Chapter Three

192 31 10
                                    

Chapter Three

Hindi pa ulit kami nagkikita ni Luke pagkatapos noong birthday ko. Pero madalas na rin kaming mag-usap sa chat. Minsan kapag mukhang busy talaga siya at hindi nakakapag-reply sa message ko ay iniintindi ko. Siyempre may ibang buhay pa rin naman kami bukod sa pag-c-chat lang sa isa't isa.

August na ang pasukan kaya medyo mahaba rin ang hinintay namin. Nakakuha na rin ako ng entrance exam. Sabay kaming nag-enroll ni Sheri at hinatid lang kami ni Uncle Marvin sa Western Mindanao State University. Dito na raw nag-aral ang pinsan ko mula Elementary.

"Hala, Sheri! Nandito si Andre!" si Kyla na kasabay din namin nag-enroll.

Agad lumapad ang ngiti ng pinsan ko habang may lalaking sinusundan nila ng tingin ng mga kaibigan niya. "Classmate pa rin naman natin siya ngayong Grade 11, 'di ba?" ani Sheri.

"Oo naman!" sagot naman ni Aira.

"'Yan din narinig ko. Classmates pa rin tayo." si Kyla.

Halos tapos na rin kami at papunta sa canteen para bumili ng makakain. Ginutom din kami.

"'Yon na ba ang crush mo?" tanong ko kay Sheri.

"Shh!" pigil na saway naman niya sa 'kin. "Hindi niya alam." sabi pa niya.

I shrugged. "Wala na siya?" Kanina pa naman nakalayo 'yong lalaki.

My cousin sighed. "Oo, 'yon si Andre."

Napangisi ako. Namumula ang pinsan ko.

"Tara na nga." Hinila na ako ni Sheri papasok sa canteen.

[Nasa University ako ngayon kasama ang pinsan ko.]

I sent that to Luke.

[Enrollment?]

[Yes. Ikaw, nag-enroll ka na rin ba? Saan ka pala nag-aaral?]

Pareho kaming Grade 12 ni Luke ngayong pasukan.

[Yes, done. ADZU.]

Oh. Malapit lang ang school nila sa bahay. Medyo malayo nga 'tong school ni Sheri. Nagtuturo rin daw kasi dito sa WMSU dati si Auntie Shirley kaya siguro dito na rin nila pinag-aral ang pinsan ko. Ngayon ay hindi na siya nagwowork at sa bahay na lang na tumutulong din kay uncle sa business din nila na nagpapa-rent ng mga space.

Umuwi na rin kami ni Sheri pagkatapos. Nag-jeep lang kami papuntang pueblo. Dumaan pa kasi para mamili na rin ng ilan pang gamit na kailangan sa school.

Pagkatapos ay nilakad na lang din namin ni Sheri pauwi sa bahay. Malapit na lang din naman kasi.

When classes started ay agad din naman akong nagkaroon ng kaibigan. Her name is Jazel at nakatira siya malapit lang dito sa WMSU. Hatid-sundo naman kami ng pinsan ko ni uncle.

"Taga-Manila ka pala talaga?" Jazel asked. First day of school. She's my seatmate.

She's a Zamboangueña and they speak Chavacano at home. At nagtatagalog siya para sa 'kin. Halos nagtatagalog din naman talaga ang mga students sa school para siguro mas madaling magkaintindihan. Hindi lang din kasi isang language ang ginagamit ng mga tao rito sa Zamboanga.

Sa bahay naman ay tagalog na talaga ang gamit nina Sheri. Originally from Cebu rin kasi si Auntie Shirley. Si Uncle Marvin lang ang tagarito.

After classes ay pwede na akong umuwi. Maaga rin kaming na-dismiss. T-in-ext ko si Sheri pero may group discussion pa raw sila ng groupmates niya. Agad? Sabagay dahil na rin siguro nasa higher section din ang pinsan ko.

"Hintayin mo pa pinsan mo?" tanong sa 'kin ni Jazel. Nasa labas na kami ng classrooms.

I nodded. "Oo, may ginagawa pa sila."

Hermosa Series 1: Dear Journey (Book 1)Where stories live. Discover now