11

478 18 0
                                    

"The House of Wolsey and House of Santiza is in chaos, because of another circulating scandal...Young Lady Roanne Marie Royce Wolsey Santiza, the youngest daughter of Duchess Rossette Royce Wolsey Santiza and Duke Richard Santiza got involve when the interpol raided a club which sells party drugs. .. "

Pinatay ko ang Television after hearing the news that made my day. Sipping my wine while watching the beautiful city lights from my room here in heart of the city.

Walang may alam na narito lamang ako sa Manila. Sa mismong tapat ng mga nagtatayugang tower ng mga Stavros. Liban sa aming pamilya na silang tumutulong sa akin upang maging invisible sa mundo. Walang nagawa ang elders sa desisyon kong ito. Lalo na at nalaman nila ang kondisyon ko noon... It's been two years... And my bunso is turning two 5 months from now. She's currently sleeping at her room. Walang may alam na nabubuhay siya ngayon liban sa aming pamilya... Carlos Ytan is obviously don't like my decision but he respected it. Hindi rin ito nakialam sa mga plano ko... He told me na pag tinanong siya ng kanyang kapatid he won't tell a lie. He is very vocal on his stand.

May mapait akong nalasahan dahil sa idea na nasa isipan ko... Carlos Ytan won't tell a lie if he will ask... Then... He never asked about me... Huh?

Huminga ako ng malalim at pilit na itinaboy ang isiping iyon. "Ate Eris..."

Napatingin ako ng marinig ang pamilyar na tinig na tumawag sa akin. "Amy... Anong oras kang dumating? Bakit hindi ka nagsabi... Sana napasundo kita sa driver... " masaya kong tanong rito.

Yes... It's the same Amy from the Island of Siquijor .. The same day na bumalik ako rito sa Pilipinas ay agad akong nakatanggap ng balita mula sa assistant ko who I asked to look after her... Amy was harassed by her sponsor...and at the very same day she found Bernardo and her cousin sleeping in a bed... naked. She was broken... That's why I took her and give her the life she deserve... Now she's graduating... Tourism.

"Okay naman ako ate... Sanay na akong magcommute... Tsaka flashy kasi masyado yung mga pinapagamit mong sasakyan e. Akala tuloy ng mga classmates ko nagsisinungaling ako na mahirap lang ako at scholar."

Napangiti ako sa tinuran nito. Tsaka siya niyakag paupo ng sofa.

"Kumusta ang tour nyo sa Korea?" tanong ko rito.

And then she started telling stories. With her comical facial expressions... Natutuwa akong bumabalik na ito sa dati... Noong una kasi ay nawalan ito ng buhay at tila punung puno ng kalungkutan. I keep her with me since I know how it feels...

"... Tapos yun nga... Nakapunta kami sa iba't ibang Temples and Palace... Ate minsan pumunta ka rin doon kasama si bunso... Oo nga pala... Asaan si bunso? Tulog na ba? Bumili ako ng pasalubong para sa inyo..."

"Slow down... Amy... Bunso is sleeping already... Napagod sya kakalaro kanina... She even kept on saying my...my... She misses you... Nakakaselos na nga e." kunwaring nagtatampo kong sabi na ikinatawa nito.

"Bunso adores you more than anyone ate Eris... Kita mo, sayo halos namana features nya liban sa mga mata nyang kulay berde at yung biyak nya sa chin nya... Ikaw na ikaw na!" anito na ikinatawa ko.

Totoo ang sinabi nya, bunso took everything to me except her eyes and that cute cleft chin he got from his asshole of a father...

"Well... She's my lil doll." biro ko.

"Oo nga pala, ate nagtrending ngayon sa social media yung pagkakahuli ng half sister nya... Ikaw ba ang may gawa niyon?" she asked in worried tone.

Alam nya na plano kong pabagsakin ang House of Wolsey na syang pinagmulan ng sakit na nararamdaman ko hanggang ngayon. Kundi dahil doon ay hindi sana ako aasa noon... Hindi sa---nevermind.

"Maybe... Yes or maybe not. Who knows... Hindi lang naman siguro ako ang may malaking galit sa pamilyang iyon. Sa dami ng tinatago ng bawat royal houses? Di na ako magtataka..." makahulugan kong saad.

Totoo ang sinabi ko... Maraming tinatago ang bawat royal families... Each of them wants to maintain the graceful and perfect image they were projecting... Even our power houses. Hindi ako magmamalinis... We got lots of skeleton in our disposal. Hindi iyon maiiwasan... We are not perfect but we are trying our best to minimized it.

"Take a rest, Amy... Alam kong pagod ka sa byahe... maiiwan kayo ni bunso rito ng ilang araw... I need to visit Serene. And we have a family meeting. Gustuhin ko mang isama kayo ay alam kong mas gugustuhin mong magpahinga lalo na at malapit na ang internship mo. Saan ka nga pala maginternship? "

"Hindi ako nagpasa ng choices ko e. Hahayaan ko na lang sila magdecide." anito na tila hindi big deal sa kanya ang internship nya.

"I can refer you to our travel and to--"

"Hindi na ate... Gusto kong maipagmalaki mo ako dahil nakaya ko... Alam kong bibigyan ako ng special treatment ng House of Poseidon kung sa inyo ako magOJT. Ayoko ng ganoon..." anya na ikinangiti ko.

"I know... Sinubukan ko lang. Tho I am really proud of you... Kahit ano pa sabihin nila... Remember that.
So tulad ng sinabi ko... Aalis ako bukas patungong Germany. I'll be gone maybe 3 to 4 days max. Ikaw na muna ang bahala kay bunso... Yung mga bilin ko... And the househelpers and Gideon will assist you...I trust you Am--"

" Alam ko na ang gagawin ate. Wag kang mag-alala... Kayang kaya na namin ni bunso rito! Strong kami! "biro nito sa akin. Hindi ko mapigilang hindi mag-alala tuwing kakailanganin kong umalis at iwanan sila. This was the 6th time na aalis ako na hindi sila kasama pero hindi pa rin ako masanay sanay.

We called it a day... Matapos kong masigurong nahihimbing na si bunso ay chineck ko si Amy... I found her sleeping soundly.. Hindi na nito nagawang nakapagpalit man lang... Naiiling na kinumutan ko ito... I'll ask a helper to change her bed sheets, pillow cases and blanket tomorrow.
Bumalik na ako sa silid namin ni bunso... Muli ko itong pinagmasdan bago nahiga...

Matutulog na sana ako ng magvibrate ang phone ko... At sa gulat at kaba ko ay naibato ko ang phone ko...

From : Unknown

I miss you so much, Liebe. I will claim you soon and end this chase. - RWS

Napahawak ako sa aking dibdib... Sobrang lakas at bilis ng kabog niyon... Damn...

Paano na naman nya nalaman ang number ko?

Natauhan na lamang ako ng umingit ng iyak ang aking anak kaya dali dali ko itong nilapitan at kinarga. Hinele ko ito sa kabila ng takot at kabang nararamdaman ko...

No... Hinding hindi nya tayo makikita bunso... Your vader won't know you... Never in this lifetime... Bunso... Hindi ko hahayaang magkaroon sya ng pagkakataong magamit at masaktan nya tayo... I promised you that, bunso... Mutter promise you that.

Stavros 7: Too Good At GoodbyesDove le storie prendono vita. Scoprilo ora