Chapter 29 - Princess Frog

Depuis le début
                                    

Nagdatingan si King Vladimir, Ate Ruby at ang manggagamot nila. Lumapit bigla si Ate Ruby sa akin at binuhat ako.

"Siya ba 'to?" tanong ni Ate Ruby kay Matt. "Si Emerald ba 'to?"

Um-oo si Matt. Niyakap ako bigla ni Ate Ruby. Hindi ko maexplain kung paano niya ako nayakap basta ang alam ko ay niyakap niya ako.

"Paano siya maibabalik sa dati?" tanong ni Ate Ruby. "May alam ba kayong gamot?"

"Hindi ko po alam, Mahal na Reyna," sagot ng manggagamot habang binabalot niya ng bandage yung sugat ni Vincent. "Isa po 'yang sumpa. At ang tanging lunas lang po niyan ay kung ano ang nakasaad sa sumpa."

"Paano ka ba naging ganyan?" tanong ni Ate Ruby. Kinuwento ko ulit ang lahat ng nang yari. Nakakapagod na magkwento nang magkwento ah?

"Kung ganon, kailangan may humalik sayo para maging tao ka muli," sabi ni Ate Ruby. Natahimik bigla sa kwarto.

Wala na nga yung 1st kiss ko, pati ba naman yung 2nd kiss ko?

"So, sino?" tanong ni Ate Ruby. Nagkatinginan yung mga lalaki.

*Kokak! Di ba pwedeng ikaw nalang, Ate, yung kumiss saken? Kokak!*

Kiniss ako ni ate sa noo pero walang nangyari. "Kailangan yata kasi ay opposite gender ang humalik sayo."

*Kokak! Ayokooo~ Kokak!*

"Arte mo."

"Si Vincent dapat ang humalik kay Emerald." Napatingin kami sa sinabi ni King Vladimir.

"Si Prince Vincent?"

"Oo, isa siyang prinsipe. Sa pagkakaintindi ko, isang prinsesa si Emerald at hinalikan niya yung palaka kaya nagkapalit sila. Para maging tao si Emerald, kailangan ay halikan siya ng isang prinsipe. Yun ang lunas sa sumpa," paliwanag ni King Vladimir.

"Pero paano kung maging palaka si Prince Vincent?" tanong ni Ate Ruby.

"Hindi siya magiging palaka dahil mga vampire kami. Someone with a curse cannot have another curse. May sumpa na kami. Sumpa ang tawag sa pagiging vampires namin. Vampire Curse. Kaya hindi magiging palaka si Vincent," sagot ni King Vladimir. Ang dami kong natututunan sa araw na 'to. Una, yung dead man's blood, tapos someone with a curse cannot have another curse, tapos sumpa pala ang pagiging vampire?

Tumingin sila sa akin. "Okay lang ba sayo, Emerald?" tanong ni Ate Ruby.

Wala naman akong choice eh. Ayoko namang forever na akong palaka. Bigla kong naalala na kapag naging tao na ako ulit... ibig sabihin ay...

*Kokak! Ano... kapag naging tao ako ulit ibig sabihin... wala akong damit. Kokak*

Nagkatinginan sila. Biglang naubo sina Brix at Jared kaya binatukan sila nina Matt at Zac.

BAKIT BA ANG MALAS MALAS KO?! KAILANGAN KO BA TALAGA MAGING PALAKA?

Nilagay nila ako sa kama. Lahat sila ay nakatingin sa akin at nasa harap ko si Vincent.

He smirked at me. "I've always wanted to kiss you. But not like this."

Yumuko siya at hinalikan ako sa noo. Pagkatapos ay kinumutan na agad ako ni Ate Ruby. I felt my body shake. Para akong natubo. Every part of my body is vibrating and expanding.

I miss being a human.

***

"Ingat ka sa pag-uwi ha?" Nginitian ko lang si Vincent.

"I hope this won't be the last time that you visit," pang-sampung beses na ulit ni Ate Ruby. "Pakisabi kanila Mama at sa mga kapatid natin na dumalaw sila soon ha?"

Nag-nod ako't kumaway na sa kanila. Nagsimula nang lumipad ang gryffins na nagbubuhat ng chariot namin. Finally, makakauwi na kami.

"Ako dapat yun eh," bulong ni Matt. Anong sinasabi nito? Bigla nalang bumubulong.

"Ang alin?" tanong ko.

Tinignan niya ako bago pumikit. "Wala. Nevermind."

Oh diba. Nababaliw nanaman siya.

Ipipikit ko na dapat ang mga mata ko para umidlip pero narinig kong nagpanic si Jared. Sila kasi ni Brix ang nagcocontrol sa mga gryffins. Ano nanaman ba ang nangyayari? Malas ba talaga ako at palaging may nangyayaring masama sa amin?!

"Bakit, Brix?" tanong ni Matt.

"Hindi namin macontrol yung mga gryffins!" sigaw ni Jared. "Sa ibang direction nila tayo dinadala!"

"Saan?" tanong ko.

"Sa light forest!"

______________________________________________________________________________

EMERALD (Published Under Pop Fiction) Où les histoires vivent. Découvrez maintenant