas sa pisngi ko habang pinapanood itong kumaripas papasok sa delivery room.

Ugh.

"Ang kyuti ng kakambal mo," wala sa sariling bulalas ko kay Fyuch.

"Eh 'yung kakambal niya?" Natatawa niyang pinunasan ang luha ko sa pisngi. "Kyuti din?"

I grinned. "I'll see that in 2-3 years."

"Can't you tell it now?"

Ipinilig ko ang ulo ko. "I'll tell it kapag ako na ang nasa loob ng delivery room na 'yan." Tinuro ko ang ang kwartong kinaroroonan ni Adara. 

"Okay, then. 2 years."

Yumakap ako sa baywang ni Fyuch habang tumatawa siyang pinanggigigilan ang ilong ko. Sabay kaming natigil sa paghaharutan nang may tumikhim at napatingin kami sa dumaang si Tito Daryl.

"What happened to your arm?"

"Nothing serious, Dad. Just a small scratch." Tinitigan lang kami nito sandali bago tuloy na pumasok sa kwarto ni Adara. 

"Ayan ang harot kasi." Siniko ko siya at sumunod na kami nang ilipat na sa normal na kwarto ang best friend ko. 

Pagdating ng mga nurses, dala na nila si baby Saint at lahat kami ay tuwang tuwa na pinakatitigan ito. Hanggang titig lang dahil ang damot ng ama. Lahat kami ay gusto sanang kargahin si baby pero bantay sarado ito ni Christian na ayaw ipadampi sa kahit na kanino sa amin.

STS #2: Give Me More [COMPLETED]Where stories live. Discover now